Kabanata 1

254 18 6
                                    

Kabanata 1

Slap

Humikab ako at inunat ang aking kamay. Bumangon ako at inayos ang aking buhok. Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko.

Tulog parin siya at nakabalot sa kanya ang puting kumot. Pinagtitigan ko ang babae. She's really pretty, her lips is perfectly heart shaped. Pula ang labi at sobrang lambot pa noong nahalikan ko kagabi. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na malunod at malasing sa mga halik niya.

Pagkatapos ko siyang titigan at purihin ang kagandahan niya mabilis na akong tumayo. Isinuot ko agad ang mga damit ko. Bahagya ko pa siyang tinignan at walang ibang maalala kundi ang nangyari sa buong gabi namin.

Wala namang masamang nangyari. Siya naman ang unang humalik sa akin at nagpaubaya lang ako. Sumunod ako sa mga halik niya at may nangyari sa amin. Hindi naman ako namimilit ng mga babae na makipag-talik sa akin. Kung gusto nila ay papayag naman ako. Ang hindi ko lang siguro makalimutan sa nangyari ay hindi ko alam na virgin siya.

I bit my lips and shook my head. Natapos ako sa pag-suot ng damit ko. Tulog pa naman siya kaya sakto ito para makaalis na at iwan siya. Bago pa ako tuluyang maka-labas ay nilingon ko siya at nakita kong nagigising na. Ngumisi ako at lumabas na pero narinig ko ang boses niya.

"Teka!" namamaos niya pang sigaw pero nakalabas na ako.

Napabuga ako ng hangin at mabilis na nag-lakad patungo sa elevator para makababa na. Baka habulin na naman ako at manunumbat na naman sa akin. Kagaya ng ginawa ni Rhian. Ayaw na ayaw ko pa naman sa babae na halos magmakaawa sa akin na mahalin ko rin sila pabalik.

Hindi naman pinipilit ang pagmamahal hindi ba? Kung hindi ka gusto edi hayaan mo. Hindi mo naman ikakamatay kung hindi masusuklian 'yang pag-ibig na nararamdaman mo. Hindi naman kailangan magmakaawa pa. We can't force someone to love us back. At kahit kailan hindi ko hahayaan na pilitin ako sa isang bagay lalo na kapag hindi ko gusto. Lalo na sa pag-ibig na hindi ko naman alam kung bakit pa nag-eexist sa mundong 'to kung sa huli nagkakasakitan din naman.

Patuloy ang pagmamaneho ko habang sumasabay sa tugtog ng radyo. Tumatapik ang kamay ko sa manibela at hinihintay na matapos ang stop light. I double the speed, para mabilis na akong makarating sa bahay.

Pagkadating ko ay sumalubong sa akin si Astrid na kumakain ng chips sa sala. Tinignan ko siya at tinapunan niya lang ako ng tingin.

"Good morning," bati ko pero inirapan ako ng nag-iisang kapatid ko.

Ngumisi ako. "Galit ka na naman?" tanong ko at umupo narin sa sofa.

"Saan ka na naman galing? Sa bahay ng babae mo?" iritado niya pang tanong at sumubo.

"Sa hotel lang,"

Mas sinimaan niya ako ng tingin. Ngumiti lang ako at nag-lagay ng tubig sa baso na nasa lamesa. Agad akong uminom.

"Isusumbong kita kay dad." banta niya sa akin.

"Ano isusumbong mo?"

Mas masama ang tingin niya ngayon. Iniisip niyang hindi na naman ako natatakot sa banta niya. Well, hindi naman talaga ako natatakot. Kahit mag-sumbong siya ngayon wala akong pakialam.

"Iba na namang babae ang ikinama mo. Isusumbong kita na babaero ka parin," aniya.

I chuckled. "Go on. Tell him that I fucked a virgin." ngising sabi ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Tinignan ko lang siya saglit at hinila nalang ang chips na kinakain niya at ako na ang umubos no'n. Who cares if I fuck there and here? Kahit saan basta gusto ko makipag-sex ay makikipag-sex talaga ako. That's my calling. That's my needs.

The Casanova's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon