one guy lifetime

2 0 0
                                    

  Haay. i have to do this. Ang tanging nasambit ko nalang sa sarili ko habang nakikipagtalo ako (somewhat) sa ermat ko while eating our lunch.

  "Isipin mo nalang kasi miranda ang mga kapatid mo. Si mershent at si marveouz. Malalaki pa ang gastos nila sa school e. Alam mo namang asa private school sila," ang todong pag eexplain sakin ng mommy ko.

Sa totoo lang.. ayaw kong gawin ang lumipat ng ibang kurso pero kelangan ko dahil di naman kami mayaman para masustentuhang maigi ang present course ko (dahil dentistry course yun). kaya hay eto, ate mode muna. bigay bigay give way give way. in God's glorious name, aja!

  " Okay meh, sige. wala naman akong magagawa kundi ang magbigay." Yun nalang ang naging sagot ko. ayaw ko mang palitan ang course ko na dentistry.. kelangan. hindi ko din naman matitiis na makita ang aking parents na super hunchback na sa kaka work work work. Bahala na. Basta ang mahalaga, makatapos ako ng college!

Pero hindi ko lubos akalain, mababago pala ang takbo ng buhay ko sa pagshishift kong yun.

**2nd year BS medtech major in irregular schedule master of arts in long vacant hours.**

Eto na. start na ng 2nd academic year ng pagiging kolehiyala ko! nakakaexcite padin to the extent na during that first day, ang pinatutugtog ko lamang sa mp3 ko ay ang *first day high* ng kamikazee. Medyo alternatibista ako ng konti e.

  Now on my way to the university. Nag dress to impress din ako non, plus bagong tabas ang buhok ko. maikling bobcat na ala *mariel rodriguez* daw ang peg kung tawagin non kasi maikli ang buhok ni mariel rodriguez during that time kaya feeling ko ang ganda at ang astig ko. Malapit nang mag time non so nagmadali ako. ang first class ko that time was psychology and ang irreg classmates ko were once my regular classmates so no hassle at all on  an irregular student's first day. and bwalllah, it was mid day already. At eto na. iba na namang set of classmates ang makakasalamuha mo from ibang colleges. Well, i take it as one of the perks of being an irreg student : magkakaron ka ng many friends and acquaintances. (and these thoughts really run through my mind nung mga oras na yun habang papunta na ko sa next subject ko which is situated sa kabilang bldg). mejo kinakabahan pero PROJEK lang te! mamaya tapos na din tong  first day bluff este high pala. :p

  Papasok na ko ng pintuan dun sa classroom nang magulat ako't di ko sya mabuksan. Kita ko from the glass mirror na may mga tao sa loob so di sya dapat nakalock. urggh, maybe eto initiation rites nila sa mga bago at irreg nilang kaklase. x.x tssss! hayaan na, dapat pa cute padin. hehe.

  Hanggang sa di ko na matiis dajil halos one minute na kong nakikipag agawan ng paghila ng pinto dun sa nasa loob. Nabuburat na ko pero kalma padin. teritoryo nila yun eh. And ayun. binigyan din nila ako ng freedom makapasok and there you go -- a bunch of boys nga ang nagpipigil ng pinto from the other side. lumabas sila and may isang hinrangan ako na parang nang assar. di ko  nalang sila pinansin.

  Dumating na yung prof and to my relief, naging prof ko na sya nung dentistry pa ang course ko. And ang nakakatuwa neto, inendorse niya sa mga irreg kong classmates na one of the brightest students daw ako ng prof ko.Shempre palakpak naman ang tenga ko non hahaha

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one guy lifetimeWhere stories live. Discover now