Kinaladkad pa talaga ako ng babaeng ito pabalik doon sa kwarto namin. May Ghad di naman siya halatang excited ng lagay na iyan. Hanggang sa marating na namin ang hallway patungo sa silid kung saan sila naroon.
"Sige... sige... go ahead na sa likod mo lang ako." sabi ko pa sa kaniya may goodness hiningal ako dun infairness. Kaya hayun binitawan na niya yung kamay ko at last!. Nung palapit na kami sa pintuan bigla naging mahinhin kilos niya, ibang iba sa kung ano siya kanina. Ganito pala ang mga babae pag mag papakipot hehe.
Himala, tahimik 'ata sa loob? Baka inaabangan nila kung sino ang papasok. Di na ako magtataka kung sa pagpasok ni Yash biglang mag hiyawan ang mga iyon.
Pero...
Nakapasok ng lahat-lahat si Yash ay wala pa din humihiyaw sa kanila, bakit kaya? Akala ko ba ang magaganap eh yung sinabi sa akin ni Yash kanina sa may CR na napag planuhan na nila. Dala na din ng curiousity ko nagpasya na akong sumunod kay Yash, nagugulihaman na din kasi ako. Pagkatapat ko sa may pinto lahat sila nakatingin sa akin?
Teka? may dumi ba sa mukha ko? Kasi nakalimutan kong magsalamin kanina di ko na na-check. Napansin ko naman si Yash na nakatayo sa may gilid ni Lorry at Mimi at nagbubulong bulungan. Tungkol naman kaya saan.
"Ayyyyyiiiiiieeeeee!!!" hiyawan ng mga klasmeyt ko. Teka anong meron? Yung totoo ganito ba talaga ang epekto ng larong SPIN THE BOTTLE, unti-unti kang mababaliw. May Ghad mabuti na lang at umalis ako at di natulad sa kanila.
"Oh pa'no ba 'yan Singh si Caloi ang pangalawang pumasok. Ayyyiiieee gawin mo na yung DARE mo dali" pambubuyo pa ni TJ. Teka ano daw? Wala talagang nag s-sinc-in sa utak ko. Di ko gets? Tas napatigin ako kay Singh para tanungin sana siya kung ano nga yung nangyayare? Pero nagulat ako ng tumayo ito at nagtungo sa kinatatayuan ko.
Whaaaa! anong nangyayare? Itinuon ko naman kina Lorry ang pansin ko pero langya talaga busy sila sa pakikipag bulungan kay Yash na para bang nagpapaliwanag. HELP!! Pakipaliwanag ang mga nagaganap ngayon whaaaaaa!
Sa paglapit niya sa akin napapa atras naman ako. Bakit ganun siya makatingin, napaka seryoso di katulad dati kwela. Hindi man lang siya nakangiti, teka tama ba napapansin ko? Sa..sa..sa labi ko ba siya nakatingin? Oh no what's going on?
"T-teka nga S-singh a-ano ba talaga ang nangyayare?" nauutal na tanong ko, kasabay ang dahan-dahan kong pag atras hanggang sa makalabas na kami sa may pintuan at dumikit na ako sa pader. Di niya ako sinasagot, napaka seryoso pa din ng mukha niya na talagang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba na para bang may magaganap na maaring kong magustuhan o di naman kaya ay pagsisihan. Hindi kaya? Whaaaaaaa! imposible yun.
*Dugdug*
*Dugdug*
*Dugdug*
Takte sound effects ng ano yun? Mas ikinagulat ko ang sumunod na aksyon ni Singh, di talaga normal kumpara sa pangkaraniwang asaran namin pag nasa school. Ito siguro ang kauna-unahang magkakalapit kami ng ilang inches lang ang layo sa isa't isa. Napansin ko ang pag dako ng mga mata niya mula sa labi ko hanggang sa mga mata ko? Teka anong trip to pinaglalaruan ba niya ako. At di pa siya nakontento ikinulong pa niya talaga ako sa mga bisig niya habang ako moon-t*nga sa mga nangyayare.
Oo, idinikit niya ang mga kamay niya sa pader at ikinulong ako na parang ewan lang. Habang yung iba nag kakantyawan na.
"Bakit ...mukhang kabado ka dyan?" tanong niya, shock! I can clearly smell his cool breath. Dahil mukha naman niya ang inilapit niya sa akin. Pakiramdam ko nangangamatis na yung mga pisngi ko. Whaaa!

BINABASA MO ANG
Spin 'D Bottle (One Shot)
Truyện NgắnNakasali ka na ba sa larong Spin the bottle? Ano ba talagang meron sa larong ito at tila pagkatapos niyo itong laruin eh may kaniya-kaniya kayong baon na mga ala-ala, ang ilan nakakahiya, ang ilan naman masasaya at ang higit sa lahat ang ilan sa mga...