BUKANG-LIWAYWAY...
PANGINOON, salamat po sa bagong umaga
Kadiliman ng gabi ay lumilipas na
Panibagong-lakas akin nang nadarama
Hamon ng maghapon ay haharapin na...Huni ng ibon ay aking naririnig
Ibong sa puno ay malakas ang tinig
Tuwing umaga akin siyang nadirinig
Sa likod-bahay naman, awit ng maya'y matamis.May asong tumatahol sa aming likod-bahay
Mga huni ng kuliglig...sa tenga ay maingay
Ako naman ngayo'y naghahandang magnilay
Upang sa PANGINOON ay magbigay-pugay...MAGANDANG UMAGA SA LAHAT!!!