CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Nagising ako na may marahang umaalog sa balikat ko kaya naman iminulat ko ng bahagya ang mata ko ,nakita ko naman si mom na nakangiti ..

"Baby were here" pagkasabi niyan ni mommy tuluyan ko ng iminulat ang mga mata ko at inilibot ito sa buong lugar ,sa hindi kalayuan ay may napansin akong isang Lalaki sa katabi ng isang malaking puno hindi ko man makita ng malinaw ang mukha nya ay alam ko na sa akin siya nakatingin..Hindi lang basta naka tingin tinititigan niya pa ako .!

"BABY TIFF halika na papasok na tayo sa loob" paanyaya ni mommy kaya napalingon naman ako sa kanya , nang muli kong lingunin kung nasaan nakatayo ang lalaki kanina ay wala na ito !

"Weird!"nasabi ko nalang sa sarili

"Ano yun Baby?"tanong ni mom kaya muli akong tumingin sa kanya..

"Uhm,,Nothing mom "pagkasabi ko nyan ay agad na sumunod ako kay mommy at pinagsa walang bahala na lamang ang aking nakita..

Ng makababa ng sasakyan ay bumungad agad sa aking mga mata ang isang napaka laking bahay ,sobra talaga nakakamangha!
Nag madali akong habulin si mom at tinanong kong ito na ba yung bahay nila uncle Lucio , sa katunayan kasi niya hindi ko pa talaga nakikita si uncle, Ngayon palang ,pero kasi nung sinabi nila mom na dito kami lilipat kwenistyon ko na siya agad kung bakit dito pa talaga! Sabi kasi nila mom istrikto daw si Tito kaya medyo nakakatok...

Pero ng makita ko ang Mansion ni Tito ay medyo nabawasan ang lungkot at pag aalala ko ,alam muh yung feeling na ,ang gaan gaan ng pakiramdam muh sa lugar na ito, yung para bang andito talaga yung buhay muh ganun yung naramdaman ko  ,

At Mas lalo kong ikinamangha ay nung maka pasok kami sa loob ..

"Woahh"bulalas ko ang daming Kwarto ng bahay na ito puro's nag lalakihan ang mga pinto na akala muh ay mga kapre ang nakatira sobrang taas talaga ,meron din itong hagdan na sobrang haba papunta sa itaas .Tumakbo ako paakyat sa hagdan at nang makarating ako sa itaas ay hihingal hingal ako sa pagod ,nilibot ko naman ang aking paningin habang nakapamewang at hihinga hinga pa, meron din itong kwarto na naglalakihan din ang pinto ,

Nilibot ko ang itaas na bahaging iyon ng mansion at sa paglilibot ko napansin ko ang isang nakasiwang ng pinto kaya sumilip ako doon ,ng masigurong walang tao ay pumasok ako paroon .

"Wooah Ang ganda" para akong nabubundok sa mga nakikita ko kaya napapa wow nalang ako ,panu ba naman sobrang ganda ng kwartong iyon akala muh ay pang prinsesa ,meron siyan naglalakihang kurtina sa malaking bintana ,kulay nang mga pader ay pink with matching violet tapos yung mga gamit kulay pink at violet lang din ang mga kulay nakakatuwang tingnan napaka ganda talaga ,meron din itong napakalawak na veranda kaya naman mas lalong lumawak ang ngiti ko ,binuksan ko ang glass door ng veranda at umihip agad ang napakalas na hangin kaya agad ko rin itong sinarahan ,Pumunta naman ako sa Kama at doon naupo ,meron itong katabing mini table na may nakapatong na Pink Lamp at nakataob na picture frame ,dinampot ko ito para tingnan at laking gulat ko na ako yung nasa litrato bata pa ako dito na may kasamang Batang lalaki?

"Sino naman kaya ito? Ang pagkaka alam ko nag iisang babae ang anak ni tito pero bakit batang lalaki to! "
Nang may narinig na nagbukas ang pinto ay agad kong ibinababa ang frame ng litrato at umayos ng tindig at hinarap kong sino ang pumasok..

"Baby Tiff halika na sa ibaba nandyan na ang uncle at cousin muh " lumapit naman ako kay mommy at naglakad kami palabas ng kwarto pero bago pa man kami tuluyang makalabas ng silid na iyon ay muli kong sinulyapan ang frame na nakalagay sa ibabaw ng mini table , ng masulyapan ko iyong muli ay sumunod na ako kay mommy pababa..

Habang bumababa ng hagdan ay merong isang lalaking naka tuxedo at isang babaeng mukhang kaedad ko lang na malapad ang pagkakangiti sa akin..

"By the way Baby tiff ,this is your uncle Lucio and your cousin Cadness"
pagpapakilala ni mommy agad naman akong nag beso sa mga ito..

"Hi Couz! Oh oo nga pala ....I'm Cadness Grimson your beautiful cousin ,nice to meet you!" Napangiti naman ako sa kanya at syempre nagpakilala na rin ako.

"Uhm..h-hi I'm Tiffany Grimson ,But you can call me Tiff, nice to meet you too couz?" Naiilang na sabi ko ,napangiti naman siya at lumapit sakin at tumabi sa gilid ko..

"Next time,I will introduce you to my other friends ,They will surely like you .Para narin mag karoon ka ng bagong kaibigan..

Inilibot ako ni Cadness sa buong bahay pumasok kami sa ibat ibang kwarto pero bawat pag pasok ko sa mga kwarto para bang hindi lang yun ang unang pagkakataon na nakapasok ako yun bang bawat sulok ng bahay ay parang alam ko na hindi ko alam kong bakit..

NANG MATAPOS ang paglilibot ay inbot na kami ng Gabi tinawag na rin kami ni tito para mag hapunan kaya naman don na kami dumiretso ni Cadness sa Dinning area kung saan nandon na ang lahat at printing naka upo, ng makita kami ay ngumiti lang ang mga ito at pinaupo na kami para kumain..

Habang kumakain ay marami silang pinag uusapan pero wala naman akong maintindihan sa mga pinag uusapan nila ,

"Alam na ba ni Tiff ang Lahat"mayamaya ay  sabi ni Tito kaya napatingin ako sa kanila..

"What do you mean tito ? Ano po yung dapat kong malaman?"Hindi ko alam pero nung tumingin si tito kay dad ay bigla itong umiling na para bang sinasabing *hindi pa kaya wag muh munang sabihin look* yung ganun..

"Ah Wala hija ang ibig kong sabihin ay kung alam muh na ba na Magkasama kayo ni Cadness sa isang school dun sa pinapasukan niya dun na kayo papasok sa pasukan diba anak? " sabi ni tito Sabay tingin kay Cadness na para bang may itinatago ,sumang ayon naman si Cadness..

"Dun tayo mag eenroll sa katabi lang ng high school campus na pinasukan ko ang university na papasukan natin sa TD University "paliwanag ni Cadness kaya tumango tango nalang ako..

Nang Natapos ang hapunan ay agad akong hinila ni Cadness papunta sa itaas at dumeretso sa kwarto niya ,napaka ganda din ng silid niya maraming medalya na nakalagay sa isang bubog na nkasabit sa pader at mga naglalakihang kurtina din ang nakasabit sa naglalakihan niyang bintana meron din itong malaking veranda at may mga maliit na halaman na nakasabit sa paso ...

"Couz nood tayo ng Movie "pag aanyaya niya kaya tumango nalang akong muli, meron siyang isnalang na cd pero hindi ko alam kong ano ang pamagat, nag play naman ito agad at bumungad ang isang batang babae na naglalakad sa gitna ng kagubatan na parang hindi natatakot na solo lang siyang naglalakad sa madilim na kakahuyan   ,,...

Natapos ang palabas at ng lingunin ko si Cadness ay halatang inaantok na ito naisipan ko namang itanong kung kaninong kwarto yung kadikit ng kwartong ito..

"Uhm.. Couz kanino yung Kabilang Kwarto ? Yung kadikit nito?" Pagtatanong ko.

"Ahmm sayo yun ano kaba! Ikaw pa nga yung pumili ng kulay kayo ni Ano saka namimiss kana rin niya" napakunot ang noo ko sa sinabi niya..

"Sinong Ano Couz?" Pagtatanong ko ulit dahil sino ba yung si Ano kasi, napamulagat naman siya at pilit na ngumiti..

"Ah w-wala hehe ang daldal ko talaga ! Tara matulog na tayo inaantok na ako." Pagiiwas nya sa tanong ko kaya mas lalo lang akong nagtaka ,ng mapatay niya ang TV ay agad din syang humiga sa kama at hindi na kumibo hindi ko alam kong nakatulog na talaga oh nag tutulog tulogan lang...

Lumalim ng lumalim ang gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok ,tinawag ko ng mahina ang pangalan ni Cadness pero hindi ito sumagot siguro ay nakatulog na talaga ,bumangon ako sa kama at naisipang pumunta sa kabilang kwarto nag lakad ako paroon pero pag dating ko sa pinto ay binuksan ko agad iyon pero napaka dilim ng buong kwarto tanging liwanag lang ang ng sisilbing ilaw sa kwartong iyon..

Maya maya ay may napansin akong isang anino ng tao sa labas ng veranda isang anino ng lalaki kaya lumapit ako dito ng dahan dahan ng siguro ay maramdaman ang paglapit ko ay biglang napaharap ang isang lalaki ,hindi ko makita ng ayos ang mukha niya kasi napaka dilim ng biglang umilaw ng kulay pula ang mga mata nya at biglang nawala ,kahit gusto kong sumigaw dahil sa takot ay parang walang lumalabas na boses sa bibig ko kaya agad akong napatakbo sa kama at nagtalukbong ng kumot .

Pinakiramdaman ko kong babalik pa ba iyong lalaki pero ilang oras na ay hindi parin ito bumabalik kaya nawala na ang takot sa dibdib ko ,hindi ko na rin namalayan na dinalaw na ako ng antok at nakatulog na ako....

Muahhhhh loveyou all

THE DEMON'S UNIVERSITY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon