"Jam mahal na mahal kita."
"Daniel mahal na mahal din kita." At unti-unti nang lumalapit ang labi ni Daniel sa labi ko.
Konti na lang....
Konting-konti na lang....
Ayan naaah!!! This is it! Ang akin pinakahihintay na first kiss!!!
"Jaaaahhhmmm!!! Jaaaahhhmmm!!! Gumising ka na dyan! Tanghali na! Malelate ka na!
Tanghali na? Malelate na ako? Sandali lang please! ikikiss pa ako ni Daniel eh! Konti na lang oh! Ayan na!
"Aray!!!!!"
"Iyan ang bagay sayo! ihulog sa higaan! Tanghaling tapat na ayaw mo pang gumising!"
"Mama naman eh! Hahalikan na ako ni Daniel Gidote pinigilan mo pa! "
"Aba Jam pati ba naman sa panaginip eh lumalandi ka pa? At kay Daniel pa! Di ka naman masyadong ambisyosa niyan anak! Tanghali na kaya bumangon ka na dyan!"
"Mama sabado naman po ngayon." Hindi ba nag-iisip tong mama ko? Sabado ngayon kaya walang pasok. Isip naman pre!
"At talagang nakalimutan mo ha! Diba ngayon yung seminar sa school niyo?"
Seminar? Leshe! Tama ngayon pala
yung seminar namin about morality on sex.
"Ay oo nga po pala! Hala anong oras na? Malelate na ako! Sige po Ma, maliligo na ako!" Agad-agad akong naligo at nagbihis. May multa pa naman pag nalate. Leshe bakit kasi kailangan pa ng mga ganitong seminar at sabado pa. Imbes na free day namin eh mag-eeffort pa tuloy kaming pumunta sa school at makinig sa mga boring at hindi ko naman talaga maintindihang discussions.
Paulit-ulit din naman ang mga sinasabi doon. Este kasal muna bago sex. Isipin niyo ang kinabukasan niyo. As if naman pumapasok sa kokote ng mga estudyante ang mga iyon. Well except for me. Kahit naman hindi ako umatend ng mga ganyan eh hindi pa rin ako makikipagsex. Conservative kaya ako ng konti. At isa pa wala naman akong boyfriend kaya 100% sure akong di ko iyon magagawa.
"Nakahain na sa mesa ang pagkain. Kumain ka na riyan."
"Opo Ma. Salamat."
Binilisan ko ang pagkain. Aba meron na lang kaya akong 40 mins. para di malate.
"Ma, alis na po ako!"
"Sige, biogesic!"
Haha gulat kayo noh? Eh feeling teenager ang mama ko kaya ayan kung ano anong kaechusan ang nalalaman. Pero ngayon hindi yan ang problema ko. Kailangan ko ng makasakay ng jeep papunta sa aming university. Oo, university. College na ako. Third year to be
exact. I'm taking up AB Mass Communication sa University of Guilidguilid in Philippines. Mabuhay! Haha
Ayan may jeep na! Kaway-kaway. Ok medyo maskip pero okay na kaysa malate ako.
Ah hindi pa pala ako nagpapakikilala sa inyo. Ako nga pala si Jamilla "Jam" for short. 19 years old. Yeah tama kayo! NBSB ako. Mahilig ako magbasa pero hindi ako nerd. Maingay ako as in malakas talaga ang boses kapag nagsasalita. Kapag nga dumaan ako sa mga nagkaklase bigla silang napapahinto dahil sa malaking kong bunganga. Whatever eh sa mala Anne Curtis to. Hahaha.. Hindi ako kagandahan hindi
rin kapangitan. Average lang.
"Manong para! Pakiabot po!"
Sa wakas nakarating na rin ako sa pinakamamahal kong unibersidad.
"Teh!!! Teh!!!"
"Hi Yotz!" Yan nga pala si Eli. Close friend ko. Isa siyang Dakilang Beki.
"Muaahh.. Bakit ngayon ka lang Teh?"
