Chapter 4: Dean's office

2 1 0
                                    

Nika's POV;

Naglalakad ako ngayon sa hallway ewan ko kung bakit pero lahat ng studyanteng nadadaanan ko nakatingin sakin, tss ganun naba talaga ako kaganda para pagtsismisan at tingnan nila from head to toe?

"Siya ba yun?"tanong nung babaeng naaanan ko sa kasama niya

"Oo bes, siya nga yun. Di naman kagandahan" at ako pa ang di kagandahan eh mukha ng babaeng to parang drawing book na eh

Patuloy ako sa paglalakad sari-saring tsismisan ang naririnig ko tungkol sakin puro "ang pangit naman" "mas sexy naman ako" "aagawin pa niya fafa ko" etc. Hanggang sa may humarang na sa akin.

"Hey! Are you Nicole Kiana Smith?"tanong nung girl na nasa harapan ko ngayon, nakacross arm siya at nakataas ang kilay at may dalawa pa siyang kasama na kinulang sa tela ang damit.

"Uhhmm.. Yeah? Why?" Tanong ko

"Ikaw to diba!?" Hinarap niya sa mukha ko ang phone niya at nakita ko ang litrato ko habang nakadampi ang labi ko sa labi nung bastos na lalaki arrgggrr... Tarayan ang gusto mo ah..

"Duhhhh.. Ang linaw linaw di mo parin klaro? Yes that's me, at ano namang problema mo?" Sabi ko habang nakapameywang

"May problema dahil nilalandi mo si first"whoaaa did you just call me malandi?

"Bakit pagmamay-ari mo ba siya? At tsaka hindi ako malandi kasalanan ko bang sa sobrang ganda ko kaya niya ako hinalikan!!?"pataray kong tanong sa kanya, agad namang kumunot ang noo niya at nagsalubong ang mga kilay

"Your not like maganda your so yuck and your not sexy din, bitch! " sagot nung isang alipores niya hindi naman marunong mag English duhhh..

"Umarte ng naayon sa English, I thought.. only intelligent student can in role here but in your case, your like a tambay" nyahahahaha oh huh nga nga, pansin kong pinapalibutan na kami ng mga studyanteng malapit sa amin.

"Nika! Sapakin mo na yan" sigaw nung kaklase kong lalaki sinasabayan niya pa ito ng pagsipol

"Wala kang karapatan na pagsalitaan kami ng ganyan hindi mo ba kami kilala! Huh!?"at nagtanong pa ang gaga

"Duhhh.. Obvious ba? At wag mong sasabihin na famous kayo, kasi di kayo kilala ng Lola ko mahiya naman kayo" hindi na napigilan nung babae ang pagka-inis niya, sasampalin niya sana ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya at yun ang pinangsampal ko sa kasama niyang sobrang kapal ng red lipstick

"Whooaaahhh!!" Huni ng mga studyante

Silang tatlo ang sabay na sumugod sa akin kaya dihado ako pareho silang nakasabunot sa buhok ko kaya sinipa ko yung babaeng nasa bandang kanan ko kaya agad siyang kumawala at humawak sa tiyan niya, sinikmurahan ko naman yung nasa kaliwa ko. Nakasabunot parin yung parang leader nung tatlo, hinawakan ko yung balikat niya at pinilit na inangat ang ulo ko at pagkatapos ibinangga ko sa ulo niya, Tapos.

Kringggg!!!!!!

Tunog ng bell namin, mahigit dalawang oras na kaming apat dito sa Dean's office, actually ako lang pala kasi ngayon lang dumating yung apat pinapunta pa kasi sa clinic.

"Since kompleto na kayo dito, can you tell me what happen?" tanong ng dean namin

"Ma'am that girl!, she started it" sabi nung babaeng ang arte arte

"Yes ma'am she.. He.. Her... Started the gulo kanina ma'am" as usual pagsang-ayon naman nung babaeng hindi marunong mag english nag-iko naman ang Mata ng isa pa nilang kasama.

"Miss Smith wala ka bang sasabihin?" tanong ng Dean sa akin

"Actually ma'am meron, first they were telling lies, second sila ang nagsimula ng gulo not me, third ganito ang nangyari..."huminto Muna ako at umihip ng hangin

"I was just walking at the hall way and then humarang sila pagkatapos marami silang tinanong sakin kaya sinagot ko naman ito pero iwan ko bigla nalang silang nagalit at agad na pinagtutulongan ako" mahinahon kong paliwanag

"Anong klaseng tanong ang tinanong nila sayo?"tanong pa ng Dean

"Meron po kasing nangyaring misunderstood kahapon at di ko alam meron palang kumuha ng litrato ko habang KAHALIKAN ko ang isang sikat na lalaki dito sa Campus pero misunderstood lang po yung halik. Pagkatapos kanikanina lang may nag upload ng picture na yun and then this die hard fans of  Mr. Alvarez get jealous kaya nangyari yung kanina. Yung tanong niya po is "ikaw to diba"at pinakita sa akin ang litrato" mabilis kong sagot, sinadya ko namang idiin yung word na kahalikan para ma inis sila effective naman kahit papaano

"Can you show me the picture?"sabi ng Dean at tumingin sa tatlo, nung una nag-aalangan pang ipakita ni.. ewan basta yung maarteng Babae pero sa huli pinakita niya parin. May pumasok naman na tatlong studyante dalawang Babae at isang lalaki sa loob ng office.

"Can you tell me who started this mess?"itinuro naman nung mga studyante yung tatlong girlalosh

"Ok you can go now"agad namang umalis yung mga saksi

"I will giving you three a punishment, you will be cleaning the school campus without any help of a janitor."gulat naman yung tatlo pero kailangan nilang gawin yun, they deserve it. Pinalabas naman ng Dean yung tatlo kaya ako nalang yung naiwan.

"Miss Smith kahit hindi ikaw ang nagsimula ng gulo kailangan mo paring maparusanhan dahil kasali ka sa gulo"sabi ko nga eh pati ako

"Ano po yun ma'am?"tanong ko

"Go to the student council ASAP"Sagot ni ma'am, agad naman akong kinabahan pero hindi ko alam ang dahilan

"But--"naputol ang sasabihin ko ng biglang sumabat ang Dean

"No buts I said ASAP so you can go now"tsk bakit dun pa Aiishhhh... Bahala na

"Ok ma'am"sagot ko at nag bow

Lumabas na ako ng office at nagtungo na ng student council gaya ng sabi ng Dean namin.

Few minutes later****

Nasa student council na ako may nakita akong tatlong lalaki na nakatayo sa labas, iba yung uniform nila sa uniform namin. Nakalapit na ako at... Wait parang familiar mga faceu ng mga ito ah.. Pinagbuksan nila ako ng pinto ng walang pasabi kaya pumasok nalang ako may nakita naman akong tatlong lalaki sa loob.. Ayy hindi pala, apat pala pero nakaupo yung Isa Dun sa pinakadulong upoan, nagsilabasan naman yung tatlo at sinara yung pinto.

"Excuse me, pinapunta ako dito ng dean"unti unti namang humarap yung lalaki sakin, pagkaharap niya doon na kumulo yung dugo ko.....





------------------------------------------------------
Sino kaya yung lalaking yun??

Salamat po ulit sa pagbabasa kahit wala pang bumabasa😂😂

-The Real Mrs. Jeon






I love that Bad boy  [Jk ff]||Editing||Where stories live. Discover now