Mahal Kita! Gets Mo Ba!?

76 6 0
                                    

Masayang naglalakad si Edward patungo sa canteen kung saan sila magkikita ni Maymay.

Bitbit niya ang isang puting rosas na galing pa sa garden ng mommy niya. Siya na rin ang nagtanggal ng mga tinik nito. May dala din siyang tatlong piraso ng iba't ibang chocolates; kitkat, m&m at toblerone. Alam niya kasing paborito ito ng girlfriend niya. Tamang-tama sa okasyon ngayon.

Eleventh monthsary ng MayWard. Pinagsamang pangalan nila Maymay at Edward na binuo ng mga matatalik nilang kaibigan.

Nang makapasok na ng canteen si Edward ay agad niyang natanaw si Maymay. Nakaupo sa bandang gitna ng mga upuang nakahilera.

"Uy Edward!" tawag ni Pat. Agad naman ikinalingon si Maymay. Lumapit naman si Edward na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi.

"Sige ha. May bibilhin muna ako. Mag-usap kayo." nagpaalam agad si Pat. Tumingin muna ito kay Edward na panay senyas ng mga mata nito pero hindi niya ito maintindihan.

"Hi babe!" bumeso si Edward kay Maymay at umupo sa harap nito. "Happy 11th monthsary babe!" masiglang bati pa niya. "Hope you like my presents. Alam kong paborito mo ang mga 'yan!" sabay bigay niya kay Maymay. Pansin naman nito ang pananahimik ng nobya. Nakatingin lang ito sa kanya. "Are you okay babe?" kita niya ang malungkot na mga nito.

"Can we talk Edward?" tanong ni Maymay sa kaharap.

"Yes, of course babe!" nag-alala naman bigla si Edward. "Are you okay babe? Mukhang seryoso yata pag-uusapan natin."

"Let's go to basketball court. Dun na lang tayo mag-usap." dahan-dahan tumayo si Maymay. Kahit hindi maintindihan ni Edward ay sumunod naman ito. Sabay silang lumabas ng canteen. Hawak ni Maymay ang puting rosas habang bitbit naman ni Edward ang chocolates.

Iilang mga estudyante lang ang andoon. Nang makahanap ng pwesto ay umupo na sila.

"Edward," panimula ni Maymay. Hindi siya makatingin kay Edward. "Edward... maghiwalay na muna tayo. I mean, maghiwalay na tayo." tumingin siya kay Edward pero agad niya namang binawi ito.

"Babe..." hinawakan naman ni Edward ang kamay ng nobya. "Babe, what are you saying? Pag-usapan muna natin ito. Bakit? May nagawa ba ako?" mga tanong ni Edward. Sabay ng pagkabigla ay ang takot sa puso ng binata. Hawak-hawak niya ang mga kamay ni Maymay. Pilit mang bawiin pero sobrang higpit ng pagkakahawak ni Edward sa mga kamay nito.

"Siguro hindi nga tayo para sa isa't isa, Edward." sabi ni Maymay na nakatingin lang sa mga kamay nila. Ayaw niyang maiyak sa harap ng binata.

"What are you talking babe!?" pagtataka ni Edward.

"Edward, ayoko na!"

"Ano na naman ba ang idadahilan mo ngayon? Two months ago, ganyan ka rin eh." tuluyan kumalas ang mga kamay nila.

"Ang dami nating pagkakaiba, Edward! Minsan na lang tayo nagkikita. Busy tayo pareho." pagdadahilan ni Maymay.

"Maymay, alam mo naman di ba, nagkaproblema sa bahay lately pero okay na ngayon. May basketball practice pa kami kasi malapit na ang game namin." paliwanag ni Edward.

"O baka naman, yung dating issues na naman 'yan!" pilit kinokontrol ni Edward ang inis niya. Hindi naman agad makasagot si Maymay.

"Edward, baka tama nga sila. Magkaiba talaga tayo. Hindi tayo bagay. May mas deserving pa sa'yo!" tuluyan ng umiyak si Maymay.

"Ayan ka naman eh! Napag-usapan na natin 'to babe, di ba!?" hinawakan ulit ni Edward ang kamay ni Maymay.

"Pero Edward..."

"Babe naman..."

"Edward, bakit ba kasi ako? Sana dun ka na lang sa mga una mong niligawan eh. Mas maganda, mas matalino, mas talented..." mahinang sabi ni Maymay. Kahit umiiyak na siya ay rinig pa rin ito Edward.

"Hindi ko kailangan ng mas maganda, mas matalino at mas talented. 'Coz all I want is you! Ikaw lang bumihag ng puso ko. Ikaw lang tumatakbo sa isip ko. Ikaw lang babe! Ikaw lang sapat na!" napaluhod na si Edward sa harap ng dalaga. Hindi pa rin makatingin si Maymay sa nobyo.

"Edward..."

"Almost two years ago, seryoso ako sa'yo hanggang ngayon. Niligawan kita kasi gustung-gusto kita hanggang naging tayo. Itanong mo pa sa pinsan mo. Halos araw-araw kaming magkasama sa practice. Kung magloloko ako sa'yo, siya ang unang susuntok sa akin, isali mo pa kuya mo. Wala akong pakialam sa mga ayaw sa atin. Dahil sa mundo natin, may Ikaw at Ako lang. May, 'wag mong pahirapan ang sitwasyon!" hinarap ni Edward ang mukha ni Maymay sa kanya. "Mahal kita! Gets mo ba!?" umiiyak pa rin si Maymay. Niyakap ni Edward ang nobya. Ramdam nila ang higpit ng pagmamahal.

"Pag may makita o mabasa o marinig kang mapanirang tsismis tungkol sa atin, pag-usapan natin. Pagkatiwalaan mo ang pagmamahal ko sa'yo. 'Wag yung nambibigla ka. Hindi sagot ang paghihiwalay. Hindi ko kakayanin 'yun." yakap pa rin ni Edward si Maymay hanggang sa tumahan na ito.

Nagpangiti si Maymay. Nang kumalas sa yakapan, pinahid ni Edward ang natirang mga luha sa pisngi ng nobya.

"I love you babe! Mahal kita."

"I love you too babe. Sorry kung nagdadrama na naman ako. Hindi ko kasi napigilan eh. Alam mo naman halos Mr. Perfect ka ng lahat dito sa campus." paghingi ng tawad ni Maymay.

"Lakompake sa iba. Basta para sa akin, ikaw lang. Ikaw lang laman ng puso ko. Gets mo na!?" palambing na sabi ni Edward. Yakap niya si Maymay at sobrang lapit na ng mga mukha nila.

"Oo na. Gets ko na babe!" ngumiti  si Maymay sabay nakaw ng halik sa labi ni Edward. Tumakbo naman agad ang dalaga na natatawa at kinikilig sa ginawa.

Natulala bigla si Edward.

"Babe!!!" sigaw ng binata. Nilingon niya ang nobya na hindi pa masyado nakakalayo.

"Happy 11th monthsary babe!" sigaw naman ni Maymay. Na ang mga ngiti ay abot sa mga masasayang mga mata nito.

Huminto sila pareho sa kinatatayuan. Nagtitigan lang sila. Titigan na puno ng saya, kilig at pagmamahal. Mga baliw yata talaga sila. Pagkatapos ng nangyari kani-kanila lang ay biglang napalitan ng kilig agad. Iba talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig.

"Maymay, mahal kita!" sigaw ulit ni Edward. Nagpapalakpakan naman ang mga estudyanteng nakakita sa kanila.

Pinipigilan naman ni Maymay ang kilig niya kaya napatakbo palayo ito.

"Nagpapahabol ka pa talaga ha. Ihanda mo premyo ko 'pag naabutan kita babe!"

~♥~

"Trust only the person you knew will stay loyal to you even in times of trouble."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal Kita! Gets Mo Ba!? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon