Chapter 1 Getting to know

28 0 0
                                    

“Hoy, Mahal na Reyna! Gising. Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sa kotse ko? Aba hindi. Tindi mo. Binasag mo yung side mirror ko. Sino ba nakaaway mo at iyon yata binanatan? HOY!!!!”

Rinig kong sigaw ni kuya sa labas ng kwarto ko.

“Ayts. Kuya naman. Puyat pako. Maya na sermon. Shoo! ” Pagtataboy ko kay kuya one.  Wait di nya name yung 1. Panganay sya kaya 1 tawag ko. I have 7 big brothers kasi.

“Takte, Janesa. Halos buong araw ka na tulog. Hndi pa ba sumasakit mata at katawan mo?” Patuloy pdin sa pagkatok ni kuya. Nako. Walang kapaguran.

“Aish. Kuya. Walang masakit, okay? Alis ka na jan. Gusto ko pa matulog” After ng sigaw ko wala na ko narinig mula kay kuya. Sumuko siguro. Wahahaha.

Pagkalipas ng ilang oras naisipan ko ng bumangon at lumabas ng kwarto. Nagutom nako eh. Pagkarating ko sa kusina hanap agad ng pwede iinit sa ref. Usually kase may tinitira sina kuya. Yun na lang nilalantakan ko. Wala akong alam sa pagluluto, kaya ganun.

May nakita akong naka tupperware. Kinuha ko tsaka nilabas. “wow. Epic. Walang laman. Bat pa ito nasa ref pa? Si kuya Seven siguro may kagagawan. Hilig man trip!” Sinarado ko na lang ulit yung ref at nilagay sa lababo yung tupperware.

Nang wala ako makita na pde iinit naglabas na lang ako ng bacon at itlog. Pwede na to. Marunong naman ako mamirito.

After ilang minuto luto na rin. “Yehey! Makakakain nako.”  Kinakausap ko na sarili ko sa gutom.

Nang nakakaen na ako pumunta nako ng sala at binuksan yung tv. Palipat lipat ng chanel. Walang mapanuod.

Ako lang mag isa ngayon dito sa bahay. Ang pito kong mga kuya ay nakaalis na. Sina kuya 1, 2, 3, 4, 5 ay may mga trabaho na. Ang iba sa company at ang iba ay nasa kanilang sariling negosyo. Tapos sina Kuya 6, 7, nasa skul. May mga pasok. Ang mga magulang namin ay nasa America. Dun na sila nakatira at namamahala ng ibang mga negosyo namin.

At ako ay nag aaral parin. Kaso walang pasok (Sa totoo lang di ko alam kung may klase ba ako o wala. Mahilig umabsent eh) kaya nasa bahay lang.

Ako si Janesa Amerine Ilustre. Jai ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin. 18 years old. Second year civil engeneer student. Sa Celestine International School. Single. 5‘7.

Pinatay ko na lang ang t.v wala rin ako mapiling panuorin. Tumayo ako sa sofa at nagpalakad lakad sa living room namin. Dito sa bahay walang mga katulong. Patakaran ng mga magulang namin na dapat marunong sa gawaing bahay. Pero ang ipinagtataka ko hindi ako natuto kahit isang gawain. Lahat ginagawa ng kuya ko para sa akin. Ginagawa nila akong prinsesa. Di naman ako nagrereklamo kasi alam kong mahal nila ako.

“Okay. What to do now?”

Ting~ Ting~

Kinuha ko ang cellphone ko sa may table. Nakita kong may mga texts pero text ng isang barkada ko ang pinagtuunan ko ng pansin.

Jai alam ko wala kang pasok tara dito sa mall. May away ang tropa-Rupert

Tologo? Sino nanaman nakaaway nyo? Aish. Pahamak sa buhay-Jai

Haha. Di pa sanay? Sina Ramon lang. Epal na yun pati gf ni Zac gusto ahasin. Ayun gusto magwala ng gago. -Rupert

Aye captain. Pupunta ako. Libre nyo ako ng makakaen a. Ginugutom ako :(-Jai

Haha! PG ka talaga. Sige. Magpunta kana. Dali! Masaya to! Whoa!! - Rupert

Yes! Away ito ng barkada. Hindi ako warfreak but mahilig sa away ang barkada kaya nadadawit ako. Pupunta ako dun. Makakatikim yang si Ramon. Bwisit. Pati hipon na gf ni Zac gusto patusin hndi na lang ipaubaya sa gago.

One of the boys. One of the girlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon