"Meng, anak, may tanong ako" Nanay Marian was cooking dinner while Meng cleaned and set the table for dinner.
"Ano po yun, Nay?"
"Nililigawan ka ba nung Rj? Yung inaanak ni Sir Sam?"
"Po?"
"Naglinis si Olive kanina dun kanina. May nakita syang papel na may pangalan at number mo daw dun sa kwarto nung Rj. Tapos, nakasabay din sa mga ipinalaba nilang damit yung isa sa mga tuwalya mong may naka-burda na Meng, yung dilaw. Alam kong sa yo yun kasi may nakasulat pang 'MM' na pink sa gilid..."
"Galit kayo, Nay?"
"Bakit naman ako magagalit? Nanliligaw ba sya?"
"...hindi pa naman sya nagtatanong kung pwede o nagsasabing nanliligaw pero..."
"Pero ano?"
"Nagh-holding hands po kami..."
"Bakit naman?"
"Nagsimula po yun nung nagpasalamat sya na sinamahan ko sya sa isang tindahan. Nagkkwentuhan kami tapos yun, pinatong nya yung kamay nya sa kamay ko..."
"Ahh..."
"Eh pumayag po ako kasi yun yung isang paraan na naisip ko kung paano malaman kung naiiba na yung pakiramdam nya..."
"Anong ibig mong sabihin?" Nanay turns off the stove and sits with Meng at the table.
"Sila po kasi ni Biboy ang huli kong pasahero araw-araw..."
"Si Biboy na may girlfriend na matangkad na mestisa?"
"Opo. Si Aubrey."
"Eh si Rj?"
"Pasahero ko din po. Siya ang madalas na kausap ko kasi si Biboy, natutulog na yun pagkasakay pa lang ng van. Si Rj naman, madalas nagkkwento para daw di ako antukin sa biyahe. Minsan kasi nakita nya akong nakasimangot na daw kasi ang haba nung araw ko. Madami akong assignment nun kaya pinoproblema ko pa yung mga deadline ko..."
"O...eh paano napunta sa kanya yung tuwalya mo?"
"May sakit pala sya sa puso. Irregular yung pagtibok..."
"Susmaryosep!"
"Eh nung unang hapon na sumakay sya pauwi, nakita ko syang nasuka dun sa may kanto nung kalye ng condo ni Sir Sam. Akala ko, baka may nakain lang na masama o may naamoy lang. Eh ilang beses nangyari na sumuka sya ng ganun. Naalala nyo yung gabing pumunta kayo ni Ninang Olive sa patay?"
BINABASA MO ANG
Borrowed Time (completed)
Ficción GeneralAll of us are here temporarily. What matters is what we make of our time...