Nagsimula ang lahat sa utang.Humantong sa isang kasunduan,
Na naging dahilan ng hiwalayan,
Na nagtapos sa ..............
--------------------------------------
"Nay, hindi ko po gusto ang naging kasunduan niyo. Isugal mo na ang lahat, ang bahay at lupa, sanay naman akong mabuhay na walang pera at hindi makakain halos tatlong beses sa isang araw, huwag mo lang ipagkait ang buhay na gusto ko na maging malaya."
"Anak gusto ko lang naman na maging masaya ka sa buhay na pinili ko. Ayaw kong matulad ka sa amin ng ama mo na ipinanganak na mahirap, lumaking mahirap, namuhay na mahirap, at mamamatay na mahirap! Alam kong pagod kana at pagod narin kami ng ama mo!".
"Sinabi ko na kasi sa inyo na hindi ko na ipagpapatuloy ang pagaaral ko. Okay lang naman sa akin na mamuhay ng mahirap. Ma, huwag naman ganun, pinamimigay mo na ba'ko at pati ang buhay ko ipinagkakait muna?" padabog kong sabi at patuloy na nagiimpake.
"Bakit ba ayaw mong magpakasal sa kaniya ha? Ayaw mo bang maging maginhawa ang buhay mo? Anong ipapakain mo sa iyong mga magiging anak? Magiging katulad karin ba nila na hindi nakapagaral, hindi nakakain tatlong beses sa isa---
"Sige Nay, ipagpatuloy mo pa! Dapat nga ikaw ang tanungin ko niyan! Bakit saan mo ba ginastos lahat ng perang inutang mo, at ba't ganun kalaki at kailangan ko pang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal? Saan mo dinala ang pera? diba doon sa mga anak mo sa lab--- ~pak~ isang malakas na sampal ang nakuha ko.
~tokk. tookk. tok~
Napahinto kami at napatingin sa pintuan.
"Nariyan na sila. Itigil mo na iyang pagiimpake mo kasi hindi kana makakaalis." wika ni nanay at nagtungo sa pintuan at pinagbuksan ang bisita.
"Magandang hapon po Ginoong Gregory. Tuloy po muna kayo" bati ni nanay.
"Goodafternoon too. My son wants to see his future wife at maykailangan din tayong pagusapan at pipirmahan." diretsahang wika ng ginoo.
"Doon po muna tayo sa terasa at tatawagin ko lang po siya".
Agad akong nagtago sa ilalim ng kama nang marinig kong palapit na si Inay sa kwarto.
"Sandra! Lumabas kana diyan at para matapos na ito!"
Lumabas ako sa aking pinagtataguan at inayos ni Inay ang mukha at damit ko.
"Umayos ka dahil hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para ito sa iyo." ako'y tumango nalamang dahil wala nadin naman akong magagawa.
Lumabas kami ng silid at nagulat ako sa aking nadatnan. Tatlong lalaking nakaupo. Nasa gitna ang ginoong kausap kanina ni Inay. Sa kaliwa nito ay ang panganay niyang anak, nakatingin sa akin na nakangiti at kitang kita sa kaniyang mga mata ang saya na kanyang nadarama. Sa kanan naman ay ang bunso nitong anak na siyang tanging lalaking minahal ko. Nakatingin sa akin ang kaniyang mga malaanghel na mga mata na dati'y isang tingin palang ay makikita muna ang kanyang nadadarama, ngayon binalot na ito ng yelo, walang ekspresyon.
Umupo kami ni ina sa tabi ng abogado at nagkaharap kami, ngayon ay nakatingin na siya sa malayo.
"Alam niyo na po siguro kung ano ang ipinunta namin dito. Narito po kami ngayon para ipaalam ang napagusapang kasunduan. Nakasaad po dito na ang lahat ng kulang at utang ninyo kay Ginoong Gregory ay magiging bayad na lahat kung ang inyong nagiisang anak na babae ay magpapakasal sa panganay na anak ni Ginoong Gregory na si Ginoong Andrew Gregory. Silang dalawa ay dapat na magpakasal sa darating na dalawang buwan, ito po ay batay sa sinabi ng kaniyang panganay na anak. Pirma niyo nalang po ang kulang at bayad na lahat ng inyong utang." aniya ng abogado.