*Grade 4 na ako
Pasukan na namin noon, syempre excited ako kaya gumising ako mga 5 am para maghanda.
Usap usapan noon na may bagong studyante raw na magtratransfer dito.
:ang gwapo naman ni Kin
Napaisip tuloy ako bigla. Kin? Ang panget naman ng pangalan. Sabay ng malakas kong pagtawa.
At nag ring na ang bell kaya pumasok na kami sa mga classroom namen.
Nang makapasok ako sa classroom, umupo ako sa secord row na kung saan wala akong katabi dahil din naman wala akong kaclose.
Naririnig ko ang pagchichismis ng aking mga bagong kaklase sa aking likod na gwapo daw yung transferee.
Nang makalipas ang limang minuto, pumasok at dumating na ang aming guro kasama ang bago naming kaklase.
Laking gulat ko nung naghiyawan lahat ng aking mga kaklase. Syempre nabigla din ako.......
Si Kean pala yung transferee.
Naghiyawan ang aking mga kaklase dahil sa sobrang gwapo ni Kean pero ako? Well diko siya pinansin pero syempre ayokong magpahalata na tuwang tuwa ako na makita ulit siya.
Noon pinangarap ko na sana ay lagi kaming magkikita ni Kean at ngayon nga ay natupad na ito.
Pinaupo ng aming guro si Kean. Kitang kita na wala ng ibang upuan kundi sa tabi ko lang,kaya umupo nalang siya sa tabi ko.
Nang makaupo na si Kean ay nagpakilala na ang aming guro. Siya si Mr. Jun Natividad. Bago pero magaling siya. Syempre hindi mawawala ang pagpapakilala namin kaya naman ay nauna na si Kean tutal siya naman ang bago dito.
:Magandang umaga mga kaklase,magandang umaga Sir Natividad,ako si Kean Del Rosario,nakatira ako sa Laoag City. Ako ay dating honor student sa aming paaralan pero dahil sa pinili ni papa na lumipat ng bayan ay lumipat na nga kami. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat.
Naka focus lang ako sa kaniya that time. Napatulala nalang ako sakanyang kagwapuhan. Habang tulalang tulala ako ay diko namamalayan na tinatawag na pala ako ni Sir.
:Mitch! Mitch!
Ang salitang mga naririnig ko. At doon nga ay nawala ang pagkatulala ako tumawa nalang para di ako mahalata.
Tumayo na ako para magpakilala. At ng matapos na ako ay sumunod na ang aking mga kaklase.
*kringggggggg
Tunog ng bell na nagpahinto saamin para magklase.
Lumabas na ang lahat para magmeryenda at ako at dalawa pang kaklase ko ang natira sa aming classroom.
Nabobored ako that time kaya lumapit ako sa kanila nakipag bestfriend na ako sakanila at simula noon ay magbestfriend nakami. Sila ay sina Sarah at Niña. Maganda rin sila at magagaling.
Napagusap namin si Kean. Ang gwapo talaga niya pero ako lang may crush sakanya saaming tatlo.
Habang kami ay nag uusap, dumating si Kean. Lumapit siya saamin. Habang siya ay lumalapit kinikilig naman sila. Sanay na akong makita siya kaya nakokontrol kona ang aking emosyon kaya di ako nagpahalata.
:Hi classmates!
Bungad niya saamin.
:Hi
:Hello
:Hi keanSagot naming tatlo na para bang nakakita ng artista na di alam ang ginagawa.
:Musta kana Mitch
Bigla niyang singit.

YOU ARE READING
Vigan: where we began
Randomito ay isang storya na namamagitan sa isang babae at isang lalaki. ito ay tungkol sa pag-iibagan nilang dalawa simula pagkabata hanggang sa pagtapos ng pag-aaral. pero dahil sa isang pagkakamali ay......... basahin at maging matiyaga dahil tiyak na...