Chapter 8
Maxine's Pov..
Nandito kami ngayon sa bar im with Andrew my cousin
(A/N : ito po yung sa chapter 24 sa CISLTLA / "Can I still learn to love again" yung niyaya ni Andrew si Maxine pumunta ng bar.. Continuation po ito ng conversation nila😊)
" You know what drew im so happy for you kasi sobrang hirap ng sitwasyon mo" sabi ko sabay inom ng margarita
Ngumisi sya " Mas mahirap nga yung sayo kasi engaged ka sa di mo gusto .. ako.. I really don't know kung may pagasa ako ki Gwen " sabi nya
" I'm sure ma rerealize din ni Gwen na mahal ka nya" sabi ko
" Sana nga" sabi nya sabay inom ng whiskey " By the way kelan ka lilipat ng bahay kasama mo na ba yung fiance mo nyan?" Tanong nya
" Yeah.. I have no choice naman eh pinapapili nga kami kung sa penthouse o sa village kami titita" sabi ko
" may napili ka na ba?" Tanong nya
" Yeah sa village mas secure kasi dun kesa sa penthouse " sabi ko
" kung sabagay " sabi nya " by the way uuwi na ako rain " sabi nya sabay tayo
" mag ddrive ka pa ba nakainom ka na" tanong ko
" konti lang naman" sagot nya
" No.. Sasabihan ko yung bodyguard ko na sya na lang mag drive ng sasakyan mo baka kung mapaano ka pa" sabi ko
" may bodyguard ka? Akala ko ba ayaw mo ng ganon?" Tanong nya
" Yeah .. Pero wala naman akong magagawa" sabi ko
Inalalayan ko syang makalabas ng bar hinatid ko sya sa tapat ng kotse nya
" Ihatid mo si Andrew sa bahay nya" sabi ko sa isang bodyguard ko
2 yung bodyguard ko 3 nga sana kaso nag pumilit ako ki mommy na bawasa ng isa I really don't know kung bakit kailagan ko pa ng bodyguard eh kaya ko naman ang sarili ko
" Ok po ms. M" sagot naman ng bodyguard ko
- -
Nakauwi na ako ng bahay actually nandito ako sa kwarto ko nag iimpake ng mga damit ko..
" Maxine "
Napatigil ako sa pag iimpake ng marinig ko yung boses nya
Humarap ako sa kanya
" Sì Mamà? " tanong ko
" Be nice to Gino .. at dalawang katulong lang ang makakasama mo sa bahay ninyo" sabi nya
" I can't promise mamà kilala mo ako pumayag na ako sa kasal na yan pero hindi ko mapipigilan kung anong ugali ang meron ako" sagot ko
Yeah pumayag na ako i really don't have a choice kung di ako papayag mapapahamak yung mga kaibigan ko
Napabuntong hininga sya " ok.. Ihahatid na kita nag text na sakin si Alicia nandun na daw sila" sabi ni mama
Gino's pov
Pumasok yung sasakyan namin sa villa de ortega isang village na pag mamay-ari namin
Huminto yung sasakyan namin
" Nandito na tayo " mom said
Bumaba yung driver namin at pinagbuksan si mommy ng pintuan ng sasakyan .. Bumaba sya .. Sumunod naman na pinag buksan ako at bumaba na din ako
Pagbaba ko ng sasakyan nakita ko yung bahay
Pumasok kami ng mommy sa loob ng bahay
" Marie.. Ana lumapit kayo dito" sabi ni mommy
Lumapit naman yung mga katulong
Humarap saakin si mommy
" Anak .. Ito si Marie " sabay turo nya sa katulong na nasa kaliwa " at ito naman si Ana" sabay turo nya sa katulong na nasa kanan " sila ang magiging katulong ninyo dito sa bahay" sabi ni mommy
Napatango naman ako
" Ana.. Marie ito si Gino" sabay turo ni mommy sakin " sya ang anak ko.. Ang magiging amo ninyo dito may titira pa dito si Maxine fiance ni Gino " sabi ni mommy
" Nice to meet you sir Gino " sabay nilang sabi
Nginitian ko naman sila
" Marie .. Ana pakidala itong mga gamit ni Gino sa magiging kwarto nya" mom said
" Yes madam" sabi ni marie
Tigisa nilang dinala yung dalawang maleta
Hinawakan ni mommy yung kamay ko
" Thanks for doing this anak " sabi ni mommy " Tara ililibot kita sa bahay nyo" dagdag pa ni mom
Nag lakad kami ni mommy papanik sa second floor
Huminto kami sa isang kwarto binuksan nya at pumasok kami
Tumambad saakin ang Black and White na team ng kwarto a king size bed na color black yung kurtina white then may study table din malapit dun yung closet then bandang kanan yung cr
" Ito ang magiging kwarto mo anak" mom said " do you like it? " tanong nya
" Yeah.. Thanks mom" sabi ko
" Nah wag ka munang mag pasalamat.." Mom said
Nag tataka naman akong tumigin ki mom
Nag lakad sya papunta sa kanan sa may puting kurtina nililis nya yun at tumambad sa kanya ang isang glass door
" Ready? " tanong nya
Napatango naman ako
Binuksan nya yung pintuan.. Tumambad saamin ang isang veranda na may dalawang upuan at sa gitna noon ang isang glass table
Halos tanaw na tanaw dito yung magandang view ng villa
" I know you gonna like it.. Kasi noong bata ka pa halos sa veranda ka nang lalaro noon" mom said
" Thanks mom " sabi ko ki mommy sabay yakap
" By the way anak iiwan muna kita dito mamaya na lang kita e tutor sa bagong bahay ninyo mag pahinga ka muna.. Tatawagin na lang kita pag dumating na sila " mom said
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya
" ok mom " sagot ko
Nakapamulsa akong tinignan ulit yung view ng villa .. The villa is so beautiful secure ang villa binilin namin sa mga security na wag mag papapasok ng mga hindi nakatira dito .. Pwede naman mag papasok if may permeso namin
Napapikit naman ako..
Hmmm.. Sana ikaw na lang ang naging fiance ko magiging masaya siguro ako kung ikaw ang papakasalan ko.. For almost 8 months naging masaya tayo kahit hindi tayo mag kasama pero iniwan mo ako
Minulat ko yung mga Mata ko
Haay bakit di pa kita makalimutan..
Napabuntong hininga ako
Ganito siguro talaga pag sobrang minahal mo ang isang tao
Papasok na sana ako ng kwarto ko ng biglang may nahagip yung Mata ko
Isang babaeng pamilyar saakin
" No.. This can't be.. Rizza "
~•~
A/N:Cut.. Ayan dahil sa na miss ko si Andrew sinama ko sya sa pov ni maxine😊😊.. Pero mag sasama na talaga sa iisang bahay si Gino and Maxine mag kakasundo ba sila?? Hmm?? And sino si Rizza?? Hmm?! What do you think readers?? Keep supporting this story 😊😊 .. See you sa next chapter😘😘
- Ms. A💕
BINABASA MO ANG
Can I Still Learn To Love Again Series 2 ( COMPLETED )
RomanceThey said " If you love someone kailagan mo itong ipaglaban " Pero pano mo naman ipaglalaban kung meron na itong ibang mahal?? I'm Maxine Rain Rodriguez 18 years of age half Filipino and half Spanish I'm only daughter of my parents and ako din ang...