Prologue

3 0 0
                                    

"Hi po!"

"Anyways, marami na kaming katulong dito kaya please lang. Wag na."

"Kuya, baka naman...."

"Miss, nakikita mong angliit ng bahay ko. Wala kang lilinisan dito, okay? Sa kabila ka nalang."

Sa ngayon, naghahanap ako ng mapapasukan. Independent kasi ako, magisa akong namumuhay sa sarili ko. Lumayas lang naman ako sa bahay namin kasi ayoko na dun. Lagi din lang akong bunubugbog dun sa bahay. Funny right?

Oo, tama kayo ng basa. Marahas kasi yung nanay ko, eh. Kaya nagbalak nalang akong lumayas. Tutal, mas mahirap pa nga yung ginagawa ko sa bahay kesa itong pinag-gagagawa ko ngayon. Yung mas feel ko na nag iisa ako kung nasa bahay.

Anyway, naka upo ako ngayon sa isang waiting shed at nag hihintay ng bus. Uuwi nalang ako sa condo ko. Ang pinagkakaabalahan ko lang naman ngayon ay ang online shop. Seller kasi ako. Yun lang ang pinang bubuhay ko sa sarili ko.

Makalipas ang ilang minuto ay may dumaan nang bus at tuluyan na akong umuwi sa aking condo. Sumakay ako ng bus at umupo, kuha headset. Saksak sa tenga. Pikit. Enjoy.

Mumulat ako ng mahagip ng mata ko ang isang malaking bahay na may nakasulat na Wanted. Oh well, dali-dali akong pumara at bumaba upang bisitahin ang isang bahay na iyon.

Pinindot ko ang doorbell. Pinindot. Pinindot. So ayun, walang lumalabas. Mahigit kalahating oras na ako dito. Umupo ako sa may gilid ng gate nila at nagisip-isip.

Worth it ba toh? Kung matatanggap ba ako sa mansyon na toh? Isang itim na gate na akala mo kung wala ng bukas ang tangkad.

Mapuno ang harap nito at madaming nakasabit na orchids. Napatingin naman ako sa lalaking nag cucut ng mga puno para magkaroon ng shape.

Hindi niya kaya naritinig yung doorbell? Hayst. Naimbento pa toh. Walang kuwenta. Halos isang oras na ako dito pero wala pading nagpapakitang anino ng tao.

Napatayo ako dahil sa lakas ng busina.

"Tae ng kalabaw!" Aish. Loko toh, ah!

Binuksan niya ang bintana at lumingon saakin. Ang angas ng datingan, hah. Parang pilikula lang ang dating.

"Hoy! Hindi mo ba ako naririnig? Buksan mo yung gate!" Reklamador nga lang ang gaga.

"Hoy! May pangalan ako noh? At sino ka ba para pagbuksan ako ng gate? Katulong mo ba ako?! Ha!" I rolled my eyes and look at my phone.

"Ay putcha!" Nahulog ko yung phone ko! O my ghad! Mahal pa naman toh. Makabusina kasi eh! "Hoy! Pwede ba?! Putcha ka din eh noh?!" Sigaw ko nanaman.

Napatigil ako ng lumabas siya ng sasakyan. Ay wow, ang angas. Akala mo kung wala nang bukas makaporma. Pero masungit! Sipain ko to eh.

"Sino ka ba para suwayin ako?" Aniya.

"Sorry?"

"Ang sabi ko, sino ka ba para suwayin ako!" Ang lakas ng sigaw niya. Yung mga nag tratrafic pinagtitinginan kami. Ay, ako lang pala. Tumatawa pa sila.

"Hindi mo ako katulong, okay?!" Aalis na sana ako ng magsalita ito at hinawakan ako sa braso. Napatingin nalang ako sa paghawak niya ng biglaan niya rin itong inalis. Nag make face pang nandiri!

"Hindi bat' mag-aapply ka din lang?" Mahinahon niyang sabi.

"Ngayon, dahil alam ko nang amo ko. Wag na!" Tuluyan na akong umalis pero halatang sumunod ito.

"15,000 a month, okay na?" Napatigil ako sa sinabi niya.

Sorry po, kailangan ko talaga nito eh. Kakapalan ko nalang mukha ko, bwisit!

"Uhm. Anyways, ready na pala ako sir." Nag smile ako at ganon din siya pero sarkastik.

Pumunta na kami ng bahay nila. 

______

Mapagtatagumpayan kaya ni Tori ang kanyang pagsubok sa bahay ni koya? Narito basahin nating lahat.

VOTING IS NOW OFFICIALLY OPEN!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

97 Day's (Tagalog) Where stories live. Discover now