Chapter 1: Sweet moves ni RYAN.

2.4K 11 10
                                    

“Hahayaan na kita, hindi na kita kukulitin, kakausapin at papansinin. Masaya ka na? Wala nang maangas na lalapit lapit sa’yo.” Yan ang huling binitawan na salita ni Ryan kay Monique.

            Kilala si Ryan sa kanilang University dahil sa kanyang mala anghel na mukha at matalino ito, marami din itong kaibigan na kilala sa eskwelahan.

            Simula ng pasukan. Maraming excited, at marami ding nabitin sa bakasyon. Nagkalat ang mga old at new students. Kanya kanyang trip ang mga estudyante na tila isang malaking REUNION sa kanilang University.

            Maraming nagkakagusto kay Ryan dahil siya ay isang magaling na student leader, bad boy look din ito at napakadaming nahuhumaling sa kanya. Nagkaroon siya ng apat na girlfriend pero hindi niya ito sineryoso dahil bata pa siya noon at para bang ito ay laro lamang sa kanya. 1 week after, nagkaron na sila ng regular class at mga bagong kaklase.

“Hi.”

Bati niya sa isang napakagandang babae na katabi niya.

“Hi din.” *ngiting suplada*

Sagot ng magandang binibini.

            Hinayaan ni Ryan ang inasta sa kanya ng babae, ni-hindi sila nagkatanungan ng pangalan. Natapos ang klase pero hindi na ulit sila nagkausap ng oras na yun.

Tumambay ang barkada ni Ryan sa kanilang paboritong lugar, maraming dumadaan at palaging binabati si Ryan ng mga nakakakilala sa kanya at ng ibang mga babae pa.

“Hello Rye” – ito ang madalas na bati sa kanya sa school nila. Dumaan ang babaeng nagsungit sa kanya.

            “Oh, Hi Miss SUPLADA. ” – wika ni Ryan.

            “Huh? Naging suplada ba ko kanina? Hindi diba. ” At sinabi sa isip na, “Ang hangin naman nito. ” – sagot ng babae.

“Gusto ko lang malaman name mo, okay lang?” – Tanong ni Ryan.

            “Girls tara na, may klase pa tayo. ” Yaya ng babae sa kanyang friends.

            “Wait Monique….” – sagot ng isang kaibigan ng babae.

Narinig ito ni Rye. “Alright, Monique pala name mo ha. Ngayon alam ko na :) ” - Nakangiting sabi ni Ryan sa barkada niya.

Isang linggo ang lumipas….

Nagkaroon ng recitation sa klase nila, pero itong si Ryan lutang ang isip. “Mr. Ryan George Alcantara, pwede bang malaman kung anong iniisip mo? Stand up, please! ” – galit na wika ng professor nila.

“Ahh Ma’am wala po, iniisip ko lang po yung babaeng nagpangiti sa akin simula nung unang pasukan.” – sagot ni Rye.

“Whaaaat? Itigil mo ang kalokohan mong yan, maupo ka! ”

Tuwang tuwa ang classmates sa sinambit ng lokong si Ryan, nagsigawan ang buong klase maliban kay Monique. Wala siyang idea na siya ang tinutukoy ni Ryan. Natapos na naman ang klase.

            (Sa powder room… )

“Girls, kakaiba talaga si Rye. Imagine sinabi niya talaga sa harap ng klase at sa harap ni Ms. Alberta ang talagang iniisip niya. Proud na proud pa, nakakahanga siya. Feeling ko talaga girl, ikaw yung tinutukoy niya. Ayiie…” – wika ni Sophie.

            “Hanga ka na agad dun? Eh ang yabang kaya ng dating niya. Feeling niya may gusto lahat ng babae sa kanya. At excuse me wala akong pakealam kung sino tinutukoy niya.” – inis na inis na sagot ni Monique.

Bad Boy look sa CAMPUS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon