Chapter Two

111 6 6
                                    

Chapter Two

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin lahat. Ewan ko ba kung anong nakain ko kaya gusto kong magluto ng breakfast. 

"Wow anong yung mabangong amoy na naamoy ko?" Boses lalake at alam kong si Daddy George iyon. 

Sobrang busy na tao tong si Daddy pero pagdating sa family nya ay parating hindi nawawalan ng oras. 

"Breakfast is Ready!" Sabi ko sa kanila pagkababa nilang lahat ng hagdan. of course my family. 

"Anong nakain ng prinsesa namin kaya siya nagluto?" bungad ni Kuya Meeko sabay gulo ng buhok ko. Psssh. Hobby na nya yan. 

"Sus! Pasikat pss!" Nainis naman ako sa sinabi ni Jasmine. Hindi ko tinatawag na ate kahit mas matanda ng tatlong taon to. Pssh.

Umupo na silang lahat sa hapag kainan at syempre kasama ako dun no. 

Tinapos ko yung kinakain ko at nagpaalam na kila Mama't papa dahil nga mageenroll ako sa bago kong papasukan means dun sa school nila Jasmine. Nakalimutan kong sabihin na sa states na kasi ako nag graduate ng highschool.sad to say babalik ako ng Highschool pero 3rd year lang kasi nga hindi tinatanggap yung card ko dito sa pilipinas.

"Kuya wag ninyo na po akong sunduin mamaya magcocommute na lang ako baka kasi matagalan ako." Sabi ko sa Driver ko pagkababa ko.

"Sige po mam Maisie. Ingat po" 

Dumiretso na ako sa  Villafuerte University na papasukan ko. Napahanga naman ako sa napaganda at Malawak na University na ito. Mahahalata mong puro mayayaman lang ang mga nakakapasok dito. Talagang maliligaw ka din kung hindi mo alam ang pasikot-sikot dito. Katulad na lang ngayon hindi ko alam kung san ako dadaan (-_-') 

Nasan na ba ang dakilang office? Diba dapat makikita agad yun. Kasi naman eh mas malaki to ng dalawang building school namin. 

Patuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at nagbabasakali kung may mapagtatanungan. 

"Hi?" 

"Ay Anak ka ng palaka!" Nagulat ako ng may bigla biglang sumulpot sa harapan ko ng Napakagwapong nilalang. Take Note Ang Tangkad Sheyt! . Naghahanap ako ng pagtatanungan hindi pagkakaguluhan.

"Grabe ka naman :( Hindi naman ako anak ng palaka! Ang Gwapo ko kaya!" Pagmamalaki ninya with matching hawak sa baba. Okey binabawi ko na. Ang Hangin ha!

"Sa tingin mo gwapo ka? Sabangay GGSS ka :)" I Smirk. 

Kumamot siya at halatang hindi yung sinabi ko. "Anong GGSS?" 

"Gwapong Gwapo sa Sarili! Tabi nga nagmamadali ako eh!" Hinawi ko siya ng dalawang kamay ko at napaatras naman siya.

Hindi ko alam na napalakas pala ang pagkakasabi ko at marami na palang nakatingin sa amin.  Kitang kita ko kung pano magsimulang umingay ang paligid at parang mga bubuyog kung bumulong sa katabi.

Fake Lovers (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon