Booooogs!
"Ouch" Aray ko! May bumangga sakin isang matigas, mabango at vcfhhjsdg, wait what???
"Holy Cow" napadilat ako bigla, ng mapagtanto kong isa siyang katawan and the fact that ako lng mag-isa sa bahay na to. Creepy. It's lame haha
"Hey" sabi niya.
Tao po siya! Senetch itey???
Ang lalim ng boses kaya napaangat ako ng mukha and ...
Makalaglag panga!!!
Ang gwapo!!! Ano ba Summer lantod mo, pano kung rapist yan?, kidnapper, o magnanakaw?
Kapag nasa bingit pala ng kamatayan nagiging malandi?Sa totoo lang, I hate boys. I really hate boys, but I'm just human.
"Can you get off me?" He said. Ang yabang, pa english-english.
Napa-upo ako bigla, Jusko nakapatong po ako sa kanya.
Nagkatitigan kami nang gwapo niyang mukha, mukha po siyang artista.Napa-upo pa rin siya at pailing-iling, nabagok yata, buti nga sa kanya.
Napatayo at napaatras ako kasi awkward ng posisyon namin. Alam mo yung naka-upo ka sa hita niya na nakaharap sa kanya tapos siya naman nakaharap sa akin
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa bahay ko? At pano ka nakapasok?!"
"Tsk! Tsk!" Tumayo siya at naglakad papunta sa direksyon ko.
"Wag kang lumapit"
"Tingin mo pagnanasahan kita?" May accent, ang cuuute! ay Summer wag kasi marupok, "it's flat".