Sana Hindi Nalang Ako Nagkagusto Sayo >.<

62 2 2
                                    

Unang araw palang ng pagpasok ko

Pinatibok muna puso ko

Dahil sa mukha mong mestizo

Na super cute at sobrang gwapo.

Noon binangga mo ako

Tinitigan mo lang ako sa mata mo

Kung alam mo lang ang naramdaman ko

Para akong nanalo sa lotto.

Sa lahat naman ng sinuswerte sa kalawakan

Ako pa ang napiling handugan

na ika'y naging kaklase ko't kaibigan

Anong oras, araw man ang magdaan.

Araw-araw maaga akong gumigising

Upang matext ka lang ng "Good Morning"

Kapag magreply ka naman ng "Good Morning rin"

Assuming naman akong may gusto ka na sa akin.

Kapag tayo'y nasa silid -aralan

Hindi ko mapigilang ika'y titigan

Ikaw naman ba't mo ako sinusulyapan?

Tama na please! Baka puso ka'y di na mapigilan.

Bigkasin mo lang pangalan ko

Tumatalbog na ang aking puso

Pa'no kung magkatabi pa tayo sa pag-upo

Siguradong kaluluwa ko'y maglalaho.

Noong nag-dance drama tayo sa Filipino

Hinawakan mo kamay ko

Sana palagi nalang ganito

Na dumadaloy ugat ko sa ugat mo.

Maganda na sana ang estorya

Masaya at punung-puno ng pas-asa

Pero lahat ng ito'y nawala

Nang nag-spin- the-bottle tayong magkakabarkada.

Unang tumapat sa iyo

Truth or Dare ang pagpipilian mo

WOw! sumagot ka pa talaga ng diretsu

Truth pa talaga sayo.

"Sa mg babae, sino crush mo?"

Tanong ng kaibigan ko

Puso ko'y tumibok ng todo-todo

Ano kaya ang isasagot nito?

Kung isasagot niya pangalan ko

Magdadaos ako ng pagdiriwang para sa inyo

Pero nagkamali ako ng husto

Dahil ang sinagot niya ay ang mga katagang ito:

"Sorry!! Wala akong crush na babae. Kasi LALAKI ang gusto ko!"

_____________________________________________________________

hahahahah :DDD another poem na namn. Walang epek??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Hindi Nalang Ako Nagkagusto Sayo &gt;.&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon