Dear Wacky,
I read somewhere that there is no such thing as bad timing, only wrong people. Hindi natin dapat sinisisi ang lahat sa wrong timing, kasi, sa totoo, mali lang talaga ang mga taong iyon para sa atin. Lagi namang pahamak 'yang mga what ifs na 'yan. Kasi, ang totoo, hanggang what ifs lang sila.
We both knew that things weren't going to end the way we wanted them to be. Ibang klase lang talaga ang timing. Ang hirap din kasing hindi sisihin ng timing, kasi ayaw nating aminin sa sarili natin na tayo talaga ang rason kung bakit natin pinagdaraanan lahat ng ito.
Hindi naman kasi natin kasalanan na magkaklase tayo sa subject na 'yon. Hindi natin kasalanan na parehas tayong late kaya naman naging seatmates tayo. Groupmates, eventually. Syempre, we ended up as friends, na nag-share ng ating likes and dislikes. We went on friendly dates, lalo na dahil parehas naman tayong mahilig lumabas at gumala. We shared almost everything. You became my confidante and my solace in the university. I wish I was the same to you. I never learned kung ano nga ba ako sa'yo. Sana ganoon din.
Thank you for the long walks, and all the wrong realizations. Sana hanggang dito na lang tayo. Sana ito na lang 'yung huling sulat na ibibigay ko sa'yo.
Always,
Elliana
THREE YEARS AGO
PALMA HALL
Holy f--! Bakit ang tagal magdismiss nitong prof ko sa Kas? Syllabus week pa lang, bakit may discussion na kami? Hindi naman ata makatarungan ito? It's beyond the grace period na?
Ma'am, it's beyond 15 minutes na, Ma'am! Nasa kabilang building pa susunod na class ko!
Pagkasabi ni Ma'am Abiera na dismissed na ang class namin, agaran akong tumayo para takbuhin sa kabilang building ang susunod na class ko. Kaya naman talaga siyang lakarin in 15 minutes, pero gusto kong kumuha ng maayos na upuan sa first day dahil may unspoken rule of seating arrangement. I took a brisk walk habang tinatawid ang Science Complex para maka-abot sa Chem class ko.
11:40. Shit, five minutes na lang until grace period ends! Bakit ba third floor pa 'tong klase ko?
"Miss, Chem 1 ka rin?" tanong ng kasabay kong papasok ng pintuan ng classroom.
"Yup, Pascual 'to, right?" I asked to confirm if I got the right classroom. Mahirap na, baka mali pa pala 'tong papasukan ko.
"Yes, sana 'di pa tayo late!" sabay bukas ng pintuan.
Sobrang sarap sa pakiramdam ng lamig ng aircon. Nakahinga kami parehas nang nakitang wala pa yung professor namin. Naku, baka naman mamaya, free cut lang pala 'to? Sayang effort naman pagpunta dito! Umupo ako doon sa malapit sa pintuan para kung maulit man na late ako, hindi ako masyadong agaw-pansin kapag papasok.
"I hope lagi siyang ganito," sabi ng kasabay ko na tumabi na rin sa akin.
"Oo nga eh. Sana rin 'di siya galit sa mga nale-late," sabi ko.
"I'm Joaquin, by the way. Pero, much better if you just call me Quin. Masyadong formal 'yung Joaquin," pakilala niya.
"I'm Elliana."
"What's your course?"
"I'm from Speech Communication. Ikaw?" tanong ko kahit may clue na ako sa kung anong course niya dahil sa polong suot.
"Industrial Engineering," sagot niya.
"I figured from your shirt," I told him. Napangiti naman siya doon.
"Observant, nice. Mukhang magandang groupmate 'to, ah."
Natawa naman ako sa sinabi niya. Aba, mukhang user-friendly 'to, ah? I hope not? He seems fine pa naman. I hope hindi siya 'yung type ng person na madaldal kapag kwentuhan pero pagkarating sa acads, wala nang maiambag. I really hate that kind of person! Hello, lahat naman tayo nasa university? Lahat naman kailangang mag-aral?
"Well, sana hindi ka butaw," sabi ko.
"Grabe naman! We'll see, we'll see," sabi niya.
Hmm, we'll see.