Kabanata 1

3.6K 97 2
                                    

After naming magumagahan ay umakyat na ako para makapagimpake. Buo na ang loob ka na in the span of two months, I'll make Kai mine again. Mawalan na ng dignidad lahat lahat basta makuha ko lang siya ulit. I am desperate, yes at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Pero meron paring sumasagi sa isip ko na what if hindi magwork. Edi babalik na naman ako sa Amerika ng luhaan. I know I extended my vacation for 5 months but I can always change it. May pera naman ako para gawin yun.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Jade habang nag iimpake ako.

"Malapit na. Wait lang." sagot ko habang naglalagay ng gamit sa loob ng maleta ko. We're gonna stay there for two months kaya kailangan marami talagang dala.

"Handa ka na ba talaga?" she asks. She's the person I cry to the most. Kumbaga sa circle of friends mo, meron ka talagang tao na napagsasabihan mo ng lahat.

"Alam mo naman na sa lahat ng bagay hindi ako ready, pero kakayanin." sabi ko.

"Sobrang hirap ng gagawin mo, Dee. I can see the glow in Kai's eyes when him and Primo are together. Just like how his eyes glowed before when he was with you." sabi niya at napabuntong hininga nalang ako.

"I know that, Jade. Kaya ko nga to gagawin para makipagsapalaran. Kung wala na edi babalik akong Amerika ora mismo. May hiya pa naman ako sa katawan kahit papaano." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"You know that giving me fake smile isn't gonna work for me, Dee. All I can say is kahit anong mangyari ay nandito lang kami." sabi niya at niyakap ko naman siya.

Nakaimpake na pala silang lahat. Ako nalang talaa ang pakay nila. Patungo kami ngayon sa Batangas Port at doom sasakay kami ng roro papuntang Puerto Galera. Inanyayahan pala talaga sila ni Primo na sumunod sa Puerto Galera para narin mga sa proposal na magaganap. Ang tugon lang nila ay uuwi ang kaibigan nila at kung pwede ay yayayain nila ito paPuerto Galera. Pumayag na man si Primo.

Ilang oras na byahe sa lupa at sa dagat ay nakarating na rin kami ng Puerto Galera. I smiled at the sight. Ang kulay kahel at puti ay naghahalo hudyat na papalubog na ang arae. Huling punta ko dito ay birthday ni Kai. Paborito niya kasi ang place na ito dahil dito nagkita ang mommy at daddt niya.

"Magkaroom na lang kayo Kiana ni Abcde." saad ni Hanna at tumango naman si Kiana.

"Tara na Ate Dee." yaya ni Kiana at sumunod naman ako sa kanya. Isang Deluxe room ang kinuha namin. "Wala na tayong dapat alalahanin dahil bayad na ni Kuya Primo ang lahat." sabi niya at tumango na lang ako at lumapit sa balcony ng room at pinagmasdan ang dagat.

"Maliligo ba kayo?" tanong ko ng magsawa nako. Tumango naman si Kiana habang may hinahanap sa maleta niya.

"May dinner na inialay si Kuya Primo sa amin. Sasama ka samin. Ihanda mo na ang sarili mo Ate Dee. Makikita mo na siya ulit." sabi niya at kinabahan naman ako. Ang bilis naman ata. Parang kararating ko lang dito sa Pilipinas eh.

"Okay lang ba dun, Ate?" tanong niya. Kiana is the most sweetest girl I've ever known. Sobrang mahal na mahal niya ang kuya niya ganon din si Kai sa kanya. Simula ng ipakilala ako ni Kai na nililigawan niya sa parents niya. Something click between the two of us. Hindi din kasi nagkakalayo ang edad namin. Kai is 2 years older than me while I am older than Kiana by a year only.

Minsan mas nagseselos pa si Kai sa kanya kaysa sa ibang lalaki kasi lagi kong kasama si Kiana.

"It's okay. Hindi naman natin pwedeng sabihin sa Primo na yun na he can't make dinner with us tonight because I am still hurting or I am planning to get his boyfriend from him. Pakisama lang, Kiana." sabi ko at tumango siya.

"Feeling ko maiinlove ka ulit kay Kuya pag nakita mo siya. He's so pogi na kaso nga lang bakla." sabi niya at napatango naman ako.

"Hindi naman ako tumigil sa pagmamahal sa kanya." saad ko at napangiti naman siya.

Nakahanda na kami ni Kiana. Nakasuot siya ng blue sundress at nakalugay ang buhok. Ako naman ay yung white tube dress parin yung suot ko. Naglagay nalang ako ng kaunting makeup at ayos na.

"Ang ganda mo talaga, Ate. Alam mo ba nung naghiwalay kayo ni Kuya halos hindi ko na rin alam ang gagawin ko sa suot ko sa buhok ko kasi nasanay ako na nandyan ka para magbigay ng comment sa suot ko." sabi niya at napangiti naman ako.

"I can still do that now. Limited for 5 months nga lang or less." sabi ko at napangiti naman siya. Nagulat ako ng niyakap niya ako bigla.

"I really miss you, Ate Dee. I can't bond with Kuya Primo kasi. He's still a guy." bulong niya at napatawa naman ako. Niyakap ko siya pabalik.

"Namiss rin kita ng sobra, Kiana." sambit ko.

Kasalukuyan kaming naghihintay para sa dalawa. Nasa medyo long table kami. Katabi ko si Jade at Kiana. Bali pinagigitnaan nila ako. May ibang friends din silang inimbitahan maliban samin.

"Grabe ang postura natin ngayon, mamsh ah." buling ni Paolo na katabi ni Kiana. "Bagay na bagay sayo ang pula mong lipstick." sabi niya at humalakhak.

"Ewan ko sayo, Paolo." sabi ko at tahimik na pinag mamasdan ang buong paligid. Kinakabahan ako ng sobra. Ayokong magbreakdown sa harap niya. Ayoko ring magmukhang walang pakialam. Ayoko namang magpeke ng ngiti.

Sa isang iglap tila bumagal ang paggalaw ng nasa paligid ko, tanging kaba nalang ang nararamdaman ko ng marinig ko ang tawa niya at boses niya na nakikipagusap sa boyfriend niya.

Nang makalapit siya sa table namin tila nawalan nakonng hininga. Pinagmasdan ko siya. Wala paring pinagbago sa gwapi niyang mukha. Mas gumwapo pa nga ito. Ibinaling ko ang tingin ko sa kasama niya. Pogi rin si Primo at mukhang may lahi. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Nakaramdam ako ng sakit sa nakita ko.

"Hi, everyone! Thanks for coming. Let's eat na." sabi ni Primo. Hindi pa dumadapo ang tingin ni Kai sa gawi ko kaya napahalukipkip nalang ako. "Oh, by the way, Kiana. Sino nga pala yung sinasabi niyong kaibigan niyo na darating kaya hindi kayo nakalarga agad dito?" tanong ni Primo.

"Uhm." she clears her throat. "Kuya Primo, this is Ate Abcde. Ate Abcde si Kuya Primo." sabi niya at nabaling ang tingin ng lahat sakin. Kinabahan ako bigla. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Kai. Tila napako ang sarili ko sa kinauupuan ko.

"Hi, Abcde. What a unique name. I guess, magkakilala kayo ni Kai kaya hindi na inintroduce ni Kiana ikaw sa kanya." sabi niya nakapagiwas sakin sa mapanuring mata ni Kai.

"Ah, oo. We are.... Friends." sabi ko at sabay ngiti ng peke. Nakita ko naman na naparoll eyes si Kai sa sinabi ko.

"No need to lie to him, Abcde. He knows you're my ex." malamig niyang sambit at yun ang mas lalong nagpakirot sa puso ko.

Mahihirapan talaga ako.

...

Want You Back (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon