Author's Note : Yow! Para mas lalong mafeel niyo ang story guyth, i-Play niyo yung video na nasa baba. Yikes! Hopyalaykit *Smile*
♫ (Dexter)
Hindi ako mapakali
Ano ba to’ng
Tumatakbo sa isip
Nariyan ka pa ba?
Ako ba ay muli mong iniwan? ♫
FLASHBACK. 4 Days Earlier.
"Kailangan mo nang hiwalayan si Jan..." Sabi ni mama sakin'. Halos parang gumuho ang mindo ko sa narinig ko.
5YEARS?! Tumagal kami para sa wala? bakit kailangan pang maghiwalay kami? Pwede namang LDR ah.
Hindi ako nagsalita. Kasi pag nagsalita ako, alam kong bubuhos ang luha ko na kanina pang gustong lumabas. Nararamdaman ko kasing nag-iinit ang mga mata ko. Ayoko talagang magsalita, Alam ko kasing kapag nagsalita ako, parang boteng basag ang tono ng boses ko... Utal-utal.
Pumunta sa labas si mama. Ako naman, nagmadaling pumunta sa kwarto ko.
At nilabas ko na LAHAT. Di ko kasi mapigilan
Sakit, kirot sa dibdib, at pagwawala. Gusto kong sumigaw kaso parang walang lumalabas sa bibig ko. Puro iyak. Ang sakit talaga.
♫ (Yeng)
Umaagos ang luha
Punong puno ng dusa
Pagibig na waga
Nagkaroon ng wakas ♫
Kapag kasi si mama na ang magsasabi... kailangang masunod. Siya nalang kasi ang meron kami matapos mawala si papa dahil sa sakit. Nirerespeto naming lahat si Mama. Kaya lahat ng gusto niya, kailangan talagang sundin. Apat kaming magkakapatid at ni isa sa amin ay wala pang nagkakamaling suwayin siya.
Pumunta akong banyo para makapag hilamos. Para mahimasmasan ako. Para na kasi akong sabog dahil sa pula ng mata ko kakaiyak.
Pumunta ako sa closet ko para magbihis...
Magkikita kami ni Jan.
Boyfriend ko siya, since 2ndYear highschool pa kami. Hanggang ngayong nasa 3rdYear College na kaming pareho.
Ceramic engineering ang kurso niya. Samantalang Home and Restaurant Management (HRM) ako.
Masayang-masaya kami sa bawat araw-araw na magkasama kami. Nag-aaway minsan. Hindi naman mawawala sa isang relasyon yan di ba? Napaka sweet at Gentleman niya. Caring. At lahat gagawin niya para mapasaya lang niya ako.
BINABASA MO ANG
Kung Maibabalik ko lang. (One-Shot)
Short StoryKung maibabalik ko lang. Siguro ay TAYO PA RIN :(