Kate pov:
"ate wala na po akong allowance" malungkot na sabi ng kapatid ko kaya napatingin ako sakanya na naluluha na..at napabuntong hininga nalang..3rd year colledge na siya..
At ako naman ay natapos ko naman ang colledge actually kakagraduate ko lang sa awa ng diyos..halos lahat ng trabaho ay pinasok ko na para lang makatapos ako ng pag aaral at para mapatapos ko na rin ang kapatid ko
Mayaman naman kami dati pero ng mamatay ang magulang namin ay dun lang namin nalaman na marami palang utang ang mga magulang ko sa di kilalang tao..at sabi ni attorny hindi panga daw sapat ang pera at kumpanya ng magulang ko para pambayad sa utang nila..
Hindi naman ako nagalit sakanila kasi nung buhay pa sila ay inalagaan nila kami at pinalaki ng maayos..minsan nga lang nakikita kong umiiyak si mama at sinasabi ang mga katagang..
"baka kunin na niya ang anak natin" at muli na namang hahagulhol si mama..at sa di inaasahang pangyayari ay nabalitaan nalang namin ang pag ka aksidenti ng mga magulang ko..kaya labis ako nung nalungkot si Kane naman ay gabi gabing umiiyak..
masakit para samin ang mawalan ng magulang lalo nat highschool palang ako nun..at wala pang alam na pagkakakitaan..pero nangako ako sa magulang ko na aalagaan ko at paaralin ang kapatid ko..
"wag kang mag alala kane gagawa ako ng paraan,kelan mo ba kailangan?" tanong ko
"sa monday na ate,pati tuition narin"
"sige maasahan mo yan" sabi ko at ngumiti bago ginulo ang buhok niya na nagpasimangot sakanya na siya namang kinahalakhak ko.
"sige na matulog kana"
"sige ate" at niyakap niya ulit ako bago pumanhik sa taas..
Napabuntong hininga nalang ako..kailangan kong makakuha ng trabaho para sakanya..kahit ano kakayanin ko..napaisip tuloy ako at biglang nabuhayan ng loob ng maisip ang kaibigan ko..
pupuntahan ko siya ngayon..7pm palang naman.nagmadali akong pumunta sa kwarto ko at naligo pagkatapos ay nagbihis ng white pants at sleevless..napasimangot tuloy ako..
lahat ng damit ko ay mga brandnew naman kasi ito parin ang damit ko nung medyo may kaya pa kami..
Malaki ang hinaharap ko maganda rin ang kurba ng katawan ko na akala mo ay hinulma talaga and may long legs na sobrang puti rin at kinis..marami ang kumukuha saking maging model pero tinanggihan ko iyon..kasi ayaw ko ng mga revealing na damit..
nagmadali akong bumaba at lumabas na hindi naman ako nag memake up dahil wala naman akong hilig diyan..
sumakay ako ng taxi at sinabing sa Valle village para lang naman yin sa mga mayayaman,mayaman naman kasi talaga ang kaibigan ko..
nang makarating ako sa village na iyon ay namangha ako kasi labas palang ng gate ay makikita muna ang karangyaan nito kaya paniguradong mga mayayaman talaga ang nandito..
"ahh manong guard saan po dito ang Block 32?" tanong ko sa guard na nakatulala sakin..o? baka naman sa likod ko kaya tumingin ako sa likod ko pero wala namang tao kaya nangunot ang nuo ko..
"guard?" nabalik lang siya ng pinitik ko ang kamay ko sa harap niya..
"bakit po?" tanong ko sakanya..
"ahh hehe sorry maam ngayon lang kasi ako nakakita ng kasing ganda mo, artista ka ba maam?" tanong niya kaya napangiti ako..bolero pala guard dito
"ahh hindi po"
"ahh ganon po ba maam? sayang anganda niyo po kasi, ano po bang sadya niyo?" tanong niya
"itatanong ko lang po kong saan po dito itong block 32?" nakangiti kong tanong kaya napatango naman siya..
"ahh dertsuhin niyo lang po yan at kumaliwa kayo pag nakita niyo ang pink na gate ay yun na po yun"
"salamat po" at naglakad na papasok..habang naglalakad ako ay pinagmasdan kong mabuti ang bawat bahay na nadadaanan ko..habang tumatagal ay lalo namang lumalaki ang mga bahay na nadadaanan ko..
nang makita ko ang gate na pink ay agad akong pumunta dun at pinagmasdan ang gate na yun..pero nangunot ang nuo ko ng block 33 naman ang nakalagay at ang katabi nitong sobrang laking bahay na sa sobrang laki ay malulula kana..
At nakita ko don ang nakakatatak na block 32, siguro nagkamali ang guard kaya lumipat ako sa may malaking itim na gate at nag doorbell..
Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ang isang lalaking gulo gulo ang buhok at nakabukas pa ang dalawang butonis..nang polo nito gwapo rin siya at sobrang tangkad..pero hindi ko yun binigyan ng pansin at diretsung tumingin sa mata niya..
"ahh dito po ba nakatira si Janine Ramirez po?" tanong ko sa lalaking matiim na nakatitig sakin at bumaba iyon sa dibdib ko hanggang paa..kaya medyo nangunot ang nuo ko..may mali ba sa suot ko?
"ahh kuya?" tawag pansin ko sakanya na ngayon ay nakatulala na sa labi ko..pero pinagwalang bahala ko na lang iyon ang importante ay makahanap ng trabaho..
"yes, she's my secretary why?" natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa lamig ng boses niya,bigla rin nanginig ang tuhod ko dahil ngayon ay ramdam ko na ang mabigat niyang awra..
"ahh tatanongin ko po sana kong hiring pa po sa kompanyang pinagtatrabahoan niya,sabi niya kasi nag hahanap daw yun ng scretary nagbabakasakali lang po" mahabang paliwanag ko habang tumitingin tingin sa katabing bahay ang gaganda kasi ng design..
"your hired"
napatingin ako sakanya at ngumiti..talaga bang hired na ako..pero teka bakit?
"ahh kelan po ba ako magsisimula?" tanong ko at pinagwalang bahala nalang ang mga katanongan sa isip ko..
"tommorow and also bring your things,because starting tommorow you will leave here with me" malamig niyang saad bago ako talikuran at pumasok sa loob naiwan akong nakatayo lang dito..
Pero maya maya ay may dumating na magandang babae at nakilala ko yun si Janine pala yun na anglaki pa ng ngiti niya..
"ohh my god besh anganda mo talaga"
"ikaw naman,nambobola kapa"
"ayy oo nga pala mag reresign na ako kaya,masaya ako na ikaw ang kapalit ko..magingat kalang kay boss masungit kasi yan" paliwanag niya na siya namang tinanguan ko at ngumiti..
sa wakas may trabaho na ako...
