Mika's Pov,
"Game na! Spell mo na!" Naninigaw talaga. -_-
"Ehem ! Ehem! 'Tyaka'! C-H-A-K-A! chaka! ang ang unang salitang maiisip mo kapag tumingin ka sa muka ni Dizon! AND I! THANK YOU!!"
Tinignan ko naman si Dizon. Tawa ng tawa. Napangiti na lang ako at umiling.
Tatayo na sana ako para bumili ng paninda ni sir ng may bumangga saakin.
"Excuse me!" maarteng sabi ni Kitty.
"Wag kasing paharang harang!" Sabi naman ng kaibigan ni Kitty na si Angel.
Anghel ang pangalan pero demonyo ang ugali.
Bwisit. Tinaasan ko sila ng kilay. I'm pissed off. Teka, Anong pissed off??
"Hindi manlang nag sorry." sabi ko.
"Edi sorry!" maarte talaga magsalita si Kitty. Tss.
"Oh yan! Ok na?!" Ang sarap talagang pag untugin yung mga muka ng dalawang toh.
Peke akong ngumiti. Naglakad ako papunta sa kanila at binangga sila.
"Aray! Ano ba?!" Sabay nilang sabi.
"Ay, SORRY." Maarteng tugon ko. Diniinan ko talaga yung sorry at naglakad papa alis dun.
Pero bago yun, narinig ko naman ang isa sa mga kaibigan ko na si Eldrei na nag 'Oohhh' at si Kath na sinabing 'Ayan kasi.'
Hayys. Palagi naman silang ganyan nananahimik yung tao tapos pinapakailaman nila.
"Hoy Marquez!" Narinig ko naman Yung pag tawag sakin ni sir Napoles kaya humarap ako.
"Halika." sabi nya kaya pumunta ako papalapit sa kanya.
"Po?" Tanong ko . Nakita ko naman si Kitty na umiiyak. Ano Bata lang ang peg?
"Halikayo dito sa comlab. Bilis!" Tawag samin ni Sir
Pumunta naman kami sa comlab. Comlab means COMakatok na LABahan. Charot. Comlab. Computer laboratory.
"Bakit mo pinaiyak si Kitty?" Tanong ni Sir.
"Tapos po sir ang lakas pa po ng pagka bangga saamin---" magsalita pa sana si De leon ng pinigilan sya ni Sir.
"Teka lang. Si Mika muna." Inirapan naman ako ni De leon at nag cross arms. Parang ewan lang.
"Kasi Po, bigla po akong binangga at kung hindi ko sinabi na mag sorry sila, hindi sila mag so sorry ." Sagot ko.
"Mag sorry ka ." Hah! Ako? Mag so sorry? Ipa guidance office mo na lang ako sir! Hindi ko po kayang mag sorry sa mga maarteng malalandi.
"Sir , sila Kath, Eldrei, Dizon at lahat po ng Group 4 nakakita nun." Sabat ko. Aba. Hindi ako mag papatalo.
"Syempre! Kakampihan ka nun dahil ka Group mo sila!" Ang sabihin mo, takot ka lang na mabuking ni Sir. Tss.
"Tatanong ko lang kung may iba pang nakakita." sabi ni sir at umalis ng comlab.
BINABASA MO ANG
The twist of fate
RandomNakilala ko nga sya, Pero Hindi Naman sya ang tao na para saakin. Nakasama ko nga sya, Pero Panandalian lang. I guess, ganito talaga. Maling tao, Sa tamang panahon. Makikilala ko sya, pero hindi sya ang para saakin. Yung parang, may twist? Yung par...