Chapter 6

35 5 0
                                    


Chapter 6: HER ONE SIDE






MAAGA akong nakarating sa Celestine Corporation at mabilis ding natapos ang picture taking kaya maaga rin akong nakauwi








Ayaw pa sana nila akong pauwiin dahil mag cecelebrate daw kami dahil ako nanaman daw nakuha sa pag cocover nang Mens Magazine nayan ngunit tumanggi ako ayaw ko kasing makasama ang mga halimaw hindi bagay sa face ko masyado kasi akong maganda para makasama ang mga endangered species












Ano naman kaya ang pwede kong gawin bukod sa ang boring dito sa mansyon wala rin dito yung mga servant at lahat ng mga security dito ay wala rin.At hindi parin naman ako inaantok siguro kakain nalang ako nang ice cream
Mabilis ko namang tinungo yung kusina at dumiretsyo sa Ref.








Ngunit wala akong nakitang galoon ng Ice cream dun kaya nagpasya akong bumili nalang dito sa malapit na Ice cream parlor mga isang kanto lang naman ang agwat kaya kakayanin ko ito









Nagpasya akong wag nalang magmaneho ng kotse dahil magsasayang lang ako ng gasolina








Mabilis ko namang tinungo ang aking kwarto para kumuha nang pera pambili ng Ice cream at kumuha rin ako ng jacket dahil medyo malamig ang panahon ngayon









Pagkatapos kong kumuha nang pera ay dali dali akong bumaba nang hagdan at dali daling lumabas.Pagka labas ko ay isinara ko muna ang gate bale hightech kasi itong gate ko itong lock nya kasi sa labas fingerprint at tanging fingerprint ko lang ang nakakapagbukas dito









At ang lubos kong ipinagtataka ay bakit nakakapasok ang magaling kong pinsan sa loob nang mansyon ko nang hindi manlang nahihirapan sa pagbukas nang gate ko.Kapag nasa loob  ka naman magbubukas ay talagang mabubuksan mo pero kapag sa labas hindi.








Kaya sa ngayon pababayan ko munang maglabas masok ang magaling kong pinsan sa sarili kong pamamahay kawawa naman remember yung napanaginipan ko nung nakaraan? Sobrang awang awa ako sa kanya










Hindi ko namalayan nanasa malapit na pala ako nang Ice cream parlor bale twenty four hours silang bukas may schedule kasi sila night and morning  shift ganun kaya walang napupuyat ganyan kasi yung estilo nila para kumita nang maraming pera at hindi naman sila nahihirapang kumita nang pera dahil marami naman kasing bumibili dito Specially yung mga "COUPLES" yucks and meron din namang mga bata ganun









Malapit na ako sa bilihan nang ice cream nung may napapansin akong kahina hinala dahil habang naglalakad ako parang may sumusunod sakin o di kaya naman nagmamasid and that's creepy but I'm not scared










Baka may plano nanaman sakin na masama yung mga taong yun and that's very exciting maaga pa naman siguro tiningnan ko naman yung wrist watch ko at seven twenty one palang naman so kaylangan ko munang mag exercise para naman may pakinabang naman mamaya yung pagkain ko nang ice cream









Naisipan kong mag iba nang daan at alam kong sinusundan parin nila ako parang Mobile Legends lang to kaylangan mag iba ka muna nang daan at magtago bago sumugod kaya naisipan kong magtago sa double grass yung malalaking damo, double grass kasi tawag ko dyan









Napansin ko namang ambabagal nilang kumilos kaya mabuti nalamang at may bubble gum ako rito sa bulsa nang pants ko at hindi ko alam kong saan nanggaling to baka matagal natong nasa bulsa ko at nakalimutan kong kainin kaya na-stock na malapit nangang mag expire eh









TADHANA (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon