Noitanigami

22 3 0
                                    

Dedicated to: M Carat Lee and Kim Gyu Carat

"Minghao..." mahina kong tawag sa kaniya sabay tapik din ng mahina sa kaniyang pisngi. He was sleeping soundly at my shoulder since no'ng makasakay kami sa tricycle na 'to, kaming dalawa lang ang pasahero rito.

"Aray!" natawa lang ako sa kanya nang bigla siyang uminat dahilan para mauntog 'yong ulo at mabunggo 'yong dalawa niyang kamay sa bubong ng tricycle na 'to. Mabilis ko namang ginulo ang buhok niya, akala nito siguro sa dorm nila 'to nakatulog.

"Malayo pa ba tayo?" he asked habang kinusot-kusot pa nito ang kaniyang mga mata. I can't help myself but to smile, hearing him pronounced those words is like music to my ears and I want to listen to it forever.

"Yes, but you have to see this scenery. You told me earlier before you sleep that I should wake you if we were passing by on a beautiful scenery here in this place." I said, from a sleepy expression, his face turned into bright one. Amusement were drawn all over on his face.

"Wow!" muli akong ngumiti dahil ilang beses na niyang banggitin ang salitang iyon. Mabilis niya namang kinuha ang camera nito at dali-dali itong kinuhanan ng mga litrato.

"How I wish na kasama rin natin 'yong labing-dalawa na 'yon sa biyahe natin ngayon. I'm sure na matutuwa sila 'pag nakita nila 'yong ganitong kagandang scenery." he said habang panay ang paglingon nito sa likod upang muling masulyapan nito ang mga bundok at mga palayan na nadaanan namin.

"Soon. Babalik tayo dito, pangako 'yan." ibinaling ko ang tingin ko sa dinaraanan namin. Sana matupad ko ang pangakong iyon.

Mainit man pero dahil nasa kalagitnaan kami ng biyahe, hindi namin alintana iyon dahil sa hangin. Medyo malamig din ang simoy ng hangin dahil sa maraming mga puno kaming nadaraanan dito.
From my peripheral vision, halos ayaw na niyang ikurap ang kaniyang mga mata para makita lang ang mga tanawin dito. Pero dahil sa hangin, walang humpay ang pagkurap ng mga mata nito. Nililipad na ng hangin ang kaniyang mga buhok dahilan tumayo ito at magmistulang sinabunutan ito nga mga ibon. Mabilis ko namang kinuha ang suot nitong face mask dahilan para magulat ito at magtaka kung bakit ko ginawa 'yon.

"Remove that and try to breathe a fresh air here in Philippines." I said, hindi naman siya kumontra at sinunod naman niya ang sinabi ko. Hindi ko na magawang tumingin sa dinaraanan namin dahil napako na ang mga tingin ko sa kaniya. I want to stare him like this like there's no tomorrow. Seeing him happy like this, masaya na ako at panatag na ang kalooban ko. Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiting nakaukit dito sa tuwing makita ko siyang masaya. But seeing him sad and sick, sobra akong nag-aalala. Hindi ako makatulog, gusto ko lang siyang yakapin, alagaan at i-comfort. I hope I can be with him forever.

"What's with that look and sad smile?" hindi ko man lang napansin na nahuli niya pala akong naka-titig sa kaniya. I gave him a force smile, I remove the strokes of his hairs that covers to his eyes. Why destiny is so selfish to us? To me?

"Hey!" he whispered and hold my hands. He is so worried when I didn't respond to his question. How I wish that I was able to see him like this again, na sobra siyang nag-aalala sa akin. Hindi ko na naitago ang emosyon ko sa kaniya, a tear escape from my eye. Why is it so hard to reach you?

"It's because," I paused, kinagat ko ang ibabang labi ko para ikalma ko ang sarili ko at para na rin mapigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Alam ko sa sarili ko na anumang oras ay pipiyok ang boses ko, I wipe the tear that fall on my cheek. Why is it impossible that I can be with you like this? Why the world was really unfair to me?

"Because, you're just part of my imagination." and with that, Minghao slowly disappeared at my side. Making me realize that I was all alone this time, that he was just part of my Imagination.

-AperireGaudia-

Please read the title once again but read it backwards. Thank you for reading!

NoitanigamiWhere stories live. Discover now