"Traces of happiness yet I cry loud, over and over again..."
"Gumising ka na,"
Muli nanaman siyang nagising dahil sa mga salitang iyon. Salitang tumatawag nananaman sa mga nagbabadya niyang luha.
Ito talaga ang kinaiinisan niya sa lahat. Ang umagang gigising siya para umiyak hanggang mapagod.
Alas-tres pa lang ng umaga, pero gingawa na niya ang kaniyang mga morning rituals. Mag-kape, maligo, mag-ayos, at maghintay hanggang mag ala-sais ng umaga.
Okay... Heto nanaman siya..
Nakatulala nanaman sa kawalan..
Ginugulo ang isip at patuloy na tinatanong ang sarili,
'Bakit?!'
Walang katapusang mga bakit..
Tatlong taon man ang lumipas bago ang aksidenteng nakapagbago sa kaniya, pero wala pa ring sagot sa kanyang mga bakit..
*BEEP! *BEEP! *BEEP!
Naghudyat na ang kanyang alarm clock na tila ba sinasabi : 'Oy Xed!! Bangon na!! Pumasok ka na sa trabaho mo!! Go Go Go!!'
"Aalis ka na?" Bungad sa kaniya ng kanyang Kuya Xander nang makababa ng hagdan, "Hindi ka ba sasabay magbreakfast?"
"Ahmm.. Tapos na ko Kuya. Saka, ayoko namang magsisis ka na binigyan mo ko ng chance na magtrabaho sa cafè mo," isang pilit na biro at ngiti ang binigay niya sa kanyang Kuya.
Nang akmang lalabas na siya ng pintuan, isang nakapangingilabot na tanong ang narinig niya mula sa Kuya Xander niya.
"Hindi ka ba magpapaalam kayla Mama? Nasa kusina sila,"
Oo nakakatakot yon.
Sa kabila ng mahinahon at halong pag-aalala sa tono ng boses nito..
Nakakatakot pa rin iyon para sa kaniya.
Hanggang ngayon, hinahabol pa rin siya ng takot na harapin ang kanyang Mama, at half-brother.
Paulit-ulit din kasi niyang naaalala na SIYA mismo ang dahilan ng pagkamatay ng isa sa kambal.
Dahan-dahan siyang humarap sa kaniyang Kuya. At pilit na tinatanggal ang kaba. Sabay pilit na ngiti at nagsabi:
"Ipagpaalam mo nalang ako, Kuya,"
Saglit na tinitigan siya ng kanyang Kuya Xander daretso sa kanyang mata. Pero iniwasan niya ito.
"Aalis na ko," sambit niya habang nakatingin sa iba't-ibang diretsyon.
"Okay, Ingat ka Xed. Tumingin ka sa dinadaanan mo, wag kung saan-saan tumulala ah!" Sabay tawa nito ng bahagya.
Tumango-tango lamang siya na may ngisi, alam niyang binibiro nanaman siya ng Kuya niya. Madalas nga naman kasi siyang nakatulala.
Pagkatapos no'n, mabilis na siyang tumalikod upang maitago ang mga nagbabadya nanaman niyang mga luha.
#OOYD
Yiiiehhh sana magustuhan niyo >///<
By MissedXD
BINABASA MO ANG
Out of your Dreams ( Sequel of Diary ni XD )
FantasyWhat if hindi pa tapos ang storya? Yung mag-uumpisa ulit yung kwento? FOR REAL. At pag sinabi kong real.. AS IN REAL :) Let's see how things and their lives change after the Dreamland's scenes. And how the main characters make all be right AGAIN. Sa...