One shot

67 4 5
                                    

"Kyaaah! Excited na ako." unang pangungusap na aking nasambit pagkagising ko. Hahaha. Ang lalim ng tagalog. nusblid (nosebleed)

"Anak, bilisan mo na kumilos malelate ka na." sabi ni mother.

Alam niyo ba kung ba't ako excited? Kasi may jail booth mamaya sa school kaya aagahan kong pumasok. Hahaha. Ang totoo kasi niyan lagi akong late pumasok sa school pero nitong week lang hindi. Syempre, nag bagong buhay aketch. May inspiration kasi ako. Nung Monday ko lang talaga naramdaman. Hahah. Kilala niyo ba kung sino? Edi, yung heartthrob kong kaklase. Si Jed. Kyaaah. Keleg akets. Sa totoo lang ayaw na ayaw ko sakanya nung una. Pano ba naman kasi walang manners, ang sama sama, bastos, manyak, playboy, malandi at iba pa. Lahat ng ayaw ko nasa kanya pero narealize ko na crush ko siya. Di ko nga lang alam kung bakit. Hahah. Ang baliw ko noh? Haha.

"Anak, nag dadaydream ka na naman diyan. Maligo ka na nga. Ambaho mo na. Malelate ka na oh."

"Opo. Eto na." Tss. OA talaga ni mama pero wag ka ha! Lab ko yan. Hahaha. Inamoy-amoy ko sarili ko. Di naman ako mabaho ah. Tss. -_- Tsaka anong oras palang naman 5:30. 7:30 pa naman yung program.Habang ako ay naliligo siyempre magkukuwento muna ako. Wala naman talagang klase ngayon. Pero dapat nandun kami lahat dahil school days daw. Kailangan ng attendance. Walang klase ngayon dahil District meet. Di sana ako pupunta pero meron kasi jail booth kaya gogora aketch.

After ko maligo nagbihis na ko. Aba'y syempre dapat magbihis. Alangang pumunta ako ng school ng nakahubad? :3 Kumain ako ng break fast, nagtooth brush at nagsuklay. Syempre mag gogoodbye kiss ako kay mama noh. Di yun pwede makalimutan. Wala si papa ngayon dito sa Pilipinas. Cook siya sa barko eh. Okay nag dadrama nanaman aketch. hahaha. Okay, habang naghihintay ako sa labas ng bahay namin ng tricycle may sumigaw ng pangalan ko. Fan ko nanaman siguro. De joke lang. Hahha.

"Krisdeeeeeeel!"

"Oyyy, Jesraj. Hahaha"

"Uyy, bilisan mo na! Sabay ka na sakin"

"Okay! Wait lang. Eto na!"

Binaba na kami ng driver sa crossing. Dalawang sakayan kasi papuntang school. Medyo malayo kasi sa bahay.

"Ineng, sa A-B-A kayo?"

"Opo."

"Bilisan niyo na. Sumakay na kayo." Tumakbo kami ni Jesraj. Nasa gilid parin ng kalsada yung tricycle dahil naghihintay na mapuno itong trike. Sumakay sin yung teacher namin.

"Aba, Dea. Di ka na nalelate ngayon ah. Pagpatuloy mo yan."

"Hehe. Hi ma'am. Inspired ako ngayon eh. Hahah. Joke"

"Hahaha." Mabilis lang napuno yung trike kaya naka alis din ka agad. Habang malapit na sa school naming A-B-A biglang nag stop yung trike.

"Hoy ano bayan! Paki bilisan niyo nga" sigaw nung driver na nag dadrive ng sinasakyan naming trike.

"Pre, nag-umpisa na yung parada! Pasensya na." Sigaw nung isa pang driver.

Nakita ko si Finiella na naglalakad.

"Uyyy! Finiella!"

"Oyy, Krisdel" bati niya pabalik sa akin"

"Ba't naglalakad ka?" Sabay na tanong namin ni Jesraj.

"Kasi baka bukas pa makaalis yung trike eh. Nagsastart na kasi yung parade ng mga players."

"Oy, maglalakad narin kami. Wait lang" Agad naman kaming nagbayad kay manong at sinabing maglalakad nalang kami dahil malapit nanaman yung school.

"Finiella, may gwapo oh." sabi ni Jesraj sabay turo sa lalaking naka green.

"eww" sabay naming react ni Finiella.

JAIL BOOTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon