Sino'ng Ka-Valentine Mo?

349 38 19
                                    

NANINGKIT ang mga mata ni Annis at halos lamutakin ang paper cup ng iniinom na iced coffee. "Sinasabi ko na nga ba! Inasahan ko na ito, eh. Thursday kasi at tiyak na mawawala na naman ang lalaking 'yon!"

"Kumalma ka lang at hindi ka pa naman sigurado sa mga hinala mo," sabi ng BFF niya sa office na si Femmie, future Mrs. Samuel Andres, dahil fiancé na ng bruha ang CFO lang naman ng Lucis Telecom kung saan sila nagtatrabaho. Pareho silang nasa accounting department. "Baka busy lang talaga 'yong tao."

"Kada Huwebes at Sabado na lang, walang palya?" Nandidilat at halos malagot ang kanyang litid. "Valentine's Day ngayon, pero nasaan na naman ang lintik na 'yon? Ni hindi matawagan ang phone!"

Hindi sumagot si Femmie.

"Plano ko pang mag-leave sana, ha? Ilang buwan ko 'tong pinlano. Magli-leave ako nang ilang araw, then yayayain ko siya na umuwi sa amin sa Lumban para ipakilala kina Mama, 'ta's magde-date kami sa Pagsanjan Falls para naman maiba. Kaso, 'eto nga... minalas na Thursday pa pumatak ang Valentine's Day. In-expect ko nang mawawala na naman sa eksena ang lintik na taksil na iyon!"

Thursday and Saturday--the two mysterious days of the week. Sa mga ganoong araw, walang palyang nawawala sa eksena ang boyfriend niyang si Francis. Mag-iisang taon na sila at naisip niya na panahon na naman siguro para ipakilala niya ito sa parents niya sa Laguna. But as it was, Huwebes nga ngayon kaya missing in action na naman ang magaling niyang nobyo.

Kapag Huwebes at Sabado, ilang oras itong hindi nagre-reply sa mga text niya at kapag tinawagan ay naka-off ang phone. Magpaparamdam ito bandang gabi. Kapag Sunday ay saka ito babawi. Ide-date siya at ang sweet-sweet na para bang first date nila palagi. Kaya mas lalong tumindi ang hinala ni Annis: may ginagawang kalokohan sa kanya ang lalaki. Ganoon daw kasi ang mga mister na may kabit, 'di ba? Biglang nagiging malambing sa misis para pagtakpan ang kasalanan o siguro para mabawasan ang guilt!

Letse kang Francisco ka! 'Pag nabuking kita, uubusin ko'ng buhok ng babae mo at ibibigti ko sa 'yo!

Medyo bayolente talagang mag-isip si Annis at likas siyang magagalitin, kaya nga sinasabi ni Femmie na perfect match sila ni Francis. Kung gaano ka-histrionic ang kanyang personality, ganoon naman ka-calm and collected ang lalaki. Sobra itong pacifist. Ito lang talaga ang boyfriend na nakatagal sa ugali niya.

"Akala ko pa naman mahal na mahal niya ako," daing pa niya sa kaibigan.

"Well, ako rin naman. Kita naman kasi, bes. Dead na dead sa 'yo ang dyowa mo. Ang haba-haba ng hair mo. Pasabunot nga!" At sinabunutan nga siya ng bruha.

May dalawang buwan nang nahahalata ni Annis at unti-unti nang nabubuo ang kongklusyon sa isip niya: nagtataksil ang walanghiyang nobyo niya! Consistent talaga itong nawawala sa eksena sa mga araw ng Huwebes at Sabado.

"Kailangan ko siyang mahuli sa akto," deklara niya. "Mahal na mahal ko siya at kahit naibigay ko na ang lahat-lahat-lahaaaat ko sa kanya, I still love myself more. Hindi ako magpapaka-martyr, 'neng!"

"Well, dapat lang naman. Pero carry mo kaya?"

Dinagukan ni Annis ang sariling dibdib. "Gawa sa buhos na semento 'to, 'neng!" It was a lie. Hayun nga at parang manipis na hollow block na niyayanig ng lindol ang puso niya. Pero walang ibang makakaalam niyon--na astig siya on the outside, but deep inside she easily crumbled.

Parang hindi kumbinsido ang bruhang kaibigan niya, pero deadma na lang at inubos na ang iniinom, sabay tingin sa suot na relo. Tapos na ang breaktime.

"Watch me," sabi pa ni Annis at tumayo na para bumalik sa trabaho.

After office hours na uli sila nagkachikahan na magkaibigan. Busy sila sa pagpapaganda sa harap ng salamin sa loob ng bonggang comfort room ng private office ng fiancé nito. Siyempre, may date ito kaya hataw sa pagre-retouch ng makeup at nagpalit pa ng baong damit. Samantalang si Annis, nganga! Siya na ang may dyowang walang date! Pero siyempre, kailangan pretty pa rin kaya naki-retouch na rin siya.

Third Party (To Be Published As A Novelette In An Anthology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon