chapter 1

42 2 0
                                    

Pagkatapos kong mamili ng mga gamit ko for this school year, humanap agad ako ng pwedeng kainan dahil gutom na talaga ako.

Pumasok ako sa KFC  at agad na dumeretsyo sa counter. Ibinaba ko muna ang mga pinamili ko sa gilid ko. Agad naman akong binati ng babae sa counter.

"Good Afternoon Ma'am, make I take your order?" nakangiting  tanong sa akin ng babae sa counter.

"1 spaghetti with chicken ,1strawberry krusher without cream, 1 chicken burger, 1 bucket fries at 1 mushroom soup, paki large na yung drink please" nakangiting sabi ko sa babae sa counter.

Inulit naman nya yung order ko. Pagkatapos nyang ulitin ay inabot ko na ang bayad ko.

"I recieved 1000 pesos, here's your change ma'am. Pakihintay nalang po sa side." nakangiting sabi nito sakin pagkatapos iaabot ang sukli ko.

Inabot ko ang sukli ko .

Naisip ko na maghanap muna ng lamesa para maibaba ko ang mga pinamili ko dahil marami-rami rin ito, kulang pa naman ang order ko kaya umalis muna ako sa counter para maghanap sandali ng bakanteng lamesa.

Nang makahanap ako ng bakanteng lamesa ay ibinaba ko na ang mga pinamili ko at bumalik na ako sa counter para kunin ang mga inorder ko.

Lumapit ako sa counter at hinawakan ang tray na may laman ng mga order ko para bitbitin na ito.

"That's mine" sabi ng lalaki habang nakahawak sa wrist ko, kaya nanatiling nakapatong ang tray sa ibabaw ng counter table habang hawak ko ito.

Nilingon ko naman ang lalaking nagsalita sa tabi ko. Iniangat ko ang aking muka  para makita ang itsura ng lalaki dahil matangkad ito.

Maputi, matangos ang ilong, singkit ang kanyang mga mata at mapula ang kanyang labi. Gwapo sya ngunit seryoso ang kanyang muka at walang mababakas na ngiti sa labi nito.

"I said tha's mine" seryosong ulit nito habang nakahawak parin sa kamay ko at seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"Pero sa akin po ito" magalang kong paliwanag sakanya.

Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay nya then he smirked at me pagkatapos ay muling nagsalita. 

"Are you trying to  steal my food miss?!" madiin na tanong nya sakin.

kumunot ang noo ko at bahagyang kinagat ang pang ibabang labi ko ko sa pagkainis

bakit inaakusan nya ako? eh sa akin naman talaga ito?

dahil wala sa vocabulary ko ang salitang eskandalo ay nanatili akong kalmado kahit na naiinis ako.

"Pero sakin po talaga ito, I already paid for it." kunot noong sabi ko, pero pinanatili kong kalmado ang boses ko.

"may problema po ba tayo dito?" napatingin naman ako sa babaeng biglang nagtanong na kasalukuyang nakatayo sa loob ng counter. Nakumpirma ko naman na sya ang Manager dahil sa kulay ng uniporme na suot nya at sa name plate na suot nya.

"Kasi po -----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita ang lalaking nasa tabi ko kaya naibaling ko sakanya ang aking tingin.

"No. we don't have any problem here." sabi ng lalaking nasa tabi ko. "you can have it" dagdag nya pagkatapos ay binitawan na nya ang kamay ko. "enjoy my FOOD" sarkastikong sabi nya pagkatapos ay tumalikod na at nagsimulang maglakad palayo sa kinatatayuan ko.

Binitbit ko na ang tray ng mga inorder ko at lumakad patungo sa lamesa ko. Hindi ko naman na pinansin ang mangilan-ngilan na nakatingin sakin habang naglalakad ako.

Bakit ko naman i-eenjoy ang pagkain nya eh sakin naman talaga toh? 

Baliw yata ang lalaking yun (~3^?) ? sayang gwapo pa naman.

Napailing nalang ako sa naisip ko at sinimulan ko ng kainin ang mga inorder ko dahil gutom na talaga ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~♥~~~~~~~~~~~~~~~~~~♥

♥~~~~~~~~~~~~~~♥~~~~~~~~~~~'♥~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang minuto matapos kong maubos lahat ng inorder ko ay tumayo na ako at nagsimulang lumakad palabas ng KFC.

"Ma'am yung order nyo po!" napatigil ako at napalingon sa babaeng nagsalita pagtapat ko malapit sa counter.

"Ma'am yung order nyo po." ulit ng babae habang nakaturo  sa isang tray na may lamang pagkain.

Nadako naman ang tingin ko sa tray kung saan nakaturo ang babae sa counter.

Sinimulan ko namang suriin ang laman ng tray. Nang masuri ko na ang laman ng tray ay bigla kong nakagat  ang pang ibabang labi ko at kumunot ang noo ko, mariin akong napapikit sandali. Pagdilat  ng aking mata ay unti unti kong inalis ang tingin ko sa counter at dahan dahan akong yumuko. Pagyuko ko ay mabilis akong lumakad palabas ng KFC, hini ko narin pinansin ang muling pagtawag sa akin ng babae sa counter.

Halos lakad takbo ang ginawa ko para lang mabilis na makalayo sa KFC at makalabas ng Mall.

Mabilis kong tinungo ang Parking Lot ang lugar kung saan naroon ang sasakyan ko.

Nang makita ko ang itim na Mini cooper ko ay dali dali kong binuksan ang drivers seat at inihagis ang mga paper bags ng pinamili ko sa passengers seat. Pagkahagis ko ng mga pinamili ko ay agad akong sumakay sa loob ng sasakyan.

"NAKAKAHIYA!!!!  ( || _ _) " sabi ko pagkaupo ko sa drivers seat, at napahawak ako ng mahigpit sa itim na manibela ng sasakyan.

"Im so S-TU-PID!!! (_ _||)" sabi ko habang bahagya kong inuuntog ang ulo ko sa manibela. "Bakit naman kasi parehas kami ng order?! (T_T||)" kunot noong tanong ko sa sarili ko habang nakadukdok ang ulo ko sa manibela.

Iniangat ko ang ulo ko at napapikt ako ng mariin , pagkatapos at nagpakawala ako ng isang buntong hininga (_ _")~~

"Nakakahiya talaga! (_ _") I'm so stupid" sabi ko ng maalala ko ulit ang katangahang nagawa ko kanina

Nawala naman ako sa pag-iisp ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko, kaya binuksan ko ang zipper ng kulay cream na sling bag ko at kinuha ang cellphone ko sa loob nito.

Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag.

Dad's calling..........

I swiped the screan of my phone to answer the call.

"Hello dad?" sabi ko pagkatapat ng phone ko sa left ear ko.

"Anak asan kana?" worried na tanong ni daddy.

Ganyan ang daddy ko laging nagwoworry tuwing aalis ako ng bahay.

"Pauwi na po dad" sagot ko naman sakanya.

"Ok, mag-iingat ka and don't forget to turn on your GPS" paalala ni daddy sakin

"Yes dad" sagot ko naman. Then I ended the call and start the engine of my car. I also turn on my navigator tulad ng bilin ni daddy.

MEMORIES TO REMEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon