"Itay" Note: Adapted lang po ang kuwentong ito
at ginawan ko na lang ng iba pang
twists. HIndi ko alam kung sino ang
original na author. Dedicated to all fathers... ------------------------------------------------
Alas 9 yun ng umaga, stopover ng biyahe ko papuntang probinsya. May 3 oras pa ang sunod na biyahe ng bus. Dala-dala ang isang maliit na knapsack na naglalaman ng konting mga personal na gamit, pumasok ako sa isang restauran upang kumain at maghintay sa sunod na biyahe ng bus. Hindi ko masyadong maisalarawan ang naramdaman ko. Ang pakay ko lang naman talaga sa pagbiyaheng iyon ay ang pagtupad sa isang kahilingan - ang ihatid sa kanyang
huling hantungan ang taong dapat sana ay malapitsa puso ko; ang itay. Ngunit, wala akong ni kahit konting sakit na naramdaman.Pakiwari ko ay isang natural lang itong pagkawala ng isang taong hindi ko kakilala. Wala akong ng ni kaunting bakas na pighati nanaramdman sa puso ko. Walang pag- aalala, walang kung anong emosyong naramdaman maliban sa pagkabagot sa tila napakabagal na takbo ng oras. Paano naman kasi, wala akong kahit na kaunting ala-alang matandaan sa kanya. Namatay ang nanay ko noon ako'y kanyang isinilang. Isang taon ang nakaraan, tinalikuran naman ako ng itay. Ipinaampon niya ako sa aking tita kung saan ako lumaki at nagkamalay. Lumaki akong hindi nasilayan ang mukha ng itay ko. Masakit iyon. Wala na nga akong inay, ang itay na buhay pa sana at na siyang magtaguyod sa akin at magturo sa mga bagay-bagay sa buhay... tinalikuran pa ako. Ngayon, 20 years old na ako at nakatapos na rin sa kolehiyo. Sa buong buhay ko, hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ama.
Wala akong itay na sya sanang bahagihan ko sa bawat tagumapay o kaligayahan na nalalasap; walang itay na sya sanang magsilbing inspirasyon ko o magsabi sa akin ng
"Nandito lang ako" o "Kaya mo yan, anak". Sa bawat dagok ng buhay at pagsubok ng panahon, tanging ang tita ko lang ang nandoon o minsan, tanging sarili o na lamang. Buong buhay ba ko, sya ang hinahanap-hanap.
Buong buhay ko, nagtatanong ako kung magkikita pa ba kami, kung kailan, kung ano ang hitsura nya, kung ano ang ugali nya, o kung ano ang trabaho nya. Mga maliliit na bagay lang sana na kung tutuusin ay di ko na dapat pang itanong kung nand'yan sya sa piling ko. Ngunit naging mailap sya. Hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa at ganang makita sya at makapiling.
Sinisi ko sya; kinamuhian. Naging matigas ang aking puso at pilit kong binura siya sa aking isip. Pakiwari ko ay isang bagay lang ang pagtrato niya sa akin; isan gbagay na maaaring pagsawaan, maaaring ipamigay. Natanggap ko naman ang lahat.
Ngunit hindi ko maipagkala na masama ang loob ko, masamang- masama sa kanya. Kaya, hindi rin siguro ako masisisi kung sa kanyang pagkamatay ay wala akong maramdaman. At ngayong pumanaw na sya, saka ko pa nalaman kung saan sya matatagpuan. "Wala nang silbi ang lahat" ang nasabi ko sa sarili. Natapos ko nang inumin ang kapeng inorder ko. Dahil wala pa ang bus na siya kong sasakyan, nanatili akong nakaupo sa isang sulok, binuklat-buklat ang hawak na dyaryo.
Sobrang napakabagal ng pag-usad ng oras. Maya-maya, lumapit ang isang lalake at pumuwesto sa isang bakanting upuan sa mesa ko nakaharap sa
akin. Noong una, hindi ko siya pinansin. Ngunit noong nakita ko ang
matinding lungkot na bumabalot sa kanyang mukha mukha at tila gustong makipag-usap, napatingin na
ako sa kanya. "M-magbibiyahe ka ba?" ang tanong
nya kaagad. Kung gaano kalungkot ang mukha nya ay sya ding lungkot ng kanyang boses. Tuluyan kong itiniklop ang binabasang dyaryo. "Opo." Ang maiksi kong tugon, bakas sa boses ko ang pagkawalang ganang makipagkwentuhan. Sa tantiya ko, nasa mga 40 ang edad nya, may malaking nunal sa noo, may bigote, kulutin ang buhok. Natahimik siya ng sandali. Hindi rin ako nakatiis at ako naman ang nagtanong "Tila po malungkot kayo?" Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha nya noong marinig nya ang tanong ko. "May anak kasi ako at kung hindi ako nagkamali, kasing edad mo na rin siya ngayon. Hindi na kami nagkita pa..." "P-po? Bakit po...?" tanong ko uli, biglang naging interesado sa
susunod niyang sasabihin. Marahil ay dahil naka-relate lang ako sa kuwento nya. "Habang-buhay na pagkabilanggo.Tiniis kong itago ang sarili sa kanya upang huwag madungisan ang kanyang pangalan. Natakot akong hindi niya matanggap na isang kriminal pala ang ama nya." Huminto siya sandali, ibinaling ang mukha sa malayo. "Ngunit pinagsisihan ko rin ang di pagpapakilala sa kanya. Ilang taon din akong nangarap na makapiling sya, mayakap, mahagkan, maisama sa pamamasyal, maging inspirasyon nya sa lahat ng kanyang mga mithiin sa buhay..." Tila may sibat na tumusuk sa puso ko sa mga sinasabi nya. Marahil ay dahil ganon din ang gusto kong mangyari sana sa amin ng ama ko.
"Sana katulad niya ang aking ama..."
ang sumagi sa aking isip. "Ngunit kabaligtaran..." Balak ko pa sanang i-kwento din sa kanya ang paghahanap ko ng pagmamahal ng isang ama. Ngunit hindi ko na ito itinuloy pa ito. Nangingibabaw pa rin ang galit ko sa
kanya na ayaw kong isingit siya sa aking isip. "G-ganun po ba?" ang tugon ko na lang. "Sana mapapatawad ako ng anak ko sa nagawa ko..." ang sabi nya. At nakita ko na lang na tuluyan nang
dumaloy ang mga luha sa pisngi nya. Ewan ko ba pero sa narinig, gumapang sa katawan ko ang
pagkaawa. Pakiwari koy gusto kong umiyak at humagulgol. At namalayan ko na lang ang mga luhang dumaloy na rin sa pisngi ko. Iyon ang kauna- unahang pag-iyak ko. Hindi man lubos naintindihan kung bakit, palihim ko na lang pinahid ang mga ito, hindi nagpahalatang naapektuhan ako sa mga sinabi nya. Tiningnan ko na lang siya, hindi ko man alam kung paano pagaanin ang kanyang kalooban, ang nasabi ko na lang ay, "K-kung alam lang po ng anak ninyo ang tunay na nangyari, tiyak pong patawarin niya kayo." Ngumiti siya, napansin ang tila pagkapawi ng lungkot na unang nasilayan ko sa mukha nya. "Aalis na ako." Ang pagmamadali
nyang sabi sabay tayo at talikod. "Hintay po!" ang sigaw ko. Itatanong ko pa sana kung ano ang pangalan nya at tagasaan siya. Ngunit sa gitna ng maraming tao, bigla siyang naglaho. Mag-aalas 3 na ng hapon noong makarating ako sa lugar kung saan
ibuburol ang labi ng itay ko. Ayoko na sanang tingnan pa ang mukha niya ngunit mistulang hinahatak ako ng mga paa ko patungo sa kinaroroonan ng kanyang kabaong. Sinilip ko ang salamin. Laking gulat ko noong makita ang mukha nya. May malaking nunal sa noo, may bigote, kulutin ang buhok... Namalayan ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko, napahagulgol ako, niyayakap ang kabaong. Ang mukha ng lalaking nakikipag-usap sa akin sa loob restaurant ay kamukhang-kamukha ng lalaking nasa loob ng kabaong! Biglang nanumbalik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan niya bago niya ako iniwan sa restaurant, "Sana ay mapapatawad ako ng anak ko..." Wala na akong pakialam pa sa mga taong nakapaligid. Sumigaw ako at naglupasay. "Itaaaaayyyyyyy!Napatawad ko na po kayo!!!
Patawarin niyo rin po ako!!! Hindi ko
po alam itayyyyyyyyyyyyyyyy!!!
...
Wakas.
YOU ARE READING
SORRY, ITAY
Short StoryHindi madali ang magpatawad... Pero susubukin ka talaga ng pagkakataon at tadhana.... Nag-iiba ang ihip ng hangin...