Uno

4 0 0
                                    

Umagang umaga sa baryo ng Balayan ang lahat ay gisingan na pwera na lamang sa isang babaeng nakahilata pa sa kanyang kama. Kay sarap ng kanyang itinutulog na animo'y walang nangyayaring gulo.

Iyak at sigawan iyong maririnig. Mga palahaw ng bata at umiiyak nilang mga ina. Dinaig pa ang naka mikropono sa sobrang ingay pero kahit na ganon, tulog pa rin ang babae.

'May bomba. Bilisan niyo.'

'Bakit? Anong kasalanan namin?'

'Sunog!'

'Dalian ninyong magsilikas.'

Kay sarap matulog ika nga nila pero may niluluguran ito. Siya ang prinsesang natutulog na parang sa Sleeping Beauty na si Belle.

May gyerang nag aalab ngayon sa kanilang baryo. Ang may pakana ay ang mga magulang ng babae. Wala silang sinasanto. Kahit bata ipinapapatay nila.

Gusto nilang sila ang maghari o mamayagpag sa kanilang baryo at maisasakatuparan lang nila ito pag lahat ng ari arian, lupain at mga tao ay maging kanila.

Walang awa sila sa pagpaslangan lalo na sa mga matatanda na walang lakas na lumaban. Itinira na lamang nila ay ang mga malalakas at maaaring manilbihan sa kanilang mansyon.

Ngunit sa di inaasahan na pagkakataon. Mukhang dininig ng Maykapal ang kanilang mga hiling.

Isang makisig na maginoo na nakasakay sa isang itim na kabayo. Hindi siya nag iisa. Mahigit isang batalyon ang kanyang kasama. Para silang modelo o mga anghel. Kay titikas at ang ganda ng kanilang mga uniporme. Parang mga hari na gustong sakupin ang buong baryo.

Sila ang caballerio.

Erase. Erase. Erase.

"Hindi ito pwede. Hindi nila tatanggapin ang ganitong format ng pagsusulat. Arghh. Nakakagigil na"
Saad niya.

"Dapat ganito. May kapangyarihan ang babae pero siya ay mahirap tapos magkaka ibigan sila ng prinsipe. Diba mas maganda yun?"
Saad niya ulit.

Maya maya ay umupo na lamang siya sa sofa at tinignan ang nakabukas na telebisyon. Hindi kalakihan ang kanyang bahay at wala na din siyang magulang. Lumaki siya kasama ang kanyang mga lolo at lola ngunit sa kasamaang palad ay iniwan na din agad.

Bata pa lamang ng iniwan siya ng mga magulang dahil sa nalulong sa droga ang kanyang ama at ina. Parehas silang namatay ng sabay non dahil sa raid na nangyari. Madami din sa kanilang kapitbahay non ang nakulong at sugatan. Sadyang malas nga lang siya sa buhay at ang mga magulang niya lang ang namatay.

Walong taon na siya nung ito ay mangyari at sa kabutihang palad ay inampon siya ng kanyang mga lolo at lola. Sa paglipas ng sampung taon, namatay din ito pareho dahil sa atake sa puso. Ngayon ay naninirahan na lamang siya mag isa.

Nagta trabaho bilang waiter, yaya, writer at minsan ay janitor. Suma sideline din siya minsan sa pagtitinda ng mga pagkaing ulam ng kanilang kapitbahay na si Aling Nora. Simula ng nawalan siya ng kasama sa buhay ginamit niya ang mga natirang pera mula sa kanyang mga magulang, lolo at lola.

Sa ngayon, eto siya at nanonood ng palabas sa telebisyon. Gabing gabi na pero hindi niya pa din alam kung paano sisimulan ang kanyang panibagong aklat. Kailangan na kailangan pa naman niya ngayon ng mapagkakakitaan lalo na at malapit na muli ang pasukan. Nasa ika dalawang taon na siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Accountancy. Mahirap man sa kanya nung ngunit kalaunan ay minahal niya na din itong talaga.

Hindi naman siya maaaring magtinda bukas ng ulam ni Aling Nora dahil umalis ito papuntang Bicol. Kung kailan naman niya kailangan ng pera tsaka naman nawawalan. Kulang pa ang ipon niya dahil kailangan pa niya magbayad ng renta sa bahay pati tubig at kuryente pati mga gastusin din niya araw araw. Hindi naman pwedeng magutom na lamang siya ng tuluyan. It's a no. No. No.

Mga nagbabagang balita. Mas mainit pa at mas latest sa tsismis ng kapitbahay ninyo. Ilang sanggol sa hospital kinidnap. Hindi pa din kilala ang salarin. Napakalinis ng pagkakagawa at walang ibedensiya na naiwan. Ayon sa ulat ni Mariel ay kaninang madaling araw lamang ito ginawa na hindi namamalayan ng kahit na sino. Ang ilan sa mga sabi sabi ay ipagbebenta ito para sa mga lamang loob. Ngunit hindi pa masabi ng mga awtoridad kung sinong tunay na maysala. Sa ngayon meron pa lamang silang lead.


"Napakasaklap naman ng nangyaring iyan. Sino naman kayang hudas ang kumuha sa mga sanggol, hindi na naawa." Saad niya.


"Aissh naku, Taraphol. Isipin mo na lamang ang librong kailangan mong simulan at ipasa."

Tumayo na siya at pinatay na ang telebisyon. Muli na niyang sinimulan ang kanyang libro at kalaunan ay nakatulog na lamang.


Sa di kalayuan ay may babaeng dala dala ang kanyang anak na nasa basket kasama ang sulat. Wala na siyang alam na pwedeng pag iwanan nito dahil pag pinalaki niya ito ay maaaring manganib ang buhay nila parehas.

Hingal na hingal na siya ngunit bigla siyang nabuhayan ng loob ng madatnan ang isang bahay sa di kalayuan. Bukas ang ilaw nito at siguradong gising pa ang tao.

Dahan dahan siyang lumapit dito at hinawakang mahigi ang basket laman ang kanyang pinakamamahal na anak. Wala na siya ibang maisip na paraan kundi iwan na lamang ito.

Inilapag na niya ito sa harapan ng pinto. At hinawakan ang mumunting kamay ng sanggol.

'Nak mahal na mahal ka ni Nanay. Sana di ka magalit na iniwan kita. Paalam'

Sa huling pagkakataon ay hinagkan niya ito unti unting lumisan sa madilim na kalsada.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DosageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon