Ito na yata ang pinaka malungkot na araw, farewell party na kasi namin. Kahit ba maiingay sila mamimiss ko talaga sila. Huling saway na rin ito ng teacher namin, 4th year na kami tapos na rin ang retreat.
"Alex, mamimiss kita. Wag ka nalang kasi pumunta sa ibang bansa!" sabi ng bestfriend kong si Chrystal. Since grade 6 bestfriend ko na sya kaya ganun sya maka react nung sinabi kong pupunta kami ng Amerika. Dun na kasi ako mag-aaral.
"I shall return." pabiro kong sinabi sa kanya. Pero, dahil bestfriend ko siya syempre mamimiss ko sya ng sobra.
"Kailan pa?" sabi nya saakin.
*Biglang may nagpatugtog ng malungkot na kanta. Nyeta yun ah*
"Huwaaa!" sabi ni Chrystal, grabe iyak nya. Parang may namatay.
"Uy, wag ka nang umiyak." sabi ko naman, kawawa naman kase.
Pinagtitinginan kami nung mga kaklase namin. Kasama na dun yung crush ko, si Lindon. Ang cute nya, nakatingin pa sya samin ni Chrystal ngumiti pa nga sya eh. Tinatawanan ata yung iyak ni Chrystal.
"Ganyan talaga ang buhay Chrystal. Wag kang mag-alala, dahil mahal kita, babalikan kita, hehe." sabi ko sakanya
"Haish, ang o-OA ng tao dito." bulong naman ni Maddie sabay irap, kahit ba bulong yun narinig ko yun.
"Tsh, wala ka kasing kaibigan." bulong ko naman, totoo naman kase. Walang kumakaibigan dun taray kase eh.
"5 mins. nalang malapit ng mag-uwian." sabi ni Maam.
"Ang bilis talaga ng oras." sabi ko.
{After 5 mins:}
"Class mag-pray muna tayo bago umuwi." sabi ni Maam
*****
Grabe talaga, yung mga mata ni Chrystal magang-maga.
"Huy text mo nalang ako kung pupunta na kayo sa airport." sabi ni Chrystal sakin.
"Sige uwi na ko. Text mo ko ah?!" pahabol pa nya.
"Sige bye." sabi ko nalang
Antagal naman nila manong, sabi nila susunduin nila ako. Sandali lang last ko na nga pala tong baon. Gastosin ko na nga 'to. Bibili muna ako ng makakain.
******
Aish! Siksikan naman.
Oh sh*t, bakit nandito pa si Lindon? Mamaya na nga ako bumili.
Maka-labas na nga muna takas na.
"Huy Alex saan ka pupunta?" sabi ni Lindon sakin.
"Sa-sa-sa labas, bibili ng pagkain." sabi ko, kinakabahan ako syempre.
"Nandito ka na nga sa tindahan, bakit ka pa lalabas? Weird mo talaga." sinabi nya sakin sabay tawa
"Eh." sabi ko naman sabay ngiti.
"Libre na kita!" sabi ni Lindon sakin.
"Ahm sige." sa sobrang kaba ko napa-sige nalang ako.
"Oh eto na." sabi nya sakin
"Salamat." sagot ko naman
"Sige uwi na ako, bye." sabi ko kay Lindon. Eto na ang tamang oras para tumakas.
{Paglabas ko ng tindahan: }
"Yes! Nakausap ko rin sya ng harap harapan! Hohoho." sigaw ko. Wala naman sya eh.
Andyan na pala yung sundo ko.
Sumakay na ako sa kotse namin, ihahanda na namin yung mga gamit namin sa maleta.
**
Si Lindon ba yun? Bakit nya hinahabol yung kotse namin? At sinisigawan pa nya yung kotse namin, buksan ko na nga yung bintana.
"Aamin na ako Alex! May gusto ako sayo! Wag mo kong iwanan!" sabi nya sakin. Wala namang nagsabi sakanya na aalis kami ah, ang alam ko kay Chrystal ko lang yun sinabi. Siguro sinabi ni Chrystal kay Lindon.
Wala na akong masabi dahil malayo na kami sakanya. Yun pala sinasabi nya, teka bakit ambilis ng tibok ng puso ko? Kinikilig ba ako? Malamang oo.
Sana pala kanina pa nya yun sinabi, para masabi ko rin yung nararamdaman ko. Hindi nya alam gusto ko rin sya.
_______________________________________________
originally written by : -sugarcream
A/N : Do not plagiarize! Please.
BINABASA MO ANG
oneshot : Aamin Na Ako
Teen Fiction❝Sana pala kanina pa nya yun sinabi, para masabi ko rin yung nararamdaman ko. Hindi nya alam gusto ko rin sya.❞ - Alex