Nakarating na sa bahay si Monique, bumaba siya ng jeep na basang basa at pumasok sa bahay nila, nagmadaling umakyat sa kwarto niya.
"Sana hindi na lang siya naging malapit sa’kin, sana di na lang niya ako niligawan. Mas gugustuhin ko pang maging crush siya na ako lang ang nakakaalam. " – sinasabi ni Monique habang patuloy na umiiyak.
Nagdaan ang mga araw, at dumating na ang date ng presentation nila.
Maraming tao ang nanonood, dahil nagbenta sila ng ticket sa kanilang campus.
“Okay group 1, maghanda na kayo dahil sa ilang minuto lang ay magsisimula na tayo.” – wika ng professor nila.
(Sa backstage…)
“Goodluck sa inyo Rye…”
“Kaya niyo yan, go go go. Huwag kayong kabahan.”
Ilan lang yan sa mga sinabi ng mga classmates nila sa kanila.
“MISTER ALCANTARA, MAKE YOUR MAMA PROUD.” – pahabol na sinabi ni Monique.
Nagulat si Ryan sa sinabi ni Monique dahil simula nung bata pa ito, hindi na niya nakita pang muli ang kanyang ina. Walang galit sa puso ni Rye dahil ang totoo gustong gusto niya makilala ang kanyang ina.
“GO BABY RYE. ” – sambit ni Sophie.
Narinig ng ibang kaklase ang sinabi ni Sophie at sabay sabay na sinabi, “PEE BEE BEE TEENS??” -*nagtawanan silang lahat.*
Nagsimula na ang presentation…. Tila ginanahan si Ryan, at natapos ang presentation na successful.
“Hey salamat kanina.” – wika ni Ryan kay Monique sabay tapik sa balikat nito at umalis din agad.
Nakita ni Sophie ang ginawa ni Ryan, nilapitan niya ang kaibigang si Monique at sinabi, “Girl, kamusta na kayo ? Mukang okay na ah?” sabay ngiti.
“Uhmm…” – sagot ni Monique.
“Balitaan mo ko pag kayo na ha? Next sem kasi lilipat na ko ng school. Hassle nga eh, si Mommy kasi gusto niya kasama ko yung pinsan ko dun sa isang University.” – wika ni Sophie.
Nagtaka ngayon si Monique na para bang naguluhan siya sa sinabi ng kaibigan, ang tanging nagawa niya ay ang tumango na lang.
Nang matapos ang presentation ng lahat ng grupo, tahimik si Monique na nakaupo sa backstage. Nilapitan siya ni Ryan.
“Miss Villaflor, pwede bang malaman kung ano ang iniisip mo?” – patawang tanong ni Ryan sa kanyang minamahal.
“Ikaw ha, ginagaya mo si Ms. Alberta.” – nakangiting sagot ni Monique.
Rye: “Mahirap maging kaibigan ang mahal mo noh?”
Monique: “Sobra…”
Rye: “Waa, what do you mean?”
Monique: “Nothing, may kilala kasi akong ganyan.”
Rye: “Ako nga kasi yun, hindi ko kayang maging kaibigan ka lang.” – seryosong sambit niya.
Monique: “Ang hirap talaga maniwala pag joker no?”
Rye: “Mahirap talaga, katulad ko. Pero sana naman maniwala ka na sincere ako sa nararamdaman ko para sa’yo. Maniwala ka sakin Miss suplada.” *sabay kindat*
Natawa si Monique pero deep inside kinikilig na talaga siya :”””>
“May pupuntahan pa ako, see you around.” – nagmamadaling sinabi ni Monique para lang hindi na niya masagot yung sinabi sa kanya ni Ryan.
BINABASA MO ANG
Bad Boy look sa CAMPUS.
Novela JuvenilCute na istorya, mapapangiti ka sa karakter na si RYAN. ENJOY READING :-)