When He Came Prologue

55 1 0
                                    

Miserable at wala ng patutunguhan ang buhay na meron si Maria Dan "Dan-Dan" Farris Natividad.

Takaw gulo,basugulera,labas pasok sa kulungan,tamad mag-aral,dalawang taon na pabalik balik sa grade 10,walang respeto sa kahit na kanino at higit sa lahat kinatatakutan sya ng lahat.Meron syang komplikadong buhay na mas lalo pa nyang pinapa-komplikado.

Isa syang sikat na GANGSTER sa lugar ng maynila,matunog at kilalang kilala ang pangalan nya san ka man magpunta.Marinig palang nila ang pangalan nya kinakalibutan na ang mga tao.

Para yung may sumpa na once na marinig mo ang pangalan nya parang nasa listahan ka na agad ng kamatayan.Ganon kalakas ang impact nya sa mga tao.Kinatatakutan sya ng lahat pero mas lamang parin ang mga taong galit at naiingit sa kanya.Hindi lang din sya sa labasan sikat kundi pati sa loob ng pinagaaralan nya.

Sa International School Manila (ISM).Laging bukang bibig ng mga estudyante dun ang pangalan nya.Walang nagaamak na lapitan o kausapin man lang sya dahil sa sobrang takot nila sa kanya.Para syang isang reyna pagnadaan sya sa harapan nila dahil halos lahat sila ay nakatungo at nakatabi sa isang tabi.

Isa syang babaeng sobrang takaw sa gulo.Hindi nga ata nabubuo ang araw nya kung hindi sya makakagawa ng kahit isang gulo,dun lang nagkakakulay ang black & white nyang buhay.Wala syang pinipiling lugar ng pagbubugbugin nya sa isang tao,kung san sya magsimula dun nya yon tataposin.

Kontento na sya sa buhay na meron sya.Tanggap na nya na hindi na yon magbabago kaya keysa magreklamo,sinasakyan na lang nya yon.Pero dumating ang isang araw na may lalaking nakielam sa buhay nya.

Earth Lie Villaflor,isang transfer student sa school na pinagaaralan nya.


••••••••••••••••

DISCLAMIER: This is a work of fiction.Names,events,places,characters,bussiness and incidents are either the ptoductions of the author's imagination or used in fictionuos manners.Any resemblances to actual person or dead person is purely confidential.







~Started: 01-31-2019~

~~~~~~All right reserved~~~~~~

When He Came (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon