Mahal Kita, Mahal Mo Siya

393 15 6
                                    

pasensya na po pero di ako confident sa story ko..

please READ, VOTE, and don't forget to leave any COMMENT..

Thank You!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Langya kang kupido,

Sinisira mo buhay ko.

Pag-ibig nilalayo mo,

Kaya di ko maabot taong mahal ko.

Anu ba naman hanggang tingin nalang ba ako,

O, sadyang di lang talaga makakatagpo.

Hinihintay mo pang umabo buhok ko,

Para lang matagpuan ko ang "The One" ko.

Kasalanan ko bang atat ako,

Pagkat siya lang ang inaasam ko.

Ngunit tingnan mo linalayo mo,

Ang taong pinapangarap ko biglang naglaho.

isang araw ako'y naglalakad. di ko alam kong san patungo, sa tulay, sa mataas na puno may dalang lubid. magbibigti, magpapakamatay..wala nang halaga buhay ko..wala na siya di na muling iibig ang puso ko, yan ang sa tingin ko. siya lang minahal ko mula pa ng nagkamalay ako, pero ngayon siya ay masaya na sa piling ng iba..kaya ngayon lakad parin ako ng lakad ng lakad..*BOOOOOOOGSH*

"Sorry" at patuloy parin akong naglakad, di ko na inintindi kung sino man yung nakabangga ko...

"Kyle??" sabi ng babae pero di na ako lumingon.

"Kyle??" at inulit niya pa pero ganun parin di lang ako lumingon.

nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyapos at ------------

"Kat?" mahina kong sabi..

natatandaan ko ang babaeng to..kaklase ko noong kinder hanggang college, ewan ko kung sinusundan niya ako o sadyang may pareho lang sa aming dalawa..di ko inaasahang magkikita pa kaming dalawa..

"Kyle, alam ko pinagdadaanan mo..*sniff* *sniff*" umiiyak ba siya?

pumapatak luha na sa akin..bakit siya umiiyak?pano niya na laman pinagdadaanan ko??

"Kyle, so alam mo na din pala yung feeling na ang mahal mo eh may mahal ng iba.." patuloy parin siyang umiiyak..

"tsss, kung ganito lang pag-uusapan natin mabuti pa lubayan mo na ako.." at dahan dahan kong tinabing ang kanyang kamay..

"Kyle!! di mo lang alam matagal na kitang mahal *sniff* *hik* grade school palang tayo mahal na kita..ang sakit kasi siya lang palagi pinapansin mo..*sniff* *hik* kaya nga noong college nagbakasakali ako na baka mapansin mo rin ako pag naging classmates na tayo, *sniff* *hik* kaya kumuha din ako ng Electrical Engineering kesa tuparin ang pangarap kong maging doktor. Oo naging classmates nga tayo pero siya parin ang nasaisip mo..ni isang beses di mo manlang ibinaling kahit konting oras mo para sakin..KYLE WAG MO NAMANG SAYANGIN ANG BUHAY MO DAHIL LANG DI MO SIYA NAKASAMA..ANDITO AKO KLYE ANDITO AKO..*sniff* *sniff*" sabi niya habang humahagulgul na siya sa kaka-iyak..

oo nga naman di ko na nakuha pang tumingin sa paligid ko, palagi nalang siya ang nakikita ko..sa kanya na halos umikot mundo ko..di ko na napansin si Kat..si Kat maganda din yung tipong di mo maikukumpara..

"Ako nalang Kyle..ako nalang.." oo nga pwedi pa akong magmahal muli..magsimula kasama si Kat..

Ngunit tingnan mo ako'y binigyan ng ikalawng pagkakataon,

Para lang maipadama ko ang pagmamahal na inaantay ko.

Pagmamahal na nailaan ko noon sa maling tao,

Ngayo'y eni-enjoy na ng taong minamahal ko ng buong-buo.

Mahal Kita, Mahal Mo SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon