Sa panahon ngayon mukha na ang labanan, kailangan maganda ka para tinggalain ka. Pagmaganda ka kilala ka, ganun naman lagi eh yun na yung basehan para makilala ka ng mga tao na nakapaligid sayo.
Minsan na papaisip na lang ako, bakit hindi ako sila? Or should I say bakit hindi ako siya?
Yes, I admit hindi ako ganun kagandahan kumpara sa kaniya pero may talent naman ako, matalino but still ano nga bang panama ko sa magandang tulad niya.
ENTRY #25
I just want to look at you
Even if you are looking at someone else too
It's just a short time since I met you
But how can you make me fall for you?
How can I stop myself
Feeling this feelings that I felt
Please give me a sign that this needs to end
Because I will still hold until I bleed
It's you
Only you, but it's not me that meant for you
It hurts but what should I do?
That's the truth, I'm the only one that fell between me and you
Entry 25, madami dami na din pala yung nasulat kong tula para sayo. Kaso kailan kaya ako magkakalakas ng loob para ibigay sayo?
Darating kaya yung time na yun?
Ema is calling.......
"What?" Tipid na sagot ko sa kaniya matapos kong sagutin yung tawag.
"Anong what, nandito na ako sa tapat ng bahay niyo. Kanina pa ako bumubusina ni hindi mo manlang narinig!" ayan na naman ang nakakarindi niyang boses.
Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling, masyado lang siguro akong pre-occupied kaya 'di ko narinig yung busina niya.
"I'll just pack my things then bababa na ako."
"Please ma'am pakibili---" hindi ko na siya pinatapos at nag-ayos na lang ako ng gamit ko.
Paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad na naman sakin ang isang tahimik na bahay. Minsan na sasabi ko na lang may mga tao bang nakatira dito? Para kasing wala but we used to be like this, no interactions at all.
Kaya minsan naiinggit ako sa mga pamilya na ang lapit sa isa't-isa, yung parang magbabarkada lang sila. Hindi ko kasi naranasan yun eh, dito sa bahay walang pakialamanan bahala ka kung anong gusto mong gawin. Kaya minsan nakakasawa na rin.
I just stop thinking about it at nagmadali nang lumabas at galit na ang maldita kong bestfriend.
"Buti naman naisip mo pang lumabas no, late na kasi tayo kay Mr. Faron eh." at may pag-irap pang nalalaman tong bruhang to!