This is only a fiction. Read at your own risk! Enjoy! 😘😘😘
*************************
Hindi kami lagi nagkikita ng bestfriend ko. Kung magmi-meet man kami, every once a month lang.
Kapag meron kaming free time, we always make a plan to meet each other to catch up, for sure maraming kwentuhan.
Ako lagi ang pumupunta sa kanila kapag magkikita kami.
Sa Mabalacat siya nakatira, kapag pupunta ka sa kanila, kailangan mong sumakay ng tricycle sa kanto kasi malayo pa ang bahay nila.
Marami kang lalagpasan na palayan hanggang sa makarating ka sa bahay nila.
Mag-isa lang sya nakatira doon, hindi talaga sa kanya ang bahay, pinagkatiwala lang sa kanya ng kanyang highschool classmate ang kanilang tirahan dahil silang magpapamilya ay nakatira na sa ibang bansa.
Sobrang laki ng bahay, pagdating mo doon, may mataas na gate, at kalakihan na garahe, yung pintuan papasok sa bahay ay malaki din, doble siya sa normal na pintuan.
Pag bukas mo ng pinto, isang malaking sala ang bubungad sayo, further is the dining room, malaki ang mesa, the table was glass, at may 6 chairs surrounding it. Then infront of it is kusina, sa left side ng kusina may pintuan doon which is yung banyo.
Sa dining area, sa left side is the stairs to the second floor.
Sa bungad naman ng malaking sala, sa left side is another huge sala, what do you expect? the house is huge and spacious, sa sala na yun, may katabing kwarto and doon nagsstay ang bestfriend ko.
May sariling siyang banyo at mini kitchen doon sa kwarto niya.
Hindi pa ako nakaakyat sa second floor pero sabi ng kaibigan ko tatlo daw ang kwarto sa taas and every night, bago siya matulog, lagi siyang may naririnig na naglalakad.
Nagkwento siya na may radyo sa taas, sa masters bedroom, hindi daw niya pinapatay and radyo, she is afraid of ghosts pero hindi siya takot mag-isa sa malaking bahay LOL. That is because she is always occupied, home base kasi siya kaya lagi siyang busy.
Then isang gabi, she told me that the radio went off. Umakyat siya sa itaas para buksan yung radyo kasi for some reason, laging naglu-loose yung switch.
Pag-akyat niya is a hallway, sa right side is the masters bedroom and sa left side is yung dalwang kwarto.
When she was about to open the masters bedroom door, may naramdaman siyang parang lumapit sa likod niya.
She was panicking inside pero her face remained stoic, ayaw niya ipahalata na she is scared.
She didn't want to turn around to see who was behind her, maybe it was her imagination only.
She quickly opened the masters bedroom door and walked over and went to the lampshade table kung saan nakapatong yung radyo and she quickly connected the switch.
Nung paglingon niya, there was someone standing by the door looking at her, it was her nanay.
Her hands went to her chest like a heart attack and exclaimed 'Akala ko sino na ang nasa likod ko kanina!!! Ihhh mama kaw lang pala! Bumaba na nga tayo." And she was shaking her head smiling.
Her mother did not respond but instead naglakad ito papunta sa kabilang kwarto.
She frowned when her mudra did not respond. She walked to door where her mother was standing, she watched her mother walked towards the other room and opened the door, went inside and mejo nagulat siya nung binagsak na sinara ang pintuan.
Napalunok siya, kasi hindi naman basta basta pumapasok sa kwarto mama niya kasi hindi naman nila bahay yun.
And madaldal ang kaniyang nanay, she wouldnt stay quiet.
When the door was closed, she heard her nanay called her out downstairs announcing her arrival.
Her mudra was looking for her. She heard her say "Marie?! andito nako, dala ko yung mga damit mo, tapos ko na labhan at pinagdala din kita ng ulam, nasan ka?"
Nung narinig niya boses ng mama, sabay sarado sa pintuan ng masters bedroom but before she completely closed the door, her eye caught that someone in the masters bedroom a woman with a long white hair was sitting on the bed pero nakatalikod ito sa kanya.
Nanlaki mata niya and she quickly rushed downstairs.
And explained to her mom on what happened.
Her mom's eyes quickly fixated on the stairs, nanlaki mata niya, and she was pointing something behind her, again she didnt want to turn around.
She slowly turn her head to see what her mom was pointing at pero wala naman, she quickly said.
'Ihhh mama naman eh, tinatakot mo ko'
After she said that, she faced her mom pero may naramdaman siyang lumapit sa likod niya at nagsitayuan balahibo niya sa batok when she heard someone whisper and said...
"Ang ingay ng radyo mo" in the most chilling tone and it was from an old woman with a crack voice.
Lumingon siya pero wala naman siya nakita sa likod niya.
Naramdaman niyang malamig ang kamay ng mama niya.
Unti unti siyang humarap, hindi na pala nanay niya ang kanyang kausap, kung hindi ang matandang nakita niya nakaupo kanina sa masters bedroom.
"maingay radyo mo, patayin mo" sigaw ng matanda.
Nanlaki mata niya at gusto niya sumigaw pero hindi siya makasigaw.
Biglang nawala ang matanda sa harapan niya.
******************************
Let me know your thoughts! Comment and vote please.
Sorry took a while for me to create another story, mejo stress ako sa work.
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Short Stories
HorreurYung mga mahilig magbasa ng mga nkakatakot, heto try niyo po. Mahilig akong magkwento ng mga nakaktakot sa mga pamangkin ko bago sila matulog so I decided to write them down. And these are all fiction and made up in my head. Pure Kapampangan ako, so...