Ito yung istorya na nagsimula nung nakilala ko si Lyka, sya yung kaibigan ko na kilala ko nung Gr.7 pa ako, nagpansinan sila nang kapatid ko dahil lang nanghihiram siya ng ballpen, bigla na lang sya niyaya ng kapatid ko na sumabay na lang sya kumain samin sa canteen, nung nagpansinan kami surprise ako nung bigla na lang kami naging bestfriends, noong isang araw kinukwento nya sakin ang crush nyang si Zan, kahit anong gawin ko hindi ko sya mapatigil sa kaka-kwento nya sakin kay Zan, simpleng usap nila sa ay kinikilig na sya, si Zan at si Lyka ay nagsimula na naging pen pals sa school noong nagsulat si Lyka kay Zan na gusto nyang makipagkaibigan at pumayag naman si Zan ang problema nga lang ay nagkakilala at nag-uusap nga pero hindi nagkikita sa personal kase nahihiya lumapit si Lyka kay Zan hindi lang sa sulat sila nag-uusap ginagamit din nila ang FB, ako bilang kaibigan nya ay sinusoportohan ko na lang sya, kung may onting misunderstanding sila, magrereact si Lyka na parang sila na, kung akala mo naman kung sino, bigla kong nasabe na "Alam mo Lyka hindi naman kayo eh! kung may misunderstanding kayo, wag kang mag-react na kung akala mo girlfriend ka nya baka lumayo sya sayo" sabi nya naman "Siguro tama ka! sorry ahh! thank you sa advice." Sinubukan nya mag-sorry kay Zan at nagkaayos naman sila, kinilig nanaman sya nung nakita nya yung messege ni Zan sakanya sa FB:
Lyka:
Uy sorry ahh! kung maka-react ako na parang girlfriend mo ako! wag ka sana lumayo sakin :(
Zan:
Okay lang! wag kang mag-alala hindi ako lalayo sayo :)
~Seen 7:39 pm
Dun nakuha ni Lyka na baka daw may pag-asa sya kay Zan, humingi sya ng tulong sakin na ipaglapit ko silang dalawa, at para magawa ko daw yun i-add friend ko daw sya sa FB, at ginawa ko naman, dumating yung araw na nagkaroon ng School Ball at nagpapasama sya sa aming magkapatid, nilibre nya na ako ng ticket at ako naman na ang nagbayad para sa kapatid ko, 2 araw bago mag-School Ball, kinuwento nya sakin ni Lyka na nagchat sila ni Zan kung pupunta ba daw sya, sabi nya na pupunta daw sya, kinilig si Lyka na baka ma-first dance nya daw si Zan, sa oras na dumating ang School Ball nakita ko na si Zan, nung una hindi ko nakikita kung ano ang nagustuhan nya kay Zan , noong lumapit si Zan sa table namin ni Lyka naghahanap sya nang makakasayaw kaso agad kong sinabi"Kuya si Lyka ohh!" sabi nya "Lyka?" sabi ko "LYKA!" sabi nya naman "Oh Lyka............."nagsimula na yung usapan nila sa personal habang hinahawak ni Lyka ang kamay ko ng mahigpit , umabot ng 8 o'clock ng gabi , sinabi ni Lyka na kailangan nya nang umuwi at nagpaalam na sya kaso naghahanap pa rin si Zan ng makakasayaw wala na syang mapili at gulat ako nung bigla na lang ako ang pinili nya nung una nahihiya talaga ako kase slow dance pa naman ang isasayaw namin kaso pinlit nya ako, habang sumasayaw kami sinabi ko sa sarili ko na "Haaay buti na lang umalis na si Lyka kung hindi baka magselos pa sya kung nakita nya ako na kasayaw ko yung crush nya" nung tapos na kaming sumayaw 9 o'clock na kaya naisipan na namin ng Kapatid ko na umuwi na kaya nagpaalam na kami, sa pagkatapos ng School Ball doon na ako nagsimula na makipag-chat kay Zan:
Me:
Hi! Do you remember me?
Zan:
Yeah ofcourse! ikaw yung nakasayaw ko sa School Ball sorry ahh wala na kase akong mapili kaya ikaw na lang yung napili ko
Me:
It's okay kaibigan mo si Lyka right?
Zan:
Yeah!
Nung una ang topic namin ay si Lyka, naalala ko kase na tutulungan ko si Lyka kay Zan, nung bigla na lang sya nag-offline at hindi na nagreply, napa-isip ako at sabi ko sa sarili ko na "Ano ba yan ang sipag nya naman makipag-chat", umabot pa lang ng 2 araw na nakipag-chat ako kay Zan, nag-usap kami ni Lyka at napansin ko na parang galit sya sakin, itinanong ko sya kung bakit at sabi nya "Siguro may gusto sayo si Zan?!" napaisip ako at sabi ko sarili ko "Hala baka nalaman nya na nagslow dance kami ni Zan kaya nya naisip yan?! patay ako!" pero ang sinabi ko kay Lyka "Hah?! ano?! paano mo naman nasabi yan?" "Eh kase simula nung nakilala ka nya ikaw na yung topic namin kapag nagchachat kami" "Baka naman gsuto nyal ang ako makillala" "Pwede nya naman sabihin sayo yun ehh" "Baka naman nahihiya lang sya and may I remind you na kakakilala pa lang namain sa isa't-isa" "Basta feeling ko may gusto sya sayo" "Alam mo hindi kita maintindihan gusto mo ako makipag-kaibigan sakanya para tulungan kita, ngayon naman na nakikipag-kaibigan ako at tinutulugan kita nagseselos ka" "Ehhhh! Masakit yun ehh! bestfriend pa nman kita" "Alam mo wag ka na magselos kase mas makakilala kayo ni Zan at wala naman ako intention na gawin sya sayo" "Salamat ahh! promise yan!" "I promise" "Sige by the way pwede mo syang tanungin kung ano ang gusto nya sakin" "Uhmmm................." "Sige napara malaman ko kung ano ang tingin nya sakin' "O sige" "Yey! Thank you!", sinimulan ko na tanongin si Zan pero ang sinabi nya lang ay:
Me:
Pwede ko bang matanong kung ano ang gusto mo kay Lyka?
Zan:
Uhmm..........mabait sya
Me:
Yun lang? Ano pa?
Zan:
Mabait sya
Me:
Seryoso yun lang?
Paulit-ulit kong tinanong kay Zan kung ano ang gusto nya kay Lyka pero sa bawat tanong ay pareho pa rin ang sagot hangga't sa naabot akong bigyan na lang sya ng hint kaya ang sabi ko ay:
Me:
Hindi ba maganda si Lyka para sayo?
Zan:
Maganda naman sya
Me:
Hindi mo ba sya masabihan kung ano ang gusto mo sakanya? Bukod sa mabait?
Zan:
Dude sa School Ball pa lang kami nagkakilala sa personal kaya hindi ko masabe kung ano ang gusto ko sakanya
Me:
Ahh! ganon ba?
Zan:
Oo
Nung tapos ko na itanong kay Zan ay chinat ko na si Lyka at sinabi ko ang buong pinag-usapan namin, doon medyo nasaktan si Lyka , sinabe ko sakanya "Isang time lang pa la kayo nagkita sa personal, bigyan mo pa sya ng time para makilala ka pa mya nang husto" "O sige pero may pag-asa ba talaga ako sakanya?" "Nasa kanya na yun, sya lang ang makakapag-sagot ng tanong mo, hindi ako" "Sige salamat na lang sa tulong mo " "Sure! Anytime"at simula noon patuloy na ako nakikipag-usap kay Zan sa personal man o sa chat, kahit na walang utos galing kay Lyka ay patuloy pa rin kami nag-uusap, halos lahat ng usap namin ay uro kalokohan, hangga't sa isang araw....................................