Hi Sir/Ma’am, welcome to“Kakabakaba Ka Ba?”!
Say it again.
Ka-ka-ba-ka-ba-ka-ba.
Again.
Ka-ka-ba-ka-ba-ka-ba.
Repeat until fade.
Mabuhay! Ako po si Toney Sevilla at ako po’y nagmula sa lungsod ng NAGKAKAISA, MAY DISPLINA, at tahanan ng New Bilibid Prison…MUNTINLUPA!
Welcome po sa aking blogsite, ang“Kakabakaba Ka Ba?”. Sorry kung medyo pinahirapan ko kayo sa tongue twister. Mga tongue in a niyo! Joke lang po
Ano po ang nilalaman ng “Kakabakaba Ka Ba?” ? Kakornihan? Kalandian? Kawalang-kwenta? Kagaguhan? Katawanan? Kalaswaan? Kaguluhan? Lahat ng mga nabanggit ay meron dito. Libre ang magbasa basta basahin niyo lang. At pagkatapos niyo basahin ang mga nilalaman, kung nais niyo pong mag-iwan ng mensahe, ayos na ayos lang po. Huwag lang po kayo mag-iwan ng kalat. Hindi po ito basurahan. Clean As You Go po
Ito po ang aking mundo sa cyberspace. Dito niyo po makikita ang aking mga kwento, saloobin, balita, at iskandalo (?). Huwag na po kayo magtataka kung may katatawanan ang aking mga isinusulat. Batid lamang po ng “Kakabakaba Ka Ba?”na magdala ng kasiyahan, katatawanan, drama sa buhay, inpormasyon, at inspirasyon sa inyong lahat. Gusto mo kahit sakit padalhan kita? Joke. Hindi na kelangan ng LBC o Western Union para ipadala sa inyo ang aking mga nabanggit; narito na ang mga hinahanap niyo. Just go here at “Kakabakaba Ka Ba?”. Kuha mo?
Ang lahat ng mga nilalaman dito sa “Kakabakaba Ka Ba?” (pwera lang kung sinabi ko kung sino ang talagang may-ari at kung saan nanggaling) ay pagmamay-ari ko. Klaro? Kung nais niyo pong ilathala ang anumang artikulo o bahagi ng blogsite ko, just notify me. Hindi ako nangangain ng tao. Pumapatay lang ako. Joke At kung kasing tigas ng **** ko ang ulo niyo (guess the word), pwes… talk to my lawyer and see you in court… basketball court!
And for my dear foreign readers. Hi. Hello. How are you? I’m fine. Thanks you very much. Have a nice day
Feel free to read my articles. You may do so by browsing the category or mind map tags on the right side of your screen. Press 1 to repeat. Press 9 to exit. And leave comments if you want. Basta huwag lang masyadong violent ang reaction niyo. Dahil kung hindi, magkaka-violence dito. Isususpend ko ang writ of Habeas Corpus. Di niyo alam? Sorry na lang. Joke. Google it na lang. Kesa itanong niyo pa kay Kuya Kim (masyado niyo ng pinahihirapan siya. Tao rin siya. Niliteral niyo talaga siya as ‘walking encyclopedia’).
Hot like Mexico, rejoice!
BINABASA MO ANG
Kakabakaba Ka Ba
General FictionAnything under the sun, under the moon, underwater, under the bed, under de saya, understand, underestimate, underwear, UNDER YOU!