Chapter 3

40 0 0
                                    

AWKWARD...

Dahan-dahang ibinaling ng mga kaklase ko----pati si Ma'am---ang kanilang mga mata sa aking cute na mukha.

"Ahh--- He--he--he--he--he" , tanging reaksyon ko.

Alphabetically paired nga pala kami. Boy and girl. Si Erika Roblez nga pala ang kapares niya dati. Pero dahil lumipat na sa ibang school , naiba na ang pagkakapares. Dahil ako ang kasunod ni Erika-------Sanchez------ ako ang pumalit sa pwesto niya. At lahat ng 'yan ay ngayon ko lang napagtanto. Bakit?? Sa isang linggo kasi eh dalawang beses lang ang Physics namin, tigalawahang oras. At minsan pa nga ay hindi kami nakakameet ng ilang linggo. Sa halos isang buwang hindi pagkikita namin ni Ma'am , ngayon lang uli kami nagmeet. May ibang pina-prioritize ang YG University. Kumbaga, vocational lang 'to.

Muling ibinaling ni Ma'am ang tingin sa asawa ko.

Oo! A.S.A.W.A. ko!... Wala nga lang s'yang kaalam-alam... T__T

Nagsukatan sila nagtingin.

"We don't have all day Mr. Park... Or you want a new instructor for Physics?"

"NO!" , matigas ngunit nagpapahiwatig ng pagkatalo na sagot ng asawa ko na nagpagulat sa'ming lahat.

Agad s'yang tumayo at tumabi sa'kin ng walang salita.

Oh yeah! Magkatabi na kami! Magkatabi na kami! Ramdam ko na ang malambot at makins niyang balat sa bawat aksidenteng pagkatama ng aming balat. Amoy ko na ang pabango niyang nakakabaliw. Abot kamay ko na siya. Thank you Physics! Araw-araw nalang sana may Physics!! ^___^

Bumalik na sa dating ambiance ang classroom at sinimulan na ang recitation.

Hunting My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon