2:29 AM

2.1K 74 22
                                    

May kasabihan tayo ng pag bigla kang bumangon ng ganitong bandang oras, isa lang ang ibig sabihin nito. May nagbabantay sa iyo habang ikaw ay tulog.

*****************

Biglang nagising si Shaney sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. 

Napahawak siya sa kanyang lalamunan. Nauhaw siyang bigla.

Pero ayaw niyang bumaba para kumuha ng tubig..

Sana bago ako natulog, kumuha muna na ako ng isang basong tubig . Sambit nito sa sarili niya.

Si Shaney at 11 years old at lagi siyang naiiwan mag-isa sa kwarto.

Kasama niya sa kwarto ang ate niya kaso dahil call centre agent ang kanyang nakakatandang kapatid umaga na lang ito nakaka-uwi, so mag-isa lang siyang natutulog sa kanilang kwarto.

Medyo may kalakihan ang kanilang tinitirhan, up and down na bahay. Dalawang kwarto sa taas, isang banyo sa ibaba, kusina, at sala.

Sa kabilang kwarto naman ay kwarto ng kaniyang mga magulang, pero wala sila ngayon  dahil sila ay nag honeymoon.

Kinuha niya ang tablet sa kanyang tabi at tinignan ang oras.

Nakalagay "2:29 AM".

Dahil hindi siya makatulog, nanuod siya kanyang tablet nang biglang may narinig siyang mabigat na yapak na paakyat sa hagdanan nila.

Tumigil siya sa panonood sa kaniyang tablet at pinakinggan ng mabuti ang taong paakyat ng kanilang kwarto.

Nararamdaman niya na papalapit na papalapit ang yapak nito at tumigil sa tapat ng kanilang pintuan.

Feeling niya may nakasilip at may nagmamasid sa kanya.

Medyo pinagpawisan siya.

Dahil madilim sa kwarto, tinapat niya ang screen ng tablet para mailawan ang kanilang pintuan.

Nakasara naman ang pintuan.

Ang alam ko si ate umuuwi ng alas dyes ng umaga. Sambit nito sa sarili niya.

Dahan dahan siyang bumangon at inalis ang kaniyang kumot at sumandal sa hamba ng higaan.

Nagulat siya at na-i-hagis niya ang kanyang tablet at napunta ito sa tapat ng pintuan dahil sa sobrang lakas ng kalabog sa labas ng kanilang kwarto.

Para bang may nahulog.

Madilim sa kwarto niya at ang kaniyang tanging ilaw lang ay ang kaniyang tablet na ngayon ay nasa tapat ng pintuan.

Dahan dahan siyang bumaba sa kama at sabay takbo sa ilaw para kanyang buksan.

Pinulot niya ang kaniyang tablet ng mapansin niyang nakabukas ng konti ang pintuan nila.

Nanginig siya at nanigas sa kanyang pagkakatayo dahil sa kanyang nakita. Nagsitayo ang lahat ng kanyang balahibo sa katawan.

May nakatayo sa harap ng kaniyang pintuan at ito ay matandang babae nakangiting nakatitig sa kanya.

Puro kulay itim ang mata at nalalagas na mga ngipin, nakita niya itinaas ang na-a-agnas ng kamay nito paloob sa kanyang kwarto at papalapit sa switch ng ilaw.

Gusto niyang isarado ang pinto para maipit ang kamay nito o sumigaw ng tulong pero hindi siya makagalaw.

Biglang namatay ang ilaw.

Pagkapatay ng ilaw, biglang nasa harapan na niya ito at nakatutok sa mukha niya ang matanda at naka-ngisi ito sa kanya.

Nagising at napabangon si Shaney sa kanyang pagkakatulog. Pawis na pawis ito, never pa siyang nanaginip na ganun kasama.

Kinuha niya ang kaniyang tablet at tinignan ang oras.

Nakalagay "2:29 AM".



**********

Guys, please don't forget to comment and vote para naman ma inspired ako Lalo haha.

Thanks for reading :))))







Tagalog Horror  Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon