easy days?

28 3 0
                                    


Zhalia's 

Weirdly enough, three months after that mission, I never felt this light. Pakiramdam ko e napaka laking tinik ang nabunot mula sa dibdib ko. Ramdam ko din ang pagbabago sa ugali ko. I can now sense more things surrounding me. I notice things and I try to analyze them the best I can. 

It was now harder to trust anyone. Dumadalang na din ang uwi ko sa Laguna dahil sa palagi akong nasa DA para magtrain.

At ang isa sa pinaka-malaking pagbabago sa akin ay ang unti-unting pagbuo ng memories ko. Hindi ko alam kung anong meron, pero simula nung kay Eli, parang may nauunlock na mga pangyayari sa utak ko. Hindi ko alam kung ano nangyari. 


Litong lito na din ako sa mga kasama ko. Si Sky at si Prince ay parehas kong tinataboy pero parang hindi nakakaintindi ang mga to. Si Prince ang mas malala. Kahit saan ako tumambay ay nandon din siya. 

* Two months ago *

I was trying to practice boxing ang nandito ako sa isang room sa Death Arena. Nasa likod naman ng punching bag si Prince at hawak hawak niya ito habang sinusuntok ko. "Love, wanna go out?" Sabi niya naman. Tiningnan ko lang siya at inirapan. Napa-chuckle naman siya.

Dinalhan niya pa ako ng energy drink at ng dinner. Ang isa sa mga ala-ala na nadagdag sakin ay ang mukha ni Prince. Hindi niya pa alam na alam ko na magkakilala nga kami dati. Baka kung ano pa ang asahan nito sakin. Napaka-wild pa naman nilang dalawa.

"You don't even go out with Leyra anymore. Come on, lovey, live a little." Sabi niya naman. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Inisip ko kung may katotohanan. Nagkikita pa din naman kami sa school at minsan ay dinadalhan ko pa din siya ng outfits namin.

"We're okay." nalang ang nasabi ko sa kaniya. Umiling iling naman siya at hinawakan ang mga gloves ko. 

Inalalayan niya ako sa bench at hinubad niya dahandahan ang gloves.

"Is this about Elizander?" Sabi niya sakin habang nakatitig lang siya sa tinatanggal niya ang bandage na nakapalipot sa kamay ko. "N-no." sabi ko sabbay higit ng kamay ko sa kaniya. Hinigit naman niiya ito pabalik. Tinapos niya ito at nilagyan ang kamay ko ng cold compress. 

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinila at inupo sa lap niya. "Prince, ano ba!" sabi niya. Pero hinarap niya lang ang mukha ko sa kaniya at dinikit ang noo niya sa noo ko. 

"You did the right thing. Elizander is the problem here. He killed Samantha, for fuck's sake." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko. 

I don't know why but his touch always changes something inside me. When he hugged me to his body, I just started crying. I cried and cried like a little baby. Nakakahiya, parang hindi ako gangster.

"I--I killed Sam, didn't I? I made it easy. I should not trust anybody that easily anymore." Sabi ko sabay kusot ng mata ko. Hinawakan niya naman ang dalawa kong kamay at binaba ito. Hinawakan niya ang aking chin at hinila ang mukha ko at hinalikan niya ang magkabila kong mga mata.

"You did not. You even tried to save her, Lovey. Please, don't feel bad anymore. I'll wait for you to be okay." sabi niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya ng mahigpit.

Nandun lang ako, at nakayakap sa kaniya, nakahiga ang ulo sa kaniyang balikat. Pinapatahan niya lang ako ng  pinapatahan. Nagkkwento pa siya ng mga tungkol sa pagkabata niya.

I feel safe, I feel at home. I didn't even notice I fell asleep in his arms.

-------------------------------------------------------------

Be my Princess or my Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon