Si Andrew. Gwapo. Matalino at kilala sa buong school. Aktibo. Laging top sa lahat ng bagay.
Ang masama nga lang masyado siyang mayabang at minsan ay suplado pa.
Si Liza. Bagong transfer sa private high school. Isang average student lang pero aktibo din sa klase. Masayahin at pala-kaibigan.
Naging magkaklase ang dalawa. Una pa lang, napansin na agad ni Liza ang pagiging mayabang ni Andrew kaya kinainisan na niya ito.
Hindi nga niya alam kung bakit pinagkakaguluhan ito ng mga babae sa school. Oo nga, matalino at may hitsura pero panget naman ugali. Nakakakulo lang ng dugo.
Hanggang isang araw, napasama si Liza sa grupo na kinabibilangan ni Andrew. Hindi siya makapaniwala. Parang nagkaroon ng sumpa ng mapabilang siya sa binatang ito.
Groupings sa Values Education. Gagawa sila ng play kung saan makikita ang mga positive values ng mga Filipino. And ang nabunot nila ay tungkol sa LIGAWANG proudly Filipino. Nagkaroon ng brainstorming. Nagulat si Liza ng mapili siya bilang si Pinay. Ang babaeng liligawan. Worst, si Andrew si Pinoy. Ang lalaking manliligaw. Di na nakatanggi si Liza. Bago lang siya at ayaw niyang isipin na maarte at mapili siya kaya napa-OO na lamang ang dalaga.
First Practice...
Hindi naman gaanong mahirap gawin ang play. Konting dialogue lang at action ok na.
Nangingibabaw pa rin ang pagiging mayabang ni Andrew at masyado itong nagpapaka-lider at maraming suggestions and points of view ang binata. Bagay na ikinakukulo ng dugo ni Liza. Sabi niya, masyadong mapapel.
Tinatawag siya ni Andrew hindi sa kanyang pangalan kundi sa salitang "transferee", dito lalo pang nainis si Liza sa binata. Mahirap bang i-dictate pangalan niya? Worst.
Hanggang sa hindi na niya makayanan at naibulalas niya ito sa iba nilang mga kasamahan:
LIZA: Sumusobra na talaga yang andrew na yan! Masyadong mayabang! Oo matalino siya. Pero hindi sa lahat ng bagay magagamit 'yon. Kakainis!
Sakto, narinig ito ni Andrew. Napailing at agad itong lumapit kay Liza.
ANDREW: Mukhang may issue ka sa akin ah. (nakangiti)
Natigilan si Liza. Una, nahiya at kinabahan siya. Pero ito na ang pagkakataon. Papatalo ba siya?
LIZA: Hindi naman obvious noh? Mayabang ka kasi. (naiinis)
ANDREW: Hoy transferee, kung nagrereklamo ka, pwede ka naming palitan! Hindi ko kelangan ng maarte sa grupo ko! (asar)
LIZA: Pwede ba, Liza pangalan ko at hindi transferee.. Bobo mo naman! (galit na ito)
Inirapan niya si Andrew.
Walk-out si Liza.
Naiwang nakangiti lang si Andrew.
Sumunod na araw, tinatarayan na ni Liza si Andrew kapag may meeting at practice ang grupo nila. Si Andrew naman patuloy ang pang-aasar kay Liza. Pansin ng mga ka-grupo na may away ang dalawa. Ngunit imbes na mag-alala, natuwa pa ang mga ito at tinukso pa ang dalawa. Baka daw sila pa ang magkatuluyan.