Pagmamay ari ni yhinyhin
"CaLoi!! ( pronounce as Caloy), dali halika sumali ka dito" bulyaw sa akin ni Lorry. Takte agaw eksena talaga itong babae na ito hmmp. Pa'no ba niya ako naging kaibigan?
"Ayaw! 'yoko sumali sa mga kalokohan niyo... Nah you guys acting like a child!" pagsusungit ko sa kaniya, takte talaga oh nakokonsensiya ako sa ginawa ko sa kaniya, pero ayaw ko talaga sa ginagawa nila ngayon eh.
Spin the bottle? Duh hello, konting paalala college na po kami at take note candidates pa as a graduating student. Ta's maglalaro ng ganun. Siya nga po pala babae po ako, kung nagtataka kayo kung bakit Caloi ang tawag nila sa akin dahil yun ay mula sa dalawang pangalan ko. Full name ko ay CAthryn LOIse, gets niyo na. Ewan ko sa kanila iyan ang tinawag nila sa akin eh.
Kaya lang kabisado ko na ang pagkabuhol buhol ng utak nitong si Lorry, di ako niya'n titigilan. At tama ako; tumayo pa ito at lumapit sa akin, kaya naman medyo na tigil yung iba niyang mga kasamahan sa pag iingay at ngayon nakatingin na sa akin.
I give them What-the-heck-are-you-looking-at? look. Masungit na kung masungit alam na naman nila iyon. Bigla naman hinatak ni Lorry ang kamay ko at pilit akong pinapapunta kung saan sila nakapwesto at ginagawa ang malaki nilang kalokohan.
"Ayoko Lorry! Ayoko nga!"
"No!, come with me and join us, makisaya ka din sa amin kanina ka pa kalkal ng kalkal dyan sa paborito mong libro. Hello nasa bakasyon tayo at wala sa school wag ka ngang KJ!" at siya pa talaga ang nagalit sa akin, di ba dapat ako? Wala dapat ako dito, dapat na sa mini bookshop ako ni Uncle at ginagawa ang part time Job ko dun. Pero ngayon ano? Heto napasama sa boring, useless at parang children outing nila. May goodness, oh mahabaging langit pa'no ba ako napasok sa ganitong sitwasyon.
"Sige na Lorry, minsan lang tayo maging baliw dito pagbigyan mo na dahil for sure after nating grumadweyt eh magiging seryoso na tayo sa kaniya-kaniya nating buhay." pangungumbinsi pa ni Mimi sa akin na kasali din sa laro nila.
"Oo nga! Oo nga!" sang-ayon pa ng iba.
Tuluyan na nga akong nahatak ni Lorry palapit sa iba pa naming mga kasama. Kasabay ang malalakas nilang hiyawan na akala mo nanalo sa kung saan.
"Yehey!"
"O tara, simulan ulit natin sa una." masayang sigaw ni Mimi.
Umupo ako sa sahig kung saan sila nakapaikot ng malaki at nakaharap sa bawat isa. May berdeng bote sa gitna namin. Hindi ako umayos ng upo nakatagilid lang ako para ipakita na hindi ako interesado sa larong iyon.
Maya-maya lang ay pina-ikot na ni Lorry ang bote, sa tingin ko siya ang pasimuno ng lahat. Takte nakaramdam ako ng kaba ng mag simulang umikot ang bote. Mula sa malakas hanggang sa papahina ay kumakalabog naman ang dibdib ko bakit kaya? Normal lang ba ang ganito sa larong ito?
Whew! nakahinga ako ng maayos ng hindi ito tumutok sa akin. Kundi dun sa katapat ko tumutok ang nguso ng botelya na iyon.
"Truth or Dare?" tanong ni Lorry kay Yash.
"Ahmm dare for a change, kanina pa kasi truth tayo ng truth eh" paliwang pa niya, isa siya sa mga maituturing na magandang palahi ni eba dahil ubod talaga ito ng ganda. Yung tipong makabali leeg, kasi lilingunin mo talaga siya para lang masulyapan ang kagandahan niya.
At sigurado ako, abot langit na ang mga ngiti ng mga lalaking kasama namin sa circle, este sila lang pala ang belong sa circle kasi half body ko lang ang kasama sa circle.

BINABASA MO ANG
Spin 'D Bottle (One Shot)
Short StoryNakasali ka na ba sa larong Spin the bottle? Ano ba talagang meron sa larong ito at tila pagkatapos niyo itong laruin eh may kaniya-kaniya kayong baon na mga ala-ala, ang ilan nakakahiya, ang ilan naman masasaya at ang higit sa lahat ang ilan sa mga...