Prologue.
They called us Mysterious Guardians, they say we were reinforce by GOD to Guard and Protect our planet.
Pero pano namin magagawa yun kung ang mga beteranong Guardians ay napaslang ng mga kalaban? kung ang ibang mga guardians na nabubuhay ay hindi mahanap hanap? kung yung mga guardians na makakatulong sakin ay nasa mundo ng mga tao at wala sa Mysterious Palace? pano ko sila mahahanap kung ang tanging iniwan lang ng mga yumaong kasama ko ay mga simbolo ng bawat sinasakupan nila? makaya ko kayang hanapin ang mga bagong napiling guardians? makaya ko kayang maunahan ang mga kalaban sa pagkuha ng mga Selected Guardians?
Si Raign, isang babaeng nagtatago sa isang napakagandang ilog sa mundo ng mga tao, ang isa sa mga napiling maging Element Guardian, ang nagtataglay ng kakaibang kagandahan, ang nagmamay-ari ng Elementong tubig.
Si Joshiru, ang kilalang Mage sa mundo ng mga tao na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Ang nag-iisang mage na natitira sa mundo ng mga tao at kahit sa Mysterious Palace.
Si Thunder, Ang kapatid ni Raign na nagtatago sa mga ulap, nagiging mas malakas sa tuwing kasama niya ang kanyang kapatid. hanngang ngayon ay hinahanap parin niya ang kanyang kapatid na si Raign.
Si Eros, isang binatang kayang kontrolin ang damdamin ng isang tao,hayop,demonyo at iba pa. kayang basahin ang iniisip ng kahit sino at ano man, ang sinasabing king of love and despair.
Ang magkakapatid na sina Autumn,Summer,Winter at Spring. mga batang kayang kontrolin ang panahon, sinasabing mas nagiging malakas kung pinag-sama sama.
Si Gaia (Earth) ang tanging Forest Guardian na natitira, kayang kontrolin ang ano mang lamang lupa, kilala rin sa angking kagandahan, ngunit hanggang ngayon ay di na muling nakita.
Si Fire, kilala sa mundo ng mga tao bilang isang mapaglaro at makulit na binata, ang nag tataglay ng Elementong apoy, ang tanging lalaking kaibigan na kinakausap ni Thunder sa tuwing may masamang nagaganap.
Ang Healer na si Maika, isang anghel na inatasan upang at bantayan ang mga kilos ng mga magiging Guardians.
Ang Dwendeng si Lucky, isang prinsisa mula sa mundo ng mga dwendeng, may taglay na kakaibang bilis at talino.
Ang isa sa mga natitirang Phyisical Ranger, ang anak ng yumaong leader ng Physical Rangers, na matagal ng nawawala. Si Terrence, isang binatang kayang mag palit ng kataohan, kahit ano mang tao, hayop at bagay.
Ang sorcerer na si Mariane, isang babaeng nagpapanggap na manghuhula at mangkukulam sa mundo ng mga tao,tumatrabaho ng walang bayad upang makatulong sa mga nangangailangan, may kakaibang kapangyarihan.
Ang Magician na si Xian, isang binatang ginagamit ang kapangyarihan upang magpasaya ng mga bata at taong may malubhang sakit, ang makakasama ni Joshiro at Mariane.
Si Aira, ang nagmamay-ari ng elementong hangin, nagtatago sa himpapawid, ang babaeng tumutulong kina Fire at Thunder. tulad ni Raign ay maganda rin at may kakaibang mata.
Ang binatang gumagamit ng tinig o tunog upang pagalawin o pasunurin ang isang tao o bagay, kayang pakalmahin ang emosyon ng isang tao, kayang patulugin at gisingin ang lahat gamit ang kanyang tinig. Si Kurt, kumakanta ng walang bayad, ang lalaking kasama ni Xian sa lahat ng gimik.
Si Thalia isang mananayaw sa mundo ng mga tao, may mala lastikong katawan at tanging guardian na kayang mawala ng parang bula, ang may hawak sa susi ng mga nakatago sa Mysterious Palace.
sila ang mga Guardians na kailangan kung hanapin at hingin ang kanilang tulong.
----------------------------------------------
ayan na po ang Prologue ^___^ by the way ^___^ yung nag narrate po ay si Mnemosyne which is ako rin lang xD ^___^ siya po ang tanging natirang beteranong Guardian, may mga kassama po siya pero mga membro lang po, ang hinahanap po kasi niya ay ang mga papalit sa mga yumaong leader ^_^^ ang kapangyarihan po niya is sand at rocks, kaya niya pong kontrolin ang mga buhangin at bato ^__^
ang mga kalaban po is sa pagsisimula ng story niyo na malalaman.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Guardians
HumorMysterious Palace Isang mahiwagang lugar kung saan ang mga taong may di pangkaraniwang kakayahan ang pwedeng makapasok. Isang lugar na kung saan nagtipontipon ang mga di pang karaniwang tao. Mga taong naiiba. Ang mga SORCERER/MAGICIANS - mga taong g...