Two

14 1 0
                                    

Isa kang.....

"ang daya mo pre! ginamit mo naman kasi-" naputol ang dapat sabihin ng lalakeng nasa harapan namin ngayon na sa tingin ko ay ka-edad ko..may pagkahaba ang buhok nito at moreno..matangos ang ilong at bulky ang katawan.

"Sino naman to?" tanong ng lalake

"hindi ko alam...baka isa sa mga turista...miss, anong pangalan mo?" sabi ng lalaking nakabangga ko kanina ant nakapagttaka lang...yung mata niya, hindi na kasi ito pareha kanina.

"Det, ano...may hinahanap lang ako" sabi ko sa kanya

pero bago niya iyon sagutin ay dumating ang isang babeng naka jeans at puting t-shirt

"Zack, may pagpupulong daw po kayo kasama ang kuya mo"sabi ng babae

"sige, Sev ikaw na muna bahala dito,ha?" sabi niya sa lalake na ngayon ay katabi ko"

"ano nga ba ang hinahanap mo,miss?"tanong ng lalake

"May kakilala ba kayong nakatira ditong Isabel Lopez?"

nagulat naman ang lalake at bigla siyang sumeryoso

"at ano ba ang kailanggan mo sa kanya?"

"may itatanong lang ako sa kanya"

"matagal nang wala ang angkang Lopez dito" sabi ng lalake na puno ng galit

"ahhh ganun ba? saan daw sila pumunta?"

"hindi na namin alam...kung wala ka nang gagawin pa dito ay mas nakabubuting umuwi ka na."

ganun na lang ba yun?! at kapag bumalik ako doon,wala akong titirhan! dapat kong mahanap ang Isabel Lopez na 'to!

tumingin ako sa langit at gumagabi na. Sigurado akong wala nang Sasakyan ngayon ...paano na ngayon?

"gumagabi na...alam kong sa malayo ka nakatira base sa itsura at sa damit mo kaya dito ka na pansamantalang matulog" wika ng lalakeng hindi man lang nakatingin sa akin

"Salamat....?"pagpasalamat ko

"Sev...Sev ang pangalan ko..mukhang nahihirapan ka sa mga gamit mo..ako na lang sa iba"

"wag na..ituro mo na lang saakin kung saan a-" hindi natuloy ang pagsaslita ko nung bigla niyang kinuha ang dalawang bag ko

"halika na"

"s-salamat"

---------------*-------7777---------

"Mang Fe, may bakante pa po ba?"tanong ng lalakeng Sev

Nandito kami ngayon sa isang Apartment na sa tingin ko ayy well-preserved dahil sa malinis na floorings att sa mga chandelier na kumikintab at sa mga mwebles na halos mas nakakattanda pa kay...

"eto na pala ang susi sa kwarto mo.pinadala ko na ang mga bag mo..sige kitakits na lang" sabi niya na ngayon ay kalmado na at wala nang bumabalot na itim na aura

"salamat nga pala ha?"

"walang anuman!"

pinuntahan ko na ang magiging kwarto ko at pagpasok ko dito ay talagang manghang mangha ako...napa elegante kasi ng kwarto kahit na simple lamang ito..

biglang nag-ring ang cellphone ko at tumatak sa screen ay

Mother calling...

hindi ko pala na change ang name niya dto...bakit naman siya tatawag?

sinagot ko ito..

ako:bakit po?

Mother:letse ka! bakit hindi mo man lang inayos ang bahay?! ang kapal ng mukha mo!

ako:akala ko po ba'y binayaran kayo ng magulang ko? sino naman kayong utusan ako?? maid lang kita kaya wag kang magdramang boss ko!

in-end ko ang call... bwisit!!

totoo naman di ba? binabayaran lang siya ng magulang ko para bantayan ako?! siya ang makapal ang mukha! at wag sana aiyang mag-akto ng ganon at baka bigla ko siyang patayin!

nakakabanas!

nag-shower muna ako at nagbihis bago matulog ng biglang may kumatok sa pintuan? baka naman sa ibang pintuan? mapuntahan nga.

nakita ko ang isang lalakeng...ah oo nga! siya yung nabunggo ko kaninang hapon..paano niya nalamang nadito ako?

"ah...ano kailangan mo?" tanong ko

"papasukin mo muna kaya ako!"

"wow ha..galit?"

pumasok siya at bigla bigla'y hinatak niya ako palabas

"bakit mo ba hinahanap ang mga angkang Lopez,ha? anong koneksiyon mo sa kanila?"seryoso niyang tanon

napaka big deal naman ata ng paghahanap ng sarili kong angkan dito sa mga taong to...something's fishy...

"bakit ba?? sino ba talaga si Isabel Lopez at parang na pe-presaure kayo pag babanggitin kp ang pangalang iyon?!" badtrip ako ngayon at malas nang lalakeng ito dahil siya ang pinapagalitan ko.

The BloodlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon