PROLOGUE

6 0 0
                                    

SABI NILA ANG PAG-IBIG hindi raw hinahanap at hindi hinihingi, kusa raw itong dumadating. Sa tamang oras. Sa tamang panahon. At sa dalawang taong nakatadhana na magkasama.

Noong bata pa ako, naniniwala ako sa happy ending, sa true love, sa happiness at sa forever. Naniniwala rin ako na ang bawat tao sa mundo ay may kapareha - mayroong Soulmate. At kapag nakita mo na ang taong destined para sa iyo, magkakaroon ka na rin ng happy ending. At forever kang magiging happy kasama ang one true love mo.

Pero noon iyon. Bata pa ako NOON at ang tanging source ko lang tungkol sa konsepto ng love ay ang mga fairy tale. Hindi ko alam ang mga sinasabi ko.

Kung hindi dahil sa prinsesang may kaibigang sampung mga ibon at daga, eh, di sana hindi ako naniwala na ang lahat ng naaapi at kinakawawa ay hahabulin at hahanapin ni Prince Charming sa huli. Na madadaan ang lahat sa impromptu na pagsayaw at pagkanta.

Kung hindi dahil sa prinsesang pinangalan sa snow kasama pa ang kaibigan nitong pitong duwende! Sana hindi ako naniwala na kayang lutasin ng True Love's Kiss ang kahit na anong deadly curse.

Kung hindi dahil sa isang sirena, eh, di sana hindi ako naniwala na posibleng magmahal sa taong isang beses mo pa lang nakita.

Kung hindi dahil sa prinsesang may alagang tigre, eh, di sana hindi ako umasa na ang mga taong nagpapanggap ay kayang magmahal nang totoo.

At kung hindi dahil sa prinsesang hindi naman talaga prinsesa, eh, di sana hindi ako umasang mababago ng pag-ibig ko ang demonyong halimaw na pinili kong mahalin.

Pero dahil bata pa nga ko noon, wala akong alam. At hindi ko pa nakikilala ang taong magpapabago sa mga paniniwala ko.

Hindi ko pa nakikilala si Erik Vincent Imperial Licona.

Ngayon hindi NA ako naniniwala sa happy ending. Kasi ang buwisit na Happily Ever After na iyan ang nag-umpisa ng never ending heartache ko.

So I guess, this happens when you fall in love with EVIL.

Erik Vincent Imperial Licona, kung binabasa mo ito ngayon, sana: (in no particular order)

· Makaapak ka ng LEGO

· Makantuhan ang siko mo at ang hinliliit mo sa paa.

· Kagatin ka ng antik sa singit.

· Matalo ka lagi sa pustahan ninyo sa DOTA.

· At habulin ka forever ng mga flying ipis.

Hayup ka. Pakyu. I hate you!

TO LOVE EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon