Pahina ng Kamatayan 2

66 2 0
                                    

Himala buhay ka pa, mabuti naman akala ko namatay ka na sa unang part, pero handa ka na ba dito sa susunod na istorya ng Pahina ng Kamatayan kasi ngayon PWEDE KA TALAGA MAMATAY

.................................................................................................................................

Si Troy ay isang 18 yrs. old na bata isa siyang college student ang nanay niya lang ang nagbubuhay sakanya ng trabaho na yaya sa isang mayaman na pamilya may GF siya at maraming kaibigan, pero umiba ang buhay niya nung may nakita siya sa internet.

ngayon magsimula tayo sa araw na iyon

..................................................................................................................................

6 o' clock nasa school na si Troy  maaga siya nagigising kasi siya, at pumunta sa room ng klase niya. pagdating niya sa room nag triple check siya sa mga assignments niya, sure naman tama ang mga sagot ko, isip niya kasi late na siya natulog kagabi.

6 02 tulog na siya sa classroom

6 45 dumating na ang kanyang mga kaklase pero hindi siya ginising

7 30 kakagising niya palang at nag sisimula na ang flag ceremony, tumakbo siya pababa, at pagdating niya nagsisimula na

"mabuti hindi ako nalate" sabi niya habang pumunta siya sa posisyon niya

"pero bakit hindi ako ginising ng mga kaklase ko" nagalit siya at pagbalik sa classroom ay nagreklamo siya sakanila, pero tinawahan lang siya.

"late kalang kasi, di ka namin nakita" at tumawa sila

late, kaninang six pa ako nandito.

pagkatapos ng school, pumunta siya sa net. cafe at nag search ng kamatayan, at may nag labas na isa, inopen niya ito pero isang salita lang ang nakasulat

"Kamatayan"

"ano to"

nagsearch pa siya hangan napagod na siya, lahat ng results ay pareho lang sa una, lumabas na siya at bumalik sa school.

Mamayang gabi may nag tawag sakanya na ang phone number ay hindi mabilang,

"hello, sino to" tanong ni Troy

"Kumusta Troy" sagot ng magtatawag, ang boses ay pamilliar sakanya pero hindi malaman,

"alam ko binasa mo ang pahina ng kamatayan at dahil doon mamamatay ka pagkatapos ng tatlong araw ng mag-isa", sunod naghung up.

"mag-isa, ibig sabihin lahat ng kakilala ko ay mamamatay!," natakot si Troy, pero                                       "basta mamatay ang akin mga kaibigan, mabuti sakanila" tumawa siya habang nasa room.

maya maya may narecieve siyang text galing sa kapitbahay niya sabi,

"Troy bigla lang nawala ang nanay mo habang naglilinis siya ng bahay sa mga amo niya"

"ano" malapit na siyang sumigaw, nawawala ang nanay niya, nalungot siya at lumabas.

Habang lumalakad siya, may nadingig siyang mensahe sa radyo,

"balita ngayon, dalawang mayaman na mag-asawa namatay at ang yaya nila ay nawala, etc."

Kahit ang amo niya nasali, naisip ni Troy, anong nangyari, bumalik na siya sa dorm, malapit na mag curfew kaya tumakbo na siya.

Natulog na siya, dalawang araw nalang babalik na siya sa bahay nila, o niya dahil wala na ang nanay niya

sa susunod na araw uamlis ang GF niya para bumili nung umaga, pero hapon na hindi pa siya bumabalik, pumunta siya kung saan niya narinig ang balita kagabi, at ito ang headline,

"college student sa market rinape at piantay kuha sa CCTV, etc."

ano! napahimatay si TRoy sa balita, bakit, hay wala nang natitira kundi ang mga kaibigan niyang gusto mamatay hindi ang nanay niya o ang GF niya, natulog nalang siya, bukas babalik na ako sa bahay namin/ko.

Sa susunod na araw pagkatapos ng klase nasa carpool na siya at pabalik na sa bahay niya.

habang nagbyabyahe nabalitaan niyang sa radyo na ang carpool na sinasakyan ng mga kaibigan niya ay naaksidente, himala na lahat kundi ang mga kaibigan niya ay naligtas.

Mabuti basta mamatay kayo mga kaibigan ko, inisip ni Troy

Pagdating niya sa bahay niya nakita niya ang nanay niya sa loob, hawakhawak niya ay isang libro,

"nanay" sumigaw si Troy habang patakbo siya sakanya, pero nung umabot siya nalampasan niya ang nanay niya,

"anak, wala na ako dito, nandito lang ako para ibigay ko ito saiyo" sabi niya habang binigay niya ang libro sakanya,

"nay ano to?" tanong ni Troy

"ito anak ang sumpa ng pamilya natin noon dating panahon pa, pinasa saakin ito ng lola mo nung pinatay ko siya, ngayon naman saiyo ko to ibibigay," sabi ng nanay

"sige nay," sabi ni Troy habang nawala ang kaluluwa ng nanay niya

..........................................................................................................................

                                                      THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pahina ng Kamatayan StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon