Minsan na akong nagkagusto,
Paghanga ay todo-todo.
Hindi na inisip ang ibang tao,
Basta ang nararamdaman ko ay totoo.
Isang araw lumapit ka sakin,
Numero ko ay iyong kukunin.
Itinext mo ako para kulitin,
Magdamag na nag-usap hanggang sa antukin.
Nadarasal ako ng taimtim,
Parang may kung ano sa'king damdamin.
Nararamdaman ko sayo'y lumalalim,
Parang isang hukay na napakadilim.
Lumipas ang mga panahon na tayo'y masaya,
Walang araw na ako'y hindi tatawa.
Pero ngayon ay nasaan kana?
Bakit ngayon ako ay nag-iisa?
Akala ko parehas tayo,
Akala ko, gusto mo rin ako.
Yun pala ang totoo,
Ako lang pala'y pinagtitripan mo.
Labis akong nasaktan,
Dahil sa aking nalaman.
Mga mata ko'y luhaan,
Puso ko'y sugatan.
Bakit mo ako pinaasa?
Bakit ako umasa?
Para na akong tanga,
Please naman bumalik kana.
Ngayon, ang sabi ko,
"Magbabagong buhay na ako".
Ikaw na ay lilimutin ko,
Sana nga magawa ko.
Bakit ganito ang epekto mo sa'kin?
Buong katawan ko ay nakokontrol mo rin.
Saglit ka lang na lumingon sa'kin,
Nararamdaman ko'y bumabalik na rin.
Bigla mo akong pinaharap,
At saka niyakap.
Sa'king pisngi'y iyong labi'y lumapat,
Tumitig sa aking mga mata at kumindat.
Ayoko na talaga,
Nagmumukha na akong tanga.
Ayoko nang umasa pa,
Sa mga sinasabi mong walang kwenta.
Sana mawala ka na,
Ayaw na kitang makita pa.
Nahihirapan akong kalimutan ka,
Kung sa araw-araw ay makikita kita.
Ngayon ang sabi mo sa'kin,
Ako'y magiging masaya na rin.
Sapagkat ako'y iyong lilisanin,
Luha ko'y mapapawi rin.
Ngayong wala ka na,
Hinahanap-hanap kita.
Nalaman kong ika'y lalayo na,
Bakit parang hindi ko kaya?..