Facebook Status (One shot)

37 1 1
                                    


Emerald's P.O.V

Monday sucks. May pasok na naman. -____- Oo tamad ako. Tama ang iniisip nyo.

"Hoy Emerald nakatunganga ka na naman dyan. " - Patty. Ang bungangera kong best friend :)

"Anong gusto mo? Sagutan ko yang problem solving na yan? ASA! " Haynako. Wala kasi ang magaling naming teacher. Sa sobrang galing nag iwan pa ng napakahirap na seatwork -___-

"Hay. Si Emerald ka nga. Napakatamad mo. :p Basta ako gagawa"

" Edi gumawa ka. Di ako magpapasa. Sige. punta muna akong canteen. Nagugutom ako."

Haay.Nakakatamad sa room. Ang tahimik. Ang sisipag kasi e. Ako lang ata ang nasa pilot section na tamad. XD

Ayon. Tamang tama. Walang masyadong tao sa canteen. Makapag fb nga muna sa phone. Haha. may free WiFi dito e. kaya dito ako laging tumatambay :)

10 friend request. 2 message. 50 notifications

Binuksan ko yung message. Si Tita saka yung pinsan ko lang pala.

Tinignan ko yung friend request and I'm like 0_0

Kristoff Nathaniel Ramos wants to be your friend.

Omygossssh!!!! >/////< Inadd nya ko. Mukha akong tanga dito na nakangiti mag isa. E kasi naman. Can't breath. :''') Confirm agad syempre.

Wala na kong pake sa notifs. ko

Status agad ako.

Emerged. Inadd ako ng babe ko. :* #KNR<3

just now

Abala ko sa kaka Facebook. di ko namalayan na madami na palang pumasok sa canteen. AT WALA AKONG PAKE DUN. Haha

Kristoff is my one and only crush. He's in the Regular section. Kaya di ko siya nakikita minsan. Iba kasi sched ko kasi nga pilot ako. Ayon. Si patty lang ang may alam na crush ko yun. And speaking of kristoff. Nag status siya >////<

Sana magkaroon na ko ng lakas ng loob magtapat Sayo. :( #MS

2mins ago 25 likes

Aw <////3 MS. May gusto na syang iba. :(

Aba nag status pa ulet.

Yung babaeng gusto ko? Paboritong tambayan ang canteen. <3

Napangiti naman ako dun. kahit papano may similarities kami ng babaeng gusto nya.

Nag status ako.

Feeling broken

May iba na pala syang gusto. Ang sakit. :(

Idadaan ko na lang sa status ang nararamadaman ko ;(

Nag status ulit siya

Ang saya ko. Magtatapat na ko sa kanya. Nagpatulong pa ko sa kaibigan nya. at sa nalaman ko lalo ko syang minahal. :* Hi sana magka clue ka na na ikaw ang tinutukoy ko. :)

5 mins ago. 30 likes 25 comments

Rachelle: Ako ba yan? Omygoshh. I love you Kristoff.

Gellica: Anong ikaw? Wag kang assuming.

Rhian Dane: Kinikilig ako. ;))))

Kyle: Pre. Congrats di ka nga torpe :D

Marjorie: Sino yan Kuya?

Patty: Good luck Kritoff. :)

Juvielyn: Ako na lang please.

Si patty??! Kilala nya yung gusto ni Kristoff pero di nya sinabi saken. Ang bad ng bestfriend ko :( Huhu.

Tinignan ko pa yung mga comments.

"Minamasdan kita nang di mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi at matingkad mong ngiti umaabot hanggang sa langit. "

Ano ba yan. Istorbo naman sa pagbabasa tong kumakantang to. Di na ko nag aksaya lumingon kung sino man yun. Busy ako sa pagbabasa ng comments. Huhu. May iba syang gusto di ko matanggap. <////3

"Wag ka lang titingin sakin at baka matunaw ang puso kong sabik"

"Omygoshhh Bes! Tumingin ka naman!" Boses ni patty yun ah.

Pagtingin ko sa harapan. Shet. Si Kristoff pala yung nag gigitara at kumakanta. At nakatingin siya sa akin?*Tingin sa likod walang tao* Ngayon ko lang napagtanto na Lahat ng tao nasa gilid at nasa gitna si kristoff. Naglakad sya papunta sakin. >////<

"Sa iyong ngiti akoy nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo koy tumitigil. Para lang sayo ang awit ng aking puso"

Mygod. Nasa harapan ko na siya. Please kristoff wag kang masyadong lumapit. Kinikilig ako :'''')

Shet. hinawakan nya dalawa kong kamay at tumitig sa mga mata ko.

"Sana ay mapansin mo din ang lihim kong pagtingin"

Speechless ako.

"Emerald. I love you :) "

"Ha? Edi ba may iba kang gusto? Hashtag mo sa status mo MS"

"Ikaw yun. MS means Ems short for Emerald. Ikaw yung tinutukoy ko sa lahat ng status ko."

"Ahh. hehe. Ako pala yon. :) Hmmm. Ah e. e kasi gusto din kita kristoff" Gosh. nakakahiya pero umaapaw yung kilig ko. Haha. di ko lang pinapahalata.

" I know babe ;) Sinabi sakin ni patty lahat. Haha "

Pumalakpak ng dalawang beses si kristoff. May pumasok na mga katropa nya na may hawak na Cartolina at nakasulat CAN I COURT YOU?

May binigay syang flower saken "Can I court you ems?"

"Di na kelangan"

"Baket? Ayaw mo ba saken? :( " Haha. ang cute ni Kristoff

"Di na kelangan kasi ngayon pa lang sinasagot na kita :)"

"Wooohhhhhh. Yun yun e!! " Sigawan ng mga tao sa canteen.

Niyakap nya ko " I love you emerald"

"I love you too Kristoff"

------END--------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Facebook Status (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon